21/07/2020
Bumili ako sa tapat ng ROMVI pag labas ko nakita ko si Lola napa upo at uminom ng mineral water sa tabi ng gate Office gate ng ROMVI. Yung bigla mo lang na hindi naramdaman yung takot dahil sa COVID dali-dali akong bumunot ng laman sa aking wallet para lapitan at abotan si Lola. Sobrang sarap sa p**iramdam na tuwang tuwa si Lola, nakangiti at nag papasalamat sakin ng sobra. Sabi ko Lola ano po ginagawa niyo dito taga saan po kayo? Sabi ni Lola taga Kairo Multinational daw siya at pumunta lang siya sa Barangay Moonwalk para i follow up yung papel niya hindi ko na alam kung anong papel yun pero sinabi niya meron kase siyang problema sa mata. Gusto ko man siya isakay para ihatid pero bawal :'( and baka mahirapan din siya kaya binigyan ko siya ulit ng pang tricycle niya kesa mag lakad siya tirik pa ang araw sobrang init tlga. Sabi ko na lang sa kanya Lola isasama kita sa prayers ko and alam ko na ginamit ako ni Lord para matulungan ka. Yung bigla si Lola ngumiti at tinaas ang kanyang dalawang kamay at nag pasalamat sa itaas. Pagkatapos ay sinabi ko ng aalis na po ako at mag ingat po kayo always Lola and God bless. I share this para once makita niyo si Lola sana ay maabutan niyo po siya maliit man yan ay malaking tulong po yan para sa kinakaylangan niya pang pagamot. Hindi ko na po nakuha ang pangalan niya. Alam ko na si Lord ang my gawa nito kaya kami pinag tagpo at same pa kami ng situation sa mata din ang problem, may dahilan si Lord bakit ko siya nakita at iba yung naramdaman ko. Thank you Lord at ginamit mo ako para makatulong kay Lola. Napaka sarap tumulong at napaka sarap sa feeling na napapangiti mo yung taong tinulungan mo dahil alam mo na kaylangan na kaylangan niya talaga. Hindi natin madadala sa langit kung ano man ang mayroon tayo ngayon. Always po natin wag kalimutan mag pasalamat sa ☝ kung ano man po ang mga natatanggap natin na blessings.
Thank you Lord 😇🙏☝🙌😍
Note: Hindi ko po ito ni share para sumikat gusto ko lang po ma ishare ang aking experienced kung paano ako ginamit ni Lord para makatulong.