20/07/2022
Tama nga naman...Nag private school ka, public school ako, pero pareho tayong nakapagtapos ng highschool. Naging security guard ako naging manager ka ng bangko pero parehas tau kumikita para sa pamilya. Nagising ka sa malambot na k**a at nagising ako mula sa higaang banig, ngunit pareho tayong may kapayapaan ng pahinga sa gabi. Ang mahal ng outfit nyo, yung sakin simple at mura lang, pero parehas pa rin tayong nagcocover ng ating kahubaran. Tumingin ka sa iyong orasan na Rolex, ako sa orasan na simple lang, pero hindi naman nagbabago ang oras. Kumain ka ng fried rice at chicken barbecue, ako naman kumain ng locally made food, pero parehas pa rin tayong nabusog.. Sumakay ka sa sarili mong sasakyan, sumakay naman ako sa tricycle minsan jeep o kaya naglalakad, pero pareho tayong nakakarating sa iba ' t ibang destinasyon na nais puntahan. Maaaring binabasa mo ang post na ito mula sa iyong S9, Note9, iPhone 13 pro at tinype ko ito gamit ang aking simpleng cellphone, pero pareho tayong nakakatawag at nakakatanggap ng mensahe.
ANG BUHAY AY HINDI ISANG KOMPETISYON.
ANG KALIGAYAHAN AY HINDI NAGMUMULA SA LAHAT NG BAGAY,
✓Maging MASAYA tayo sa kung anong meron tayo ngayon. (Kasama ang mga Mahal Sa buhay at walang MGA sakit)
✓Walang permanente sa mundo lahat ngbabago, lahat nawawala. Kaya kung anong meron ka ngayon magpasalamat Ka sa panginoon. Lahat ng bagay ay hiram lang maging ang ating buhay...
✓Maging mabuti sa lahat ng walang dahilan.
✓Maging mapagkumbaba.
✓Piliin ang kapayapaan, katahimikan ng puso't isipan.❤️
MINSAN LANG TAYO MAY PAG KAKATAON MABUHAY SA MUNDO. Piliin nating maging masaya at walang tinatapakang ibang tao❤️🤲
Thank you Lord 🙏
Ctto. Napakagandang mensahe😍