Talinong Pinoy

  • Home
  • Talinong Pinoy

Talinong Pinoy Ang Talinong Pinoy ay channel na nagnanais na magbukas ng kamalayan at magbahagi ng iba't ibang uri

MGA PANGULONG TOPNOTCHER SA BAR EXAMSa kasaysayan ng mga naging pangulo ng Pilipinas, walo sa kanila ang naging topnotch...
30/07/2020

MGA PANGULONG TOPNOTCHER SA BAR EXAM

Sa kasaysayan ng mga naging pangulo ng Pilipinas, walo sa kanila ang naging topnotcher sa Philippine Bar Exam. Kilalanin natin ang mga taong ito na nagpamalas ng kakaibang talino at husay.

Ang Talinong Pinoy ay channel na nagnanais na magbukas ng kamalayan at magbahagi ng iba't ibang uri ng kaalamam. Sasamahan ka ng channel na ito sa pagtuklas at pagintindi ng mga ideya at paksa na siguradong kapupulutan ng aral.

Sanggunian: The Supreme Court (SC.Judiciary.gov.ph)

Follow and Subscribe Talinong Pinoy!
https://www.facebook.com/Talinong-Pinoy-114258260283329
https://www.youtube.com/channel/UCsb5UcU20iUP6xMzzTbzyuQ

____________________________________________________________
Copyright Disclaimer: under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research.

PS. I do not own the video clips nor the images featured in the video. All rights belong to it's rightful owner/owners. No copyright infringement intended.

Sa kasaysayan ng mga naging pangulo ng Pilipinas, walo sa kanila ang naging topnotcher sa Philippine Bar Exam. Kilalanin natin ang mga taong ito na nagpamala...

Sa kasaysayan ng mga naging Pangulo ng Pilipinas, tatlo sa kanila ang naging top 1 sa Philippine Bar Exam. Kabilang dito...
30/07/2020

Sa kasaysayan ng mga naging Pangulo ng Pilipinas, tatlo sa kanila ang naging top 1 sa Philippine Bar Exam. Kabilang dito sina Manuel Roxas, Diosdado Macapagal, at Ferdinand Marcos.

Dagdag pa dito, may lima pang mga Pangulo ang nagpamalas ng talino at husay at naging topnotcher sa Bar Exam. Kilalanin sila sa ilalabas na video mamayang 8pm. Ito ay pinamagatang,

MGA PANGULONG TOPNOTCHER SA BAR EXAM

Follow and Subscribe Talinong Pinoy!
https://www.youtube.com/channel/UCsb5UcU20iUP6xMzzTbzyuQ

Sanggunian: The Supreme Court (SC.Judiciary.gov.ph)

Kilala mo ba ang nasa litrato? Siya ay isang music icon na sumikat noong '70s at nakilala rin maging sa iba't ibang bans...
06/07/2020

Kilala mo ba ang nasa litrato?

Siya ay isang music icon na sumikat noong '70s at nakilala rin maging sa iba't ibang bansa. Pinarangalan siya ng Senado ng 'Lifetime Outstanding Contributions to Philippine Arts and Culture' noong 2018.

Ang kantang, Anak, ang pinakamatagumpay niyang obra na hawak ang titulo na all-time highest-selling record of Philippine music. Sa dami ng nahumaling, nailabas ito sa 53 na bansa at naitranslate pa sa 29 na lenguwahe.

Abangan bukas ang ilalabas na video ng Talinong Pinoy na pinamagatang,

OPM KLASIKO: Best of '50s to '90s (Part 1)
https://www.youtube.com/channel/UCsb5UcU20iUP6xMzzTbzyuQ

I-like ang Talinong Pinoy para updated ka sa mga bagong kaalaman na siguradong kapupulutan ng aral!

Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/entertainment/multimedia/infographic/04/20/18/fast-facts-freddie-aguilars-anak-40

 July 3, 1892Matagumpay na naitatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina, isang organisasyon na naglalayon na pagtibayin a...
03/07/2020


July 3, 1892

Matagumpay na naitatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina, isang organisasyon na naglalayon na pagtibayin ang proteksyon at pagkakaisa ng mga Pilipino. Nabuo ito na may motto na, Unus instar omnium, o sa Ingles ay One Like All.

Ang sumusunod ay mga kasapi ng La Liga Filipina:
Founder: Dr. Rizal; shot.

[Board of directors]
President: Ambrosio Salvador; arrested.
Fiscal: Agustin de la Rosa; arrested.
Treasurer: Bonifacio Arevalo; arrested.
Secretary: Deodato Arellano; first president of the national war Katipunan society; arrested.

[Members]
Andres Bonifacio - supreme head of the Katipunan, who uttered the first warcry against tyranny, August 24, 1896.
Mamerto Natividad- seconded, in Nueva Ecija, the movement of Andres Bonifacio, August 28, 1896; shot.
Domingo Franco - supreme head of the Liga Filipina; shot.
Moises Salvador - venerable master of the respected lodge, Balagtas; shot.
Numeriano Adriano - first guard of the respected lodge, Balagtas; shot.
Jose A. Dizon - venerable master of the respected lodge, Taliba; shot.
Apolinario Mabini - legislator; arrested.
Ambrosio Rianzares Bautista - first patriot of '68; arrested.
Timoteo Lanuza - initiator of the manifestation for the expulsion of the friars in I888; arrested.
Marcelino de Santos - arbitrator and protector of La Solidaridad, the Filipino organ in Madrid; arrested.
Paulino Zamora - venerable master of the respected lodge, Lusong; deported.
Juan Zulueta - member of the respected lodge, Lusong; died.
Doroteo Ongjunco - member of the respected lodge, Lusong; owner of the house.
Arcadio del Rosario - orator of the respected lodge, Balagtas; arrested.
Timoteo Paez - arrested.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!

Sanggunian: https://kahimyang.com/kauswagan/articles/735/today-in-philippine-history-july-3-1892-dr-jose-rizal-founded-the-la-liga-filipina

02/07/2020
Ayon sa GMA News, isang baka na may isang mata lamang at walang ilong ang ipinanganak sa Barangay Kulawit, Atimonan, Que...
02/07/2020

Ayon sa GMA News, isang baka na may isang mata lamang at walang ilong ang ipinanganak sa Barangay Kulawit, Atimonan, Quezon noong May 28, ayon kay Michael Santander. Dahil sa kundisyon nito ay pinangalanan itong One Eye.

Kwento ni Michael, pagmamay-ari si One Eye ng kanyang kapitbahay. Humingi na raw sila ng tulong para kay One Eye mula sa municipal agriculture office ng Atimonan, ngunit namatay din kinaumagahan ang baka.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga kwento!

Basahin ng buo: https://www.gmanetwork.com/news/hashtag/content/740870/cow-with-only-one-eye-and-no-nose-dies-in-quezon/story/
Larawan: Michael Santander

Ang tanong para sa'yo, sino ang Pangulo noong ikaw ay pinanganak? Tingnan ang kasaysayan ng mga nasilbing Pangulo ng Pil...
01/07/2020

Ang tanong para sa'yo, sino ang Pangulo noong ikaw ay pinanganak?

Tingnan ang kasaysayan ng mga nasilbing Pangulo ng Pilipinas at taon ng kanilang paninilbihan sa Malacañang. Labing-anim na indibidwal na ang nanumpa at naupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno.

Kabilang sa mga naging Pangulo sina:
Emilio Aguinaldo (1899–1901)
Manuel Quezon (1935–1944)
José Laurel (1943–1945)
Sergio Osmeña Sr. (1944–1946)
Manuel Roxas (1946–1948)
Elpidio Quirino (1948–1953)
Ramon Magsaysay (1953–1957)
Carlos Garcia (1957–1961)
Diosdado Macapagal (1961–1965)
Ferdinand Marcos (1965–1986)
Corazon Aquino (1986–1992)
Fidel Ramos (1992–1998)
Joseph Estrada (1998–2001)
Gloria Macapagal Arroyo (2001–2010)
Benigno Aquino III (2010–2016)
Rodrigo Duterte (2016–present)

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!
Parte ito ng President Trivia Series.

Si Francisco Guilledo, o mas kilala bilang Pancho Villa, ang kauna-unahang Asiano na naging World Champion sa boxing. Sa...
01/07/2020

Si Francisco Guilledo, o mas kilala bilang Pancho Villa, ang kauna-unahang Asiano na naging World Champion sa boxing. Sa makatuwid, itinuturing siyang isa sa pinakamagaling na Flyweight boxers sa kasaysayan.

Makikita sa litrato si Pancho at ang Miss San Francisco noong 1925.

Kabilang ito sa bagong labas na video ng Talinong Pinoy na may pamagat na,

MGA LITRATO NA DAPAT MONG MAKITA
Alaala at Kasaysayan ng Pilipinas Part 2
https://youtu.be/lfBzkUYnzu8

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang istorya!

MGA LITRATO NA DAPAT MONG MAKITA (Alaala at Kasaysayan ng Pilipinas Part 2)Ikalawang parte ng pagsisid sa mga alaala at ...
30/06/2020

MGA LITRATO NA DAPAT MONG MAKITA
(Alaala at Kasaysayan ng Pilipinas Part 2)

Ikalawang parte ng pagsisid sa mga alaala at kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga litrato mula sa nakaraan. Panoorin ang video at ibahagi sa comment section ang pinakapaborito mong litrato.

Follow and Subscribe Talinong Pinoy!
FB: Talinong Pinoy
YT: https://www.youtube.com/channel/UCsb5UcU20iUP6xMzzTbzyuQ

Ikalawang parte ng pagsisid sa mga alaala at kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga litrato mula sa nakaraan. Panoorin ang video at ibahagi sa comment...

Ang tatlong aktor na nasa litrato ay tinaguriang mga batikang kontrabida sa pelikulang Pilipino. Kilala mo ba sila? Aban...
30/06/2020

Ang tatlong aktor na nasa litrato ay tinaguriang mga batikang kontrabida sa pelikulang Pilipino. Kilala mo ba sila?

Abangan mamayang 8pm ang ilalabas na video ng Talinong Pinoy na magtatampok ng mga litratong magbabalik sa iyo sa nakaraan.

Ang video ay pinamagatang,

MGA LITRATONG DAPAT MONG MAKITA
Alaala at Kasaysayan ng Pilipinas Part 2
https://www.youtube.com/channel/UCsb5UcU20iUP6xMzzTbzyuQ

I-like ang Talinong Pinoy para updated ka sa mga bagong kaalaman na siguradong kapupulutan ng aral!

NAGBABADYANG PANIBAGONG SAKUNA[Trendy News]May kakayahang makahawa sa tao ang G4 virus, ang bagong uri ng swine flu na n...
30/06/2020

NAGBABADYANG PANIBAGONG SAKUNA
[Trendy News]

May kakayahang makahawa sa tao ang G4 virus, ang bagong uri ng swine flu na nagmula sa H1N1 strain at posibleng magdulot ng panibagong pandemya, ayon sa mga scientist sa China.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trendy news!

New study spotlights influenza virus that could wreak havoc if it adapts to humans

Alak Pinoy (Serbesa Edition)[Trivia]Ayon sa 2018 expanded national nutrition survey na isinagawa ng Department of Scienc...
28/06/2020

Alak Pinoy (Serbesa Edition)
[Trivia]

Ayon sa 2018 expanded national nutrition survey na isinagawa ng Department of Science and Technology - Food and Nutrition Research Institute (DOST- FNRI), halos 10 million na manginginom sa Pilipinas na may edad 20-anyos pataas ang maituturing na binge drinker o malakas tumoma. Ito ay halos 55% ng buong poplulasyon ng mga Pilipinong manginginom.

Dagdag pa dito, mas maraming lalaking manginginom ang kabilang sa populasyon na pumapatak sa 68.7% at 29.5% lamang ang babae. Sinasabi din sa report na 20-29.9 anyos ang pinakamalakas uminom at sinundan ng 30-39.9 anyos.
Isang tanong para sa iyo, ano ang paborito mo sa mga alak na ito?

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!
Sanggunian: https://fnri.dost.gov.ph/index.php/programs-and-projects/news-and-announcement/763-2018-expanded-national-nutrition-survey

Tingnan ang isa sa mga naunang disenyo ng pampasaherong jeep sa Pilipinas. Lingid sa kaalaman ng marami, hango ang disen...
28/06/2020

Tingnan ang isa sa mga naunang disenyo ng pampasaherong jeep sa Pilipinas.

Lingid sa kaalaman ng marami, hango ang disenyo ng mga ating mga jeep sa Willys MB na laganap noong World War II bilang military vehicle.

Nakatampok ang litrato sa bagong labas na video ng Talinong Pinoy na pinamagatang,

MGA LITRATONG DAPAT MONG MAKITA
Alaala at Kasaysayan ng Pilipinas Part 1
Link: https://youtu.be/A5WRsigLRuw

I-like ang Talinong Pinoy para updated ka sa mga bagong kaalaman na siguradong kapupulutan ng aral!

Larawan: Richard Ragodon

Rest in Peace Ramon Revilla Sr. 1927-2020Isang batikang aktor na nakilala bilang 'Hari ng Agimat' si Ramon Revilla Sr. T...
26/06/2020

Rest in Peace Ramon Revilla Sr.
1927-2020

Isang batikang aktor na nakilala bilang 'Hari ng Agimat' si Ramon Revilla Sr. Taong 1950s nang magsimula ito sa pagarte at paglabas sa pelikulang Pilipino. Noong 1992, pinasok niya ang pulitika at naluklok sa senado ng dalawang termino.

Pumanaw si Ramon Revilla sa edad na 93 years old.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trendy news!

Ito ang kauna-unahang SM store sa Pilipinas taong 1958. Kilala pa ito noon bilang ShoeMart.Nakatampok ang litrato sa bag...
26/06/2020

Ito ang kauna-unahang SM store sa Pilipinas taong 1958. Kilala pa ito noon bilang ShoeMart.

Nakatampok ang litrato sa bagong labas na video ng Talinong Pinoy na pinamagatang,

MGA LITRATONG DAPAT MONG MAKITA
Alaala at Kasaysayan ng Pilipinas Part 1
Link: https://youtu.be/A5WRsigLRuw

I-like ang Talinong Pinoy para updated ka sa mga bagong kaalaman na siguradong kapupulutan ng aral!

Larawan: Philippine Shocking History

MGA LITRATO NA DAPAT MONG MAKITA (Alaala at Kasaysayan ng Pilipinas Part 1)Samahan ang Talinong Pinoy sa pagtuklas ng sa...
24/06/2020

MGA LITRATO NA DAPAT MONG MAKITA
(Alaala at Kasaysayan ng Pilipinas Part 1)

Samahan ang Talinong Pinoy sa pagtuklas ng samut-saring litrato na naging parte ng alaala at kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay baliktanaw sa mayamang kultura at tradisyon ng lahing kayumanggi at selebrasyon ng mga Pilipinong nagpamalas ng makabuluhang kontribusyon sa ating bansa.

Follow and Subscribe Talinong Pinoy!
FB: Talinong Pinoy
YT: https://www.youtube.com/channel/UCsb5UcU20iUP6xMzzTbzyuQ

Samahan ang Talinong Pinoy sa pagtuklas ng samut-saring litrato na naging parte ng alaala at kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay baliktanaw sa mayamang kultura a...

Nakikilala mo ba ang nasa litrato?Malalaman mo ang sagot sa video na ipalalabas ng Talinong Pinoy. Asahan ding mabubusog...
24/06/2020

Nakikilala mo ba ang nasa litrato?

Malalaman mo ang sagot sa video na ipalalabas ng Talinong Pinoy. Asahan ding mabubusog ang inyong mga mata sa samut saring litrato mula sa nakaraan. Abangan mamayang 8pm, mga matatalinong Pinoy!

Ang video ay pinamagatang,

MGA LITRATONG DAPAT MONG MAKITA
Alaala at Kasaysayan ng Pilipinas Part 1
https://www.youtube.com/channel/UCsb5UcU20iUP6xMzzTbzyuQ

I-like ang Talinong Pinoy para updated ka sa mga bagong kaalaman na siguradong kapupulutan ng aral!

JOSEPH EJERCITO ESTRADA13th President of the PhilippinesMaiksing talambuhay- Ipinanganak sa Tondo, Manila noong April 19...
23/06/2020

JOSEPH EJERCITO ESTRADA
13th President of the Philippines

Maiksing talambuhay
- Ipinanganak sa Tondo, Manila noong April 19, 1937
- Nanungkulang pangulo sa loob ng kulang kulang tatlong taon (1998-2001)

Edukasyon
- High School: Ateneo de Manila High School
- College: Mapúa Institute of Technology at Central Colleges of the Philippines

Kareka sa Pulitika
- Nagsilbing alkalde ng San Juan
- Kinilalang Outstanding Mayor at Foremost Nationalist ng Inter-Provincial Information Service
- Kinilalang Most Outstanding Metro Manila Mayor ng Philippines Princetone Poll
- Nagsilbing Senador
- Nagsilbing Chairman of the Committees on Cultural, Rural Development, and Public Works
- Nagsilbing Vice-Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Ecology and Urban Planning
- Kinilalang Three Outstanding Senators of the Year 1989 ng Philippine Free Press
- Nagsilbing Vice-President ni President Fidel Ramos
- Nagsilbing Chairman of Presidential Anti-Crime Commission (PACC)

Karera bilang Pangulo
- Nagsulong ng Filipino language-based radio format na 'masa'
- Nagbuo ng Saguisag Commission upang imbestigahan ang mga anomalya at kurapsyon ng nakaraang administrasyon
- Nagpalawak ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nakatuloong sa mas maraming mahihirap
- Nagpatupad ng Farmer's Trust Fund at Magkabalikat Para sa Kaunlarang Agraryo o MAGKASAKA
- Nagbuo ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) na nagbigay ng mas matibay na seguridad sa bansa
- Nagdeklara ng all-out-war laban sa Moro Islamic Liberation Front (M**F)
- Napatalsik sa pagkapangulo dahil sa mga kontrobesiya tulad ng Subic Bay leadership dispute, Textbook scam intervention, BW Resources scandal, PCSO funding controversy, Hot cars scandal, at Juetenggate scandal.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!
Parte ito ng President Trivia Series.

Sanggunian:
https://www.senate.gov.ph/senators/former_senators/joseph_estrada.htm

https://www.loc.gov/item/lcwaN0004428/

Manny Pacquiao sa listahan ng Greatest Sportsmen ng 21st CenturyNilista ng Marca, isang respetadong media outlet sa Spai...
21/06/2020

Manny Pacquiao sa listahan ng Greatest Sportsmen ng 21st Century

Nilista ng Marca, isang respetadong media outlet sa Spain, ang Top Sportsmen ng 21st Century. Kasama dito ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao na mas mataas ang nabingwit na position sa listahan, kumpara sa rival na si Floyd Mayweather Jr.

1 – Michael PHELPS (Swimming)
2 – Usain BOLT (Athletics)
3 – Roger FEDERER (Tennis)
4 – Rafael NADAL (Tennis)
5 – Kobe BRYANT (Basketball)..
16 – Manny PACQUIAO..
30 – Floyd MAYWEATHER

I-like ang Pinoy para sa iba pang mga kwento!

Sanggunian: WBN - World Boxing News

Manny Pacquiao has been placed fourteen positions higher than Floyd Mayweather in a new list to find the Greatest Sportsmen of the 21st Century.

PAGTAAS NG MGA PAMILYANG GUTOM SA PILIPINAS[Current Event]Ayon sa balita, napag-alaman ng Social Weather Stations (SWS) ...
20/06/2020

PAGTAAS NG MGA PAMILYANG GUTOM SA PILIPINAS
[Current Event]

Ayon sa balita, napag-alaman ng Social Weather Stations (SWS) na 16.7%, o 4.2 milyong pamilyang Pilipino, ang nagutom dahil walang makain sa nakalipas na tatlong buwan.

Halos doble 'yan ng 8.8% (2.1 milyong pamilya) noong Disyembre 2019, dahilan para maging pinakamataas magmula nang pumalo ito sa 22% noong Setyembre 2014.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga kwento!

Napag-alaman ng Social Weather Stations na 16.7%, o 4.2 milyong pamilyang Pilipino, ang nagutom dahil walang makain sa nakalipas na tatlong buwan.

Maligayang kaarawan, Dr. Jose Rizal! Bilang paggunita sa ika-159 taon ng ating pambansang bayani, alamin natin ang ilan ...
19/06/2020

Maligayang kaarawan, Dr. Jose Rizal!

Bilang paggunita sa ika-159 taon ng ating pambansang bayani, alamin natin ang ilan sa mga importanteng paksa sa kaniyang buhay. Gamitin nating gabay ang artikulo ng historian at professor na si Mr. Xiao Chua.

Ayon sa kanya, "Ang industriya ng paglalathala ng bagong karunungan at interpretasyon ukol kay Rizal ay hindi pa rin natatapos, tanda ng patuloy niyang “saysay” sa bansa at sa mga Pilipino sa kabila ng paratang na bayani lamang siya ng mga elit. Ilan lamang sa mga awtor ng mga aklat na ito na matatagpuan sa Aklatang DLSU Maynila ay sina Ambeth R. Ocampo (Rizal Without the Overcoat, Makamisa: The Search for Rizal’s Third Novel); Nilo S. Ocampo (Istilo Ko: Rizal Romantik, May Gaua na Caming Natapus Dini: Si Rizal at ang Wikang Tagalog, Kristong Pilipino: Pananampalataya kay José Rizal); Virgilio S. Almario (Si Rizal, Nobelista: Ang Pagbasa sa Noli at Fili Bilang Nobela); Ramon Guillermo (Translation and Revolution: A Study of José Rizal’s Guillermo Tell); Javier de Pedro (Rizal Through A Glass Darkly, Romance and Revolution); at ang mahalagang ambag ni Floro C Quibuyen na A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony, and Philippine Nationalism na nagbibigay linaw sa mga nauna nang paratang ng sanaysay ni Renato Constantino na Veneration Without Understanding na nagsasabing si Rizal ay hindi maka-bansang Pilipino kundi maka Espanya, na siya ay hindi maka-rebolusyon at siya ay pinili lamang na bayani ng mga Amerikano. Isa-isa niya itong pinabulaanan. Sa mga aklat na ito, nananatili si Rizal na huwarang Pilipino at haligi ng bayan."

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!

Sanggunian: https://xiaochua.net/2020/06/19/rizal-sa-la-salle-an-online-exhibit/

 JUNE 18, 1908Ang University of the Philippines ay kilala bilang pambansang unibersidad sa Pilipinas. Itinatag ito ng Pa...
18/06/2020


JUNE 18, 1908

Ang University of the Philippines ay kilala bilang pambansang unibersidad sa Pilipinas. Itinatag ito ng Pamahalaang Kolonyal ng America noong Hunyo 18, 1908 sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Act 1870 ng 1st Philippine Legislature. Bago pa man tawaging University of the Philippines, nakilala muna ito sa tawag na Philippine Medical School noong taong 1907. May layon itong bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na magkaroon ng mataas na kalidad na edukasyon.

Sa ngayon, ang University of the Philippines ay mayroong walong campus sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ang UP Manila ay ang pinakunang natatag noong 1908 at nakilala bilang sentro ng pagaaral sa medisina. Sinundan naman ito ng UP Los Baños na sentro naman ng agrikultura. Ang pangapat na naitatag ay ang UP Diliman na kinilala bilang sentro ng buong institusyon ng Unibersidad ng Pilipinas.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!

Sanggunian: https://upd.edu.ph/about/the-university-of-the-philippines/

Alak Pinoy (Go-to Hard Drink)[Trivia]Ayon sa 2018 expanded national nutrition survey na isinagawa ng Department of Scien...
17/06/2020

Alak Pinoy (Go-to Hard Drink)
[Trivia]

Ayon sa 2018 expanded national nutrition survey na isinagawa ng Department of Science and Technology - Food and Nutrition Research Institute (DOST- FNRI), halos 10 million na manginginom sa Pilipinas na may edad 20-anyos pataas ang maituturing na binge drinker o malakas tumoma. Ito ay halos 55% ng buong poplulasyon ng mga Pilipinong manginginom.

Dagdag pa dito, mas maraming lalaking manginginom ang kabilang sa populasyon na pumapatak sa 68.7% at 29.5% lamang ang babae. Sinasabi din sa report na 20-29.9 anyos ang pinakamalakas uminom at sinundan ng 30-39.9 anyos.

Isang tanong para sa iyo, ano ang paborito mo sa mga alak na ito?

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!

Sanggunian: https://fnri.dost.gov.ph/index.php/programs-and-projects/news-and-announcement/763-2018-expanded-national-nutrition-survey

DHAN RYAN BAYOT, ANG BAYANING SUNDALO NA NAGBUWIS NG BUHAY PARA SA MARAWI[Talinong Pinoy Amazing Story]Sumikat ang kagit...
16/06/2020

DHAN RYAN BAYOT, ANG BAYANING SUNDALO NA NAGBUWIS NG BUHAY PARA SA MARAWI
[Talinong Pinoy Amazing Story]

Sumikat ang kagitingan ni Private First Class Dhan Ryan Bayot ng 51st Infantry Battalion dahil sa sakripisyong ginawa niya sa Marawi City siege.

Inatasan ang grupo ni Dhan na panatilihin ang seguridad ng isang barangay sa nasabing siyudad. Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang lumusob ang mga terorista at nakipagpalitan ng putok. Madugo ang nangyaring engkwentro na nagresulta sa pagkasawi ng anim na sundalo. Naipit sa gitna ng labanan at tuluyang nang napalibutan ng mga kalaban si Dhan.

“Bombahin na lang ninyo ang location ko, sir!” Ito ang huling hiling ni Dhan sa kaniyang mga commanding officer.

Isang act of valor ang ipinakita niya nang mas piliin niyang manatiling lumalaban at huwag na siyang sagipin upang hindi na malagay sa panganib ang ibang sundalo. Walang tama ng baril si Dhan. Sinasabing namatay siya sa bugbog at gilit sa leeg.

Isang tunay na inspirasyon at kwento ng katapangan ang ipinamalas ng mga sundalong lumaban sa Marawi. Saludo!

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga kwento!

Sanggunian: https://news.mb.com.ph/2017/06/10/young-soldier-chose-death-over-rescue/

[Makasaysayang Larawan]Paggawad ni pangulong Marcos ng tropeyo kay Muhamad Ali bilang kampeyon sa Thrilla in Manila noon...
15/06/2020

[Makasaysayang Larawan]
Paggawad ni pangulong Marcos ng tropeyo kay Muhamad Ali bilang kampeyon sa Thrilla in Manila noong October 1, 1975

Tinaguriang isa sa pinakaimportante at pinakamakasaysayan na boxing event ang Thrilla in Manila na ginanap noong October 1, 1975 sa Araneta Coliseum. Ito ang pangatlo at huling laban sa pagitan ng dalawang boxing legends na sina Muhammad Ali at Joe Frazier.

Dahil sa kaganapang ito, umani ang Pilipinas ng atensyon at pagkilala mula sa iba't ibang bansa. Nagresulta ito ng tila pagkaroon ng pagkakaisa ang mga mamamayan kahit nasa gitna ng Martial Law. Pero maraming nagsasabi na ginamit lamang ito ni Marcos para ilihis ang madla sa nagbabadyang rebolusyon at tunay na problema ng bansa.

Sanggunian: https://edition.cnn.com/2016/06/04/sport/thrilla-in-manila-remembered/index.html

Maligayang Kaarawan, Senator Miriam Defensor-Santiago! Bilang pagdiriwang ng espesyal na araw ng namayapang senador, tin...
15/06/2020

Maligayang Kaarawan, Senator Miriam Defensor-Santiago!

Bilang pagdiriwang ng espesyal na araw ng namayapang senador, tingnan ang ilan sa mga tagumpay niya sa buhay.

Academic Background:
• Visiting Fellow, St. Hilda’s College, Oxford University, United Kingdom.
• Visiting Fellow, Lauterpacht Research Centre for International Law, Cambridge University, United Kingdom.
• Paris-Geneva Summer Program in International Law, Cambridge University, United Kingdom.
• Summer Program in Law, Oxford University, United Kingdom.
• Summer Program of Instruction for Lawyers, Harvard University, United States of America.
• Graduate, California Judicial College, University of California at Berkeley, United States of America.
• Fellow, Seminar on judicial writing and case flow management in the trial courts, Institute of Judicial Administration, Quezon City.
• Fellow, UN/UNITAR Programme in International Law, The Hague, Netherlands and Brussels, Belgium.
• Fellow, External Session of The Hague Academy of International Law, Tokyo, Japan.
• Fellow, Academy of American and International Law, Southwestern Legal Foundation, Dallas, Texas, United States of America.
• LL.D. (Barbour Scholar and DeWitt Fellow), University of Michigan, United States of America.
• LL.M. (DeWitt Fellow), University of Michigan, United States of America.
• LL.B. (cum laude), University of the Philippines.
• BA Political Science (magna cm laude), University of the Philippines.

Professional experience:
2010-2016 Senator of the Republic of the Philippines.
2004-2010 Senator of the Republic of the Philippines.
1995-2001 Senator of the Republic of the Philippines.
1989 Secretary (Minister) of Agrarian Reform.
1988-1989 Commissioner, Bureau of Immigration and Deportation.
1976-1988 Professorial Lecturer, College of Law, University of the Philippines.
1983-1987 Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 106, Quezon City.

Other professional experience:
2008 Philippine candidate to the International Court of Justice.
1994 Opinion Columnist, “Gadfly,” Today newspaper.
1992-2016 Senior Partner, Defensor-Santiago Law Firm.
1992 Presidential candidate (with second highest number of votes).
1991-2016 President and Founder, People’s Reform Party.
1990-2016 Chair and Founder, Movement for Responsible Public Service.
Member, Board of Directors
• Public Estates Authority, 1988-1989
• Philippine Retirement Authority, 1988-1989
• Ninoy Aquino International Airport Authority, 1988-1989
• Landbank of the Philippines, 1989
Opinion Columnist, “Overview,” Philippine Panorama Sunday magazine.
1981-1983 Legal Consultant, University of the Philippines Law Center.
1982 Legal Consultant, Philippine Embassy, Washington, D.C., United States of America.
1979-1980 Legal Officer, United Nations High Commissioner for Refugees,
Geneva, Switzerland.
1970-1980 Special Assistant to the Secretary (Minister) of Justice

Decorations and citations:
• Top Womanity Award for Public Service (2011, Female Network)
• Order of Civil Merit (2008, Kingdom of Spain)
• Diamond Award for excellence in the legal profession (1993, University of the Philippines
Portia Sorority)
• Award of Honor (1990, 1991 and 1993, U.P. Women’s Law Circle)
• Golden Jubilee Achievement Award for government service (1990, Girl Scouts of the
Philippines)
• Magsaysay Award for Government Service (1988, Ramon Magsaysay Foundation)
• Professional award in law (1988, University of the Philippines Alumni Association)
• Gold Vision Triangle Award for government service (1988, YMCA Philippines)
• Republic Anniversary Award for law enforcement (1988, Civic Assembly of Women in the
Philippines)
• Ten Outstanding Women in the Nation’s Service Award for Law (1986, Philippine Lions)
• Ten Outstanding Young Men Award for Law (1985, Philippine Jaycees)

Salamat sa iyong serbisyo, Senator!
I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!

Sanggunian: International Criminal Court (ICC) documents

Mahalagang paalala, matatalinong Pinoy!Sa mga katutubong kultura sa iba't ibang lugar sa ating bansa, madalas ay walang ...
15/06/2020

Mahalagang paalala, matatalinong Pinoy!

Sa mga katutubong kultura sa iba't ibang lugar sa ating bansa, madalas ay walang saplot pangitaas ang parehong kababaihan at kalalakihan. Walang itong problema sa ating mga ninuno dahil parte ng kanilang kaisipan ang respesto at paggalang sa isa't isa.

Isa itong importanteng halimbawa kung bakit hindi dapat isisi sa mga biktima ng pangaabuso ang sala ng mga abusado. Hindi pagbibigay ng imbitasyon at motibo ang kahit anong uri ng kasuotan.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga kwento!



[Makasaysayang Larawan]Si Marcela M. Agoncillo at ang replica ng orihinal na disenyo ng watawat ng PilipinasBilang pagdi...
12/06/2020

[Makasaysayang Larawan]
Si Marcela M. Agoncillo at ang replica ng orihinal na disenyo ng watawat ng Pilipinas

Bilang pagdiriwang ng araw ng kalayaan ngayong araw, ating tingnan ang replica ng orihinal na disenyo ng ating watawat. Ang replica ay gawa ni Marcela, anak ni Marcela Mariño de Agoncillo, ang pangunahing may gawa ng watawat.

Walang nakakaalam kung nasaan ang aktuwal na watawat na iwinagayway sa Kawit, Cavite noong June 12, 1898. Ayon sa pahayag mismo ni Emilio Aguinaldo, nawala ito sa Caraballo, Nueva Vizcaya noong 1919.

Kilala bilang Acta de la proclamacion de independencia del pueblo Filipino, ang proklamasyon ng Araw ng Kalayaan ay ginawan ng balangkas at binasa sa naturang pagdiriwang ni Ambrosio Rianzares Bautista. Isinasaad sa Acta na ang Pilipinas ay malaya na mula sa pang-aalipin ng Espanya.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!

Sanggunian: http://nhcp.gov.ph/original-philippine-flag-according-miss-marcela-agoncillo/

Happy Independence Day! 🇵🇭
12/06/2020

Happy Independence Day! 🇵🇭

 JUNE 8, 1938Dahil sa patuloy na pagbuga ng usok at lava ng Bulkang Mayon, noong June 8, 1938 ay nagtayo na ng mga conce...
08/06/2020


JUNE 8, 1938

Dahil sa patuloy na pagbuga ng usok at lava ng Bulkang Mayon, noong June 8, 1938 ay nagtayo na ng mga concentration camps para sa 20,000 na kataong lumikas mula sa mga bayang malapit dito. Sinasabing June 1 pa nagsimula ang paglabas ng usok mula sa bulkan at June 6, 1938 ay lumikas na ang tao sa tulong ng Philippine Army.

February ngayong taon, nagkaroon ng ulat ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may aktibidad sa crater ng Mayon. Ayon sa kanilang report, may pagkinang o tila pagilaw na makikita sa bulkan dahil sa magma na nagresulta sa Alert Level 2.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!

Larawan: Quezon Family Collection
Sanggunian: https://www.officialgazette.gov.ph/1938/07/01/news-summary-philippine-magazine-may-10-june-9-1938/

EKSAKTONG PAGKAKAPAREHO NG KALENDARYONG 1964 at 2020[Trivia]Tama ang iyong nabasa! Maaaring gamitin ang kalendaryo ng 19...
08/06/2020

EKSAKTONG PAGKAKAPAREHO NG KALENDARYONG 1964 at 2020
[Trivia]

Tama ang iyong nabasa! Maaaring gamitin ang kalendaryo ng 1964 ngayong taon, 2020, dahil sa eksaktong pagkakapareho sa buwan, linggo, at araw.

Ito ay nangyari din noong 1812, 1840, 1868, 1896, 1908, 1936, 1964, at 1992 at mangyayari sa 2048 at 2076.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!

Sanggunian: https://www.accuracyproject.org/2020calendar.html

MANUEL ACUÑA ROXAS5th President of the PhilippinesMaiksing talambuhay- Ipinanganak sa Roxas City, Capiz noong January 1,...
07/06/2020

MANUEL ACUÑA ROXAS
5th President of the Philippines

Maiksing talambuhay
- Ipinanganak sa Roxas City, Capiz noong January 1, 1892
- Nasawi sa Clark Field, Pampanga dahil sa heart attack noong April 15, 1948
- Nanungkulang pangulo sa loob ng isang taon at sampung buwan (1946-1948)

Edukasyon
- High School: Manila High School
- College: University of the Philippines

Kareka sa Pulitika
- Gumanap na chief advisor kay pangulong José P. Laurel
- Gumanap na guerilla leader at military leader ng Philippine Commonwealth Army
- Gumanap na Brigadier General sa the USAFFE
- Nagsilbing miyembro ng Capiz Municipal Council
- Nagsilbing Governor ng Capiz
- Nagsilbing Congressman ng Capiz
- Nagsilbing Speaker of the House sa loob ng labing dalawang taon
- Nagsilbing miyembro ng Constitutional Convention
- Nagsilbing Secretary of Finance, Chairman of the National Economic Council, Chairman of the National Development Company kay pangulong Manuel Quezon
- Nagsilbing Senate President
- Nagsulong ng Hare-Hawes-Cutting Act kasama si Sergio Osmeña na nagimpluwesya ng kalayaan mula sa Amerika

Karera bilang Pangulo
- Nagsilbing huling pangulo ng Commonwealth at unang pangulo ng Third Republic of the Philippines
- Nagsagawa ng mga programa para sa pagsasaayos ng mga nasira sa digmaan
- Nagpatupad ng Tydings–McDuffie Act o Philippine Rehabilitation Act na nagsabatas ng kalayaan ng Pilipinas
- Nagpatupad ng Bell Trade Act or Philippine Trade Act na tila pabor sa karapatan ng mga Amerikano
- Nagbuo ng Central Bank for the Philippines at Philippine Rehabilitation Finance Corporation bilang pagpapaunlad ng ekonomiya at pagsisiguro ng soberanya ng bansa
- Nagsulong ng mga programa para sa paglago ng sugar industry ng bansa
- Nagpatupad ng Tenant Act na nagtiyak ng 70-30 na hatian sa kita sa pagitan ng mga magsasaka at may-ari ng lupa
- Nagbigay ng full amnesty sa Philippine collaborators ng mga Hapon
- Nagpatupad ng Parity Rights Amendment at US–Philippine Military Bases Agreement na nagbigay ng mas matibay na kontrol sa Amerika

Legasiya
- Ipinangalan kay pangulong Roxas ang ilang mga lugar sa Pilipinas tulad ng Roxas sa Oriental Mindoro, Roxas City sa Capiz, President Roxas sa Cotabato,
at Roxas Boulevard sa Pasay City.
- Siya rin ang mukha sa sandaang piso.

I-like ang Talinong Pinoy para sa iba pang mga trivias!
Parte ito ng President Trivia Series.

Sanggunian:
https://www.officialgazette.gov.ph/featured/third-republic/

https://www.senate.gov.ph/senators/senpres/roxas.asp

https://bloomspresidents.wordpress.com/manuel-a-roxas/

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talinong Pinoy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Talinong Pinoy:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share