29/01/2022
BABALA‼️BASAHIN AT MAGSIPAGHANDA ‼️😱🥺
(Ang Sulat Na Ito Ay Tungkol Sa Mga Bagay Na Inihayag Ni Jesu-Cristo Na Mangyayari Sa Lalong Madaling Panahon.)
Pahayag 1🌱
1 Ito ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay ng Diyos sa kanya at kanyang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel na kanyang isinugo. Ang layunin ng paghahayag na ito'y ipakita sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap.
2 Pinatotohanan ni Juan ang lahat ng kanyang nakita. Ito ang kanyang patotoo tungkol sa mensahe ng Diyos at sa katotohanang ipinahayag ni Jesu-Cristo.
3 Pinagpala ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa propesiya nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat malapit na itong maganap.
BASAHIN
*Aklat Ng Pahayag📖
Pahayag 3-17🌱
¹⁷Sinasabi ninyo na mayaman kayo, sagana sa lahat ng bagay at wala nang pangangailangan. Ngunit hindi n'yo alam na kaawa-awa kayo dahil mahirap kayo sa pananampalataya, bulag sa Katotohanan at hubad sa paningin ng Diyos.
Pahayag 3-20🌱
²⁰ Narito Ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at buksan ang pinto, papasok Ako at magsasalo kami sa pagkain.
Pahayag 9:20-21🌱
20 Ang natira sa sangkatauhan na hindi namatay sa mga salot na ito ay hindi nagsisi. Hindi sila tumalikod ni tumigil man sa pagsamba sa mga demonyo at sa mga diyus-diyosang ginawa ng kanilang kamay, mga larawang ginto, pilak, tanso, bato at kahoy, na di nakakakita, nakakarinig o nakakalakad man.
21 Ni hindi rin nila pinagsisihan ang kanilang mga pagpatay, pangkukulam, pakikiapid at pagnanakaw.
Pahayag 13:5-6🌱
5 Pinahintulutang magsalita ng kayabangan ang halimaw, lumapastangan sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang (42) buwan.
6 Nilapastangan nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng nakatira doon.
Pahayag 14:9-10🌱
9 Sumunod sa kanila ang pangatlong anghel. Sinabi niya sa isang malakas na tinig: Ito ang mangyayari sa sinumang sasamba sa mabangis na hayop at sa kaniyang larawan. Ito ay mangyayari sa sinumang tumanggap ng tatak sa kaniyang noo o sa kaniyang kamay.
10 Siya ay iinom ng alak ng p**t ng Diyos, na ibinuhos niya na walang halo sa saro ng kaniyang p**t. Pahihirapan siya sa apoy at nagniningas na asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero
Pahayag 15:2 🌱
At nakita ko ang parang dagat na kasinglinaw ng kristal na may nagliliyab na apoy. Nakatayo roon ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa imahen nito. Hindi sila nagpatatak ng numero na simbolo ng pangalan ng halimaw na iyon. May hawak silang mga alpa na ibinigay sa kanila ng Dios.
Pahayag 16:2🌱
Kaya humayo ang unang anghel at ibinuhos sa lupa ang laman ng kanyang sisidlan. At nagkaroon ng masasakit at nakapandidiring mga sugat ang mga taong may tatak ng halimaw at sumasamba sa imahen nito.
Pahayag 16:9🌱
Pero kahit na napaso ang mga tao, hindi pa rin sila nagsisi sa mga kasalanan nila. Hindi rin nila pinapurihan ang Dios, sa halip ay nilapastangan nila ang Dios na nagpadala ng salot na iyon sa kanila.
Pahayag 16:11🌱
Hindi pa rin nila pinagsisihan ang mga kasamaan nila, sa halip ay nilapastangan nila ang Dios ng kalangitan dahil sa mga sakit at sugat na tinitiis nila.
Pahayag 16:13-15🌱
13 At nakita kong lumalabas mula sa bunganga ng dragon, sa bunganga ng halimaw, at sa bunganga ng huwad na propeta, ang tatlong karumal-dumal na espiritung mukhang palaka.
14 Ang mga ito'y mga espiritu ng mga demonyong (Gumagawa ng mga Kababalaghan.) Pinuntahan nila ang lahat ng hari sa daigdig upang tipunin para sa labanan sa dakilang Araw ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
15 “Makinig kayo! Ako'y darating na parang magnanakaw! Pinagpala ang nananatiling gising at nag-iingat ng kanyang damit. Hindi siya lalakad na hubad at hindi mapapahiya sa harap ng mga tao!”
Pahayag 19:15🌱
Mula sa bibig niya ay lumalabas ang Matalas na espada na Gagamitin Niyang Panlupig sa mga Bansa. At pamamahalaan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal. Ipapakita niya sa kanila ang matinding galit ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.
Pahayag 19:20 🌱
Ngunit dinakip ang halimaw. Dinakip din ang huwad at sinungaling na propeta na (Gumagawa ng mga Himala) para sa halimaw. Ang mga himalang ito ang ginamit niya upang dayain ang mga taong may tatak ng halimaw at sumasamba sa imahen nito. Silang dalawa ay itinapon nang buhay sa lawang apoy na may nagliliyab na asupre.
Pahayag 22:17 🌱
Nag-iimbita ang Banal na Espiritu at ang babaeng ikakasal, “Halikayo!” Ang lahat ng nakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw at gustong uminom ng tubig na nagbibigay-buhay. Wala itong bayad.
Amen! May Almighty God Guide Lead and Enlighten Us po🙏🏻💞
Narinig ninyo na po ba ang mga taong nag papatotoo patungkol sa pagbalik ng Panginoong Tagapagligtas? mapagkumbabang at nasiyahang nakinig ba kayo mga Kapatid o tinanggihan ang Mabuting Balita😇🙏🏻
Mateo 24:14🌱
At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ctto: