11/05/2025
Our Sunday kind of bonding 😅😍
First time ever namin ginawa ito mag-asawa 🥰
Sa mga Gamers diyan alam ko mahuhulaan nyo kung sino ung nasa unang image 😆
Talagang nagprint pa si esme para pag aralan namin ang mga kandidato para sa senado.
Disclaimer: hindi po ako nag-eendorso, at wala po ako babanggitin na iboboto ko sa post na to. Natuwa lang ako sa print ng asawa ko 😅 Talagang nakaBOLD pa😏
⚠️A lil bit long post ahead 😆⚠️
Real talk tayo!
Tomorrow is election day, alam ko at alam nyo na karamihan satin parang entertainment nalang ang pagboto at paghalal sa mga politiko. Nakakalungkot pero yan ang totoo.
Aaminin ko sa unang pagboto ko excited ako, pero dahil halos lahat ng gusto ko natalo that time, nawalan ako ng amor, nadismaya, kaya nung pangalawa binabaan ko expectation ko at ayun na nga same at same padin.
NAKAKADISMAYA 😥😟😮💨
Kaya sa mga nagdaang halalan nawalan na talaga ako ng gana, parang bahala na kung sino sino nalang.
But this time na nagkapamilya ako, lalo na nagkaanak, naisip namin mag asawa yung future nila.
Sa totoo lang hindi lang basta sa mga magulang nakasalalay ang magandang buhay ng mga anak, may part pa din ang lipunan at gobyerno ng bansa. Apektado tayong lahat, may kaya man at lalong lalo na sa walang wala. Dahil nasa iisang bansa tayo.
“The primary purpose of government is to ensure the ORDER, STABILITY, and well-being of society by PROTECTING ITS CITIZENS, regulating actions, and maintaining good relations with other states”
—Thesaurus.com
Kaya naisipan namin ni misis bigla na pag aralan lahat, yes! every single candidate for senatorial position dahil isa sila sa gumagawa ng batas na magdidikta sa kalagayan at siguridad ng ating bansa sa mga susunod pang generation.
Nagprint talaga sya with background history pa and achievements. 😆 we talked and discussed about it the whole day. Why? It’s because of the future our children might face someday, siguridad at maunlad ng bansa para sa kanila. Di kami bumabase sa survey, sa kung sino gusto ng nakakaraming kaibigan at pamilya, sa kung sino ang mas sikat at lalong lalo na kung sino ang mas malaki ang bigay 😂✌️
Kidding aside- mas maganda parin ang permanente at tuloy tuloy na pag-asenso kesa sa panandaliang tulong galing sa gobyerno.
Let’s vote wisely for real this time (The best Judgement we can make) yan ang nasa isip namin. For our country where we want our children to grow and be safe. And hoping to you guys to do the same. 🇵🇭🇵🇭🇵🇭