27/10/2025
Sobrang friendly at accomodating talaga ng mga staff dito sa Mactan International Airport. Yung tipong sa check in counter pa lang machika na masyado mga staff. 😅😅 Yung tipong ayaw mong umalis muna sa counter kasi tatlo kayong nag uululan sa airport. "Maam uwi na kayo Australia nyo? bilis nyo naman, nasulit nyo ba vacation nyo?"
"Actually hindi kasi umuwi lang talaga ako para magkalagnat, ubo at sipon eh, ganito kasi yun, na bored ako, sabi ko parang bet ko magkaubo, makauwi nga muna ng Pinas."
"Ayos yan maam, at least nagkaubo kayo natupad ang pangarap nyong ubo at sipon, may bunos pang lagnat. Bahahahhahahahha!!!!!
At dun na nag start ang daldalan naming tatlo, feeling close lang kami? 😆😆😆
Kaya recent flights ko umiwas muna ako sa NAIA, mga staff kasi dun parang may ari ng airport eh, ang iba parang di na gusto ang work nila, ang iba naman parang ipinaglihi sa sama ng loob.
But then again this is Cebu, iba ang customer service dito lalo na sa mga hotel, ay naku! try nyo sa BAI HOTEL... sobranggggg polite ng mga staff, you cannot fault them. Ngayon naman dito sa spa sa airport (depature) nung nalaman ng staff na 12:15 pa flight ko, talagang pinahiga na lang muna ako dito para makapagpahinga... pwede naman ako bumalik na lang for my massage sched. Sobrang sarap lang sa feeling na walang makakatrigger sa masama kong ugali (char!!!) kasi everyone's friendly and helpful.
Pusuan mo kung ikaw ay taga Cebu or nakaexperience ng superb customer service nila dito. ❤️