22/06/2024
please pa follow po ng main page ko
Greatest Love
“Kanina pa kita hinahanap nandito kalang pala” lumapit ako sa tabi niya at inakbayan
“Sa tingin mo Zion mararanasan ko rin ba yan” saad niya habang pinagmamasdan ang malaking pangalan na naka ukit sa malaking building na nasa harapan namin ngayon
“Ang alin” nalilito kong tanong sa kanya
“Gaya niyan” turo niya doon “Sa tingin mo kaya mararanasan ko rin bang maiukit ang pangalan ko sa isang malinis ang makintab na semento gaya niyan” sambit niya
“Aba oo ikaw pa kaya alam kong kayang kaya mo yan” pagmamayabang ko sa kanya
Napabuntong hininga siya bago lumingon saakin
“Alam mo ba bata palang ako pangarap ko na talaga ang magkaroon ng ganitong building at sa building na pangarap ko ay ilagay ko mismo sa harapan ang pangalan ko para mabasa ng maraming tao” manghang pagkwekwento niya saakin
“Buti kapa may pangarap sa buhay, kasi ako walang wala pa sa tingin mo may mararating ba ako sa buhay” tanong ko sa kanya
“Wag ka ngang mawalan ng pag asa Zion baka malay mo 10 years isa kanang ganap na pulis”saad nito sabay nun ang paghawak niya sa balikan ko at tinapik tapik
“Pulis talaga ang inisip mo” tawa kong saad sa kanya dahil sa tuwing pinag uusapan namin yung pangarap ay puro pulis ang sinasabi niya saakin
“Yun kasi naiimagine ko sayo haha” natatawa niya ring turan saakin
“Pangarap mo nalang kaya problemahin mo dahil sa ating dalawa tiyak akong ikaw ang malayo ang mararating sa buhay”ani ko dito
“Di mo sure” sambit nito saakin
“Sure na sure na yan Sheila tiwala lang, nandito lang ako para supportahan ka sa kahit anong gusto mo pero ipangako mong wag kang makalimut kapag umangat na ang estado ng buhay mo” mahabang saad ko dito
“Makakalimutan ba kita Zion? ikaw lang kaya ang kauna unahang lalaking naniwala at umibig saakin ng totoo no” she said
“Naninigurado lang”ani ko
“Hayss” napabuntong hininga siya at tumingin ulit sa building “Balang araw pangalan ko din ang sinusulyapan ko at gusto kong makasama ka pag sinusulyapan yun” sabi niya habang naka pulupot ang k**ay niya sa isa kong braso
Pinagmamasdan ko lang siya habang sinasabi niya ang katagang yun
“At sa araw na mangyari yun, magiging proud ako sayo pangako yan” yun nalang ang naibigkas ko sa kanya
________
5 years later
“Kamusta, hindi kaba nilalamig dyan Sheila” pangungmusta ko sa kanya
“Nagdala pala ako ng bulaklak para sayo pasensiya kana kung mumurahin lang ang nakayanan ko kasi pinambayad ko ng tuition ko sa kolehiyo pero wag kang mag alala babawi naman ako next time kaya wag kang magtatampo diyan, nga pala may dala pala akong ginisang bihon luto pa to ni mama diba favorite mo to lalo na yung may maraming sahog na gulay tapos atay ng manok” masaya kong saad sa kanya
Inilapag ko sa harap niya ang mga dala ko at kinuha yung kandila sa bulsa ko at sinindihan yun “Para sosyal” natatawa kong turan
Maya maya ay umupo narin ako sa damuhan pero napansin ko yung mga nalaglag na dahon mismo sa bandang pangalan niya kaya naman pinulot ko yung isa isa at pagkatapos ay hinaplos ko yung pangalan niyang naka ukit sa isang puting semento at sa taas ng pangalam niya ay may isang ibon na naka guhit din
Napangiti nalang ako ng mapakla dahil natupad nga niya ang pangarap niya pero hindi sa ganitong paraan
“I miss you” bulaslas ko habang hinihaplos parin ang puntod niya at pilit kong pinipigilan yung luhang gustong kumawala sa aking mata
Parang kailan lang yakap yakap at hawak ko lang yung k**ay niya pero ngayon puntod niya ang hinahaplos ko. Miss na miss ko na yung ngiti niya na lagi kong inaasar na kuneho, miss ko na rin yung pagkaisip bata niya lalo na kung nagkakatampuhan kami lagi siyang naglalambing at dahil marupok ako lagi ko siyang pinapatawad grabe no lalaki na ngayon yung sinusuyo
“Alam kong nalulungkot ka dahil mag isa kalang dito gusto man kitang dala dalawin dito araw araw pero hindi pwede dahil malayo yung university na pinapasukan ko dito pero pangako pagka graduate ko sa college dito na ako kakain ng tanghalian ko araw araw ano ayos ba yun” pagkakausap ko sa lapida niya
Binuksan ko na yung Tupperware kung saan nakalagay yung ginisang bihon at meron din itong kasamang biko at p**o lahat yun paborito ni Sheila. Nang mailapag ko na sa harap niya yung mga pagkain ay may kinuha akong maliit na box sa bag ko at inilapag ko rin yun sa harap ng lapida niya
“Happy 7th anniversary Sheila pinag ipunan ko tong kwentas na to para lang may maibigay akong regalo sa anniversary natin baka kasi magalit ka nanaman na wala akong regalo sayo” napangiti nalang ako ng mapakla dahil kahit anong sabihin ko dito ay hindi na niya yun maririnig pa at makikita
Naramdaman ko na may dumaang hangin sa katawan ko kaya napangiti ako dahil ramdam ko ang pagyakap niya saakin
Dinama ko yun pero di nagtagal ay nawala din yun. Napalingon ulit ako sa puntod niya at sa oras na yun ay malungkot ang expression ang ipinakita ko
“Alam mo Sheila hanggang ngayon sinisisi ko parin yung sarili ko kung bakit ka nam*tay kung- kung sana pinigilan lang sana kita sa mga oras na yun ay hindi ka nalunod [Hik] Im sorry naging pabaya akong boyfriend sayo mas pinairal ko pa yung tampo sayo kaysa ang bantayan ka I'm sorry [hik] sana ako nalang, sa~sana ako nalang ang nakahiga diyan at hindi ikaw dahil mas marami kapang pangarap sa buhay kaysa saakin kung kaya ko lang ibalik ang panahon ay~ ay mas pipiliin kong ako nalang ang malunod kaysa ikaw Sheila” yung luhang pinipigilan ko ay kusang lumabas na hindi ko na kasi kayang pigilan pa
“Naging miserable ang buhay ko nung nawala ka pati pag aaral ko napabayaan ko na kung hindi lang ako kinausap ng magulan natin baka~ baka mental na ang abot ko ngayon Sheila” napatawa nalang ako ng mapakla maalala ko kung paano ako na depressed sa ng mawala si Sheila walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko, tumigil pa ako ng isang semester ng senior at isang taon sa college dahil lang sa depresyon pero dumating yung time na umiiyak si mama sa harapan ko at nakikiusap saakin na bumalik na ako sa dati
Dun lang ako natauhan dahil hindi lang pala ako ang nahihirapan sa sitwasyon nayun pati narin si mama ay naaapektuhan sa nangyayar, nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil walang araw na hindi niya ako iniwan at inunawa kaya unti unti kong binalik yung dating ako. Isang araw bumisita din ang magulang ni Sheila saamin para kamustahin daw ang kalagayan ko dahil nalaman nila yung naging depression ko. Kinausap ako ng mama ni Sheila at sinabi niyang hindi matutuwa si Sheila sa ginagawa ko ang pagsira sa buhay ko ay hindi yun ang gustong mangyari saakin ni Sheila at narealize ko naman yun kaya pinilit ko ang sarili kong bumangon ulit sa pagkakabaon ko
Tinapos ko ulit yung isang Sem na hindi ko na tapos sa senior high mula noong nawala si Sheila. Kaya naman nung graduation na ay sobrang tuwa ni mama dahil finally natapos ko rin ang highschool naiyak pa nga ako nung time na tutungtung ako ng entablado para kunin yung diploma ko dahil naalala ko na isa yun sa pangarap ni Sheila noon ang makatungtung sa entablado at abutin ang diplomang inaasam niya. Pagkatapos ng Graduation ceremony ay dumeretso agad ako sa faculty at pinuntahan yung dati naming adviser ni Sheila. Pinakiusapan ko siya kung pwede lang hingin ko yung dimploma sana ni Sheila dahil diserve niya naman yun dahil kung hindi lang siya nawala ay baka siya ang top 2 sa section namin
Ang sabi ng dati naming adviser ay bumalik nalang ako sa next week kaya naman sinusod ko yun. Nang iniabot nga nila yung dimploma ay humagulgul pa ako na para bang kinder dun pa mismo sa harap ng ilang teacher na nasa loob ng faculty pati narin yung ibang teacher napansin kong naluluha narin.
Tapos nagpatuloy ako sa pag aaral sa college at ang kurong kinuha ko ay criminology yung kursong kinukulit saakin ni Sheila noon hindi ako makapaniwala na yun ang tatapusin ko
Ngayon ay isang taon nalang ang hihintayin ko para matupad ko na ang pangarap ko/namin ni Sheila
Hindi man niya nakikita lahat ng itong ginagawa ko para sa pangarap namin ay ipinapangako ko parin na unti unti kong tutuparin ang mga pangarap na gusto niyang matupad sa buhay
Maaga k**ang binawi saakin pero kahit kailan hinding hindi ka mawawala sa puso’t isipan ko kahit kailan at kung magkaroon man ako ng sarili kong pamilya soon ay hindi parin kita kakalimutan dahil ikaw ang greatest love ko Sheila
Maraming salamat dahil naging parte ka ng buhay ko, salamat dahil ikaw yung taong nakapagbago saakin yung dating F*ckboy ay soon to be Police Officer
Hanggang sa muli my beautiful guardian angel I love you
The End
A/u: this story is base on real life story of our co- rp'es and sorry po kung may mali maling grammar diyan hindi po kasi masyadong malinaw yung mata ko hehe