09/05/2021
Children are great imitators so give them something great to imitate. - Anonymous
Ngayong isa na din akong ina, mas naiisapuso ko ang ibig sabihin nitong quote na ito. Dahil ngayon, ako na ang nagiimitate ng mga bagay na ginagawa ni mama for me para sa aking anak. Naalala ko sinasabi nya lagi sakin "balang araw magiging ina ka rin maiintindihan mo din kung bakit kailangan mo malaman itong mga bagay na ito." Back then, di ko talaga tinatake to heart akala ko kasi ganun ganun lang ang pagiging ina; magstay lang sa house maglinis, magluto, magalaga ng bata, ganern ganern lang. Akala ko talaga mani lang yun lalo na at isa akong working professional with a college degree so feeling ko equipped talaga ako at keri ko to until the day na dumating yang balang araw na yan at naging ina na din ako myself and I get to see motherhood in a different light. Di pala sya basta basta lang. Walang bagay na makakapagprepare sayo for this moment in your life na di pwede iasa kay mama. Dahil this time ikaw na ang inaasahan ng isang munting buhay na maging gabay nya hangga't lumaki sya til death do you part. lol. Mas matindi pa pala sa true love ang madarama mo para sa anak mo and walang ibang bagay na makakapagbigay ng feeling of success sayo but yung makita mo lang siya lumaki ng maayos at may takot sa diyos. If there's one thing na I would like to say is thank you mama sa walang sawang pagalaga at paggaabay mo sa akin. Dahil sa lahat ng taon ng pagaaral ko walang maikukumpara sa mga little nuggets of motherly wisdom na nashare sa akin mo through the years and I hope di lang sa akin ito kundi I will imitate you and try to become a great mom para I could pass this legacy on to my daughter for her to pass on to her children as well. Thank you for this pamana you gave us that is worth more than rubies. Mabuhay ka and Maligayang araw ng Araw ng Kananayan sa ating mga ina!