25/02/2022
1Rider Party-list
25 February 2022
ALAM PO BA NINYO?
Kaawa-awa ang mga kapatid nating motorista at ang kanilang pamilya dahil:
1. May mga Pulis at may mga Enforcers na hindi alam ang tamang pagpapatupad ng Batas.
Hindi totoo ang sinasabi ng iba na i-contest kapag mali ang huli para may "Due Process."
Walang due process na nakakamit ang mga motorista dahil kapag napatunayan nilang mali ang huli- hindi binabayaran ang danyos para sa ilang araw na pagliban sa trabaho, at hindi pinapanagot o pinaparusahan ang nagkamali sa panghuhuli.
2. May mga Ordinansa ang ibang mga Lokal na Pamahalaan na "SALUNGAT SA BATAS." Ilan sa mga ito:
a. Ipinagbabawal ng Batas ang pagmomotorsiklo na walang Helmet sa ulo, pero sa ibang Lokal na Pamahalaan ipinagbabawal ang Helmet sa mga riders.
b. Sa bagong ipinatutupad ng LTO, mahigit 99 decibels ang kailangan sa ating motorsiklo, pero sa Lokal na Pamahalaan ng Marikina City mahigit 90 decibels lamang ang ipinatutupad.
Dahil dito, kahit pasado sa LTO ang decibels ng motorsiklo- HINUHULI at pinagmumulta ng Pamahalaan ng Marikina City.
c. Sa LTO ang multa sa Failure to Carry OR/CR ay P1,000 pero sa Maynila, P5,000 ang multa kapag pinasunod ka sa impounding dahil hindi mo naipakita ang OR/CR na hindi expired.
d. May Joint Memorandum ang DILG at DOTC na "maaring mag-issue ng Traffic Violation Receipt" ang Pulis o ang Enforcer pero "LTO ENFORCERS at Deputized Enforcers lamang ng LTO" ang maaring magkompiska ng Lisensya.
Dahil hindi ito naipapatupad, doble-doble ang perwisyong dinadanas ng maraming motorista.
Iniimpound ng Pulis o ng Enforcer kapag nasita ang driver o rider na Traffic Violation Receipt (TVR) ang dala dahil hindi nila ino-honor ang TVR ng ibang Lokal na Pamahalaan.
Maliban sa nabanggit, pinagmumulta ang driver o rider sa paglabag na "Driving without License."
e. Marami pang iba.
Ang mga nabanggit na problema ang nagtulak sa akin para maging nominado sa 1Rider Partylist ( #14 sa balota). Kailangan nating magsulong ng mga Batas na magpo-protekta sa mga kapatid nating motorista.
COLONEL BOSITA (Ret.)
Founder, RSAP
1Rider Party-list, #14 sa Balota