26/11/2023
Financial Tips for today:
Magastos akong tao, paano ako makakapag-save ng pera?
Hindi lahat ng tao ay magaling mag handle ng kanilang finances, at mas maraming tao ang walang pera kahit gusto nilang subukang mag manage nito. Kaya nga if may maganda kang raket or pinagkakakitaan, consider yourself blessed.
Pero isang malaking problema kung di mo makontrol ang sarili mo sa pag gastos at wala kang malinaw na plano kung ano ang gagawin mo sa pera na natatanggap mo. Simple lang yan, pag walang plano, gastos lang ang laging ending ng pera mo. Hindi solusyon ang mas malaking sahod o income, kasi kahit lumaki pa ang natatanggap mong pera, kung waldas ka, ang ending, masasaid kapa din at baka makautang kapa to support your spending habits which is a behavioral pattern. Ano ang dapat gawin sa pera?
1. Isip ka ng GOAL, itong goal na to ay willing kang pag ipunan, at willing kang magtabi ng pera para mabili mo. It doesnt matter kung wants man yan, needs man yan, or pangarap man yan. It could be the intervention sa behavioral spending pattern mo. Kung dati di ka nagtatabi ng pera, ngayong may goal ka na, kahit papano natututo ka nang magtabi at magtiis gumasta. Self-control is the key, believe me.
2. Simulan mo ng ilista ang mga lumalabas na pera sayo monthly. Food, transpo, monthly bills, love gift sa parents, subscription, hulog sa credit card or utang, at others...
Mahalagang alam mo to para alam mo ang ceiling or limit ng pera mo. Hindi bukal ang pera, may hangganan yan. From there, identify mo kung ano ang mga essential sayo to survive. Yung ibang feeling mo luxury na lang, yun ang bawasan mo at tsaka mo itabi para doon sa goal mo.
3. Ibenta mo ang mga gamit/gadget na di mo na ginagamit, kahit ang sirang t.v. or electric fan may bumibili. Pandagdag din un sa gagastusin mo, i mean, sa iipunin mo. May isang sapatos or sandals ka jan na naaagnas lang, ibenta mo na lang kaysa ubusin ng ipis at anay. Ibenta lang ang gamit na pag aari mo, wag pagnasahan ang di mo gamit dahil tiyak may magagalit.
4. Kung single ka naman at alam mong dakilang gastador ka, maghanap ka ng mapapangasawang may alam sa pera or finance. Wag kana maghanap ng isa pang kagaya mong gastador din, mas lalo kayong lulubog. Pero the best pa rin na ikaw mismo mag aral kung paano mag manage ng iyong finances. Maraming lalaki ang mas prefer ang babaeng magaling mag handle ng pera kaysa meron lang itsura. Pero siyempre jackpot ka kapag ung dalawa na yan nakuha mo sa isang tao.
Sa mga mag asawa naman, kung sino ang mas magaling maghawak ng pera, hayaan mo siyang magmanage ng pera niyo. Lalo kung ikaw ay waldas, hindi nakakatanggi sa mga nangungutang sayo, magastos, at feeling mayaman palagi. Itigil mo na yan, di kayo yayaman pag ikaw ang humawak ng pera. Bakit? Madadamay ang asawa mo at anak mo sa maling mga desisyon mo sa buhay kasama na jan ang usapin sa pera. Kaya kung mahal mo ang asawa mo at mahalaga sayo ang pamilya mo, surrender your money to your darling sweetie.
5. Manahimik sa bahay. Magbasa ng libro about sa pera or negosyo. Maghanap ng pagkakaabalahan or pagkakakitaan hindi ung puro hanap mo promo at discount sa shopee lazada tapos add to cart ka ng add to cart kahit it really hurts. Kesa mag shopee, magtupi. Yung damit labhan, isampay at itupi. Kesa mag lazada, mamasada. Walang nakakahiyang raket basta kumikita ka ng marangal ok na ok yan. Mahirap kapa eh, kailangan mo talagang mag trabaho, magplano, at mag negosyo. Walang masama kung may trabaho, eh kung makakadagdag ng income mo ang pagbebenta ng balut, bat di mo gawin. Isipin mo ang pamilya mong umaasa sayo at hindi ang mga walang ambag sa buhay niyo. Wag mahiya magtinda. 🙂
At yan na po ang aking tips ngayon araw. Let's help each other to achieve healthy financial cashflow.
Tandaan: Money Management is Power!
- M.L.N.
Good morning po sa lahat. 🙂