05/03/2022
[PAGHAYAG NG SUPORTA PARA KAY DRA. NATY CASTRO] - UP Medicine Student Council
Si Dr. Maria Natividad Castro, na mas kilala sa kaniyang palayaw na Dr. Naty, ay isang katangi-tanging alumna ng Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Medisina Batch 1995. Masigasig niyang inilalaan ang kaniyang oras sa paglilingkod sa kaniyang kapwa. Aktibo siyang tumutulong sa mga sektor na marginalized sa mga pamayanang rural at urban, at inihahandog ang kaniyang kakayahan sa panggagamot sa malalayong dako sa Agusan at iba pang bahagi ng Mindanao. Masidhi niyang ipinagtatanggol ang mga karapatan ng mga Lumad at kaniya ring ipinararating ang kanilang kalagayan sa mga tao at organisasyon sa ibang bansa.
Ayon sa ulat ng Kodao Productions, noong nakaraang Pebrero 18, 2022, inaresto si Dr. Naty sa kaniyang tahanan sa Lungsod ng San Juan, Kalakhang Maynila, ng mga sibilyang hindi tukoy ang pagkakakilanlan. Ipinakita ng mga sibilyan ang isang photocopy ng warrant of arrest, na inilabas ng Bayugan City Regional Trial Court, kung saan nakalista ang daan-daang pangalan. Hindi kasama ang pangalan ni Dr. Naty rito. Hindi rin pinahintulutan si Dr. Naty na makausap ang kaniyang abogado at pamilya, at hindi rin pinayagang makuha ang kaniyang gamot para sa altapresyon at diabetes.
Ang pagkakaaresto kay Dr. Naty ay ang pinakahuling insidente sa mahabang kasaysayan ng pag-uusig laban sa ating mga alumni na piniling paglingkuran ang mga pamayanang lubos na nangangailangan. Ang kasaysayang ito ay patuloy na nagsisilbing hadlang sa mga mag-aaral na magiging manggagamot sa hinaharap, sa kanilang desisyong paglingkuran ang lipunan. Higit sa lahat, ang pagkakaaresto kay Dr. Naty Castro ay nagsisilbing banta sa pilosopiyang saligan ng ating edukasyong pangmedikal: to serve the underserved.
Aming iniuudyok ang mga kapwa naming mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Medisina na magtulong-tulong sa pagsulong ng hangaring agad-agarang pagpapalaya at pagsasawalang-bisa ng mga kaso kay Dr. Naty Castro, at pati na rin ang pagtatanggol at pagpanig sa iba pang healthcare workers na naglilingkod sa mga pamayanang hikahos.
UP Medicine Student Council
UP College of Medicine Class 2022
UP College of Medicine Class 2023
UP College of Medicine Class 2024
UP College of Medicine Class 2025
UP College of Medicine Class 2026
UP College of Medicine Class 2027
UP College of Medicine Class 2028
—
https://kodao.org/explainer-who-is-doc-naty-and-why-is-her-arrest-unjust/?fbclid=IwAR1cg2Tr60NeqxedO55O67x-JeMTOKnFeSPMziJ8YosNJFz88urMqGZBeq4
[PAGHAYAG NG SUPORTA PARA KAY DRA. NATY CASTRO]