27/03/2021
Isang taong makalipas matapos aprubahan ng kongreso ang prangkisa ng TV5.
Naaprubahan na rin sa ikatlo at huling pagbasa ng franchise bills ng MVP Group gaya ng Cignal TV Inc., at Smart Communications, Inc ito'y nangyari bago pa mag-break ang sesyon ngayong Marso.
Ang Cignal TV Inc., dating GV Broadcasting System Inc., na siyang humahawak ng Satellite Pay TV Provider nito gaya ng SatLite at ganun din ay hawak na rin affliated station ng Nation Broadcasting Corp. o NBC na dating pagmamay-ari ng GV Broadcasting System na nakasentro ang FM Radio Station nitong Radyo Singko at Analog Station nito na One Sports sa Channel 41 at gayundin ay siyang humahawak sa mga exclusive cable channels nito sa pamumuno ng CEO nito na si Robert P. Galang ito ay nangyari bago pa mapaso ang kanilang prangkisa sa taong 2023.
Samantalang ang Smart Communications Inc., ay inaprobahan din ng kongreso matapos lagdaan nito sa taong 1997 bilang Meridian Telekoms Inc., na siya ring humahawak ng major brands nito gaya ng Smart Bro at ng TNT.
Nakabinbin ngayon ang prangkisa ng Cignal at Smart sa Senado para lagdaan na ito ng Pangulo ito ay matapos aprobahan ang 4 na telecommunications provider at 6 na broadcast firms sa Senado kabilang ang prangkisa ng Dito nitong linggo lamang.
Magpapatuloy pa rin ang operasyon ng Smart at Cignal matapos maaprubahan ng kongreso ang prangkisa nito.
Source:
The Philippine Star (Ang affliated Print Media Company ng MVP Group.)
TV5 Franchise Renewed:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=114770333645398&id=106773437778421