17/08/2021
THE PROBLEM OF DIVORCE AND ADULTERY
By: Admin Chris
Isa sa mga naalala ko noong bata pa ako ay ipinagmamalaki ko ang bansa ko dahil sa pagiging konserbatibo nito. Isang aspeto kung saan nakikita natin ito ay ang Pilipinas lang ang bansa, bukod sa Vatican, ang hindi nagbibigay ng legal recognition sa absolute divorce. Ngunit, habang tumatagal, napansin ko na dumarami ang mga Pilipino na hindi natutuwa pagdating sa batas tungkol sa kasal. Marami na ang gusto magsulong ng legal recognition sa divorce. May nakita akong isang blog site na nagbibigay ng kritisismo pagdating sa iba't ibang konserbatibong pananaw ang nakakuha ng aking atensyon, at makikita natin kung may batayan nga ba ang kanilang pag-suporta sa divorce. Ayon sa "Arguments of (tired) College Students",
"Despite the Catholic Church’s stance on divorce, the Philippines is first and foremost a secular country with predominantly Catholic citizens. By definition, a secular state is defined to be a state wherein it is to be neutral in matters of religion showing neutral grounds [1]."
Tama ang sinabi nila na ang Pilipinas ay isang "secular country" kung saan karamihan ng mga citizens nito ay mga Katoliko. Ngayon, kung ang usapin lamang ay ang moralidad lamang ng divorce, naniniwala ako na walang masama gumamit ng religious arguments dahil kung si Kristo ay tunay na nabuhay muli, ibig sabihin ay tama ang Kanyang mga tinuturo. At, kung ayon sa Kanyang turo ay mali ang divorce (Matthew 19:6), may bateyan ang isang mananampalataya na depensahan ang katuruan ni Kristo.
Ngunit, hindi ito ang gusto ko bigyan ng emphasis dito. Kung ang pag-uusapan ay ang politika at batas, tama sila na dapat maging "neutral" tayo pagdating sa sinasabi ng isang relihiyon. Gayunpaman, hindi nito ibig sabihin ay tama na agad ang divorce. Sa halip, naniniwala ako na may argumento na umaasa sa lohika at pilosopiya (hindi sa relihiyon) na nagpapakita na hindi "morally permissible" ang divorce. Bago maging "option" na dapat i-konsidera ang absolute divorce bill, kailangan muna nila mapatunayan na ito ay "morally good" o "morally permissible." Ito ay dahil sa isa sa mga layunin ng estado ay ang protektahan ang moralidad ng mga Pilipino. Tulad ng sinabi sa 1987 Constitution,
"SECTION 13. The State recognizes the vital role of the youth in nation-building and shall promote and protect their physical, moral, spiritual, intellectual, and social well-being. It shall inculcate in the youth patriotism and nationalism, and encourage their involvement in public and civic affairs [2]."
Ang ipapakita ko sa baba ay halimbawa ng isang "deductive argument" na nagpapakita na ang batayan sa pagsuporta sa divorce ay magiging dahilan rin upang suportahan ang "open marriage" o "consensual adultery." At, dahil sa kahit ang mga liberal ay nagsasabing mali ang "consensual adultery", ibig sabihin ay mali rin ang pagsuporta sa divorce. Sa pamamagitan nito, makikita natin na upang maprotektahan ng Gobyerno ang "moral well-being" ng mga Pilipino, hindi dapat bigyan ng legal recognition ang divorce bills.
Premise 1: If divorce is morally permissible, then adultery is morally permissible.
Premise 2: Adultery is not morally permissible.
Conclusion: Therefore, divorce is not morally permissible.
Dahil sa isa itong deductive argument, kung tama ang mga premises, tama rin ang conclusion. Ngayon, common sense na mali ang adultery, kahit na may permiso ang isang asawa na makipag-talik sa ibang tao kahit para sa mga liberal. Dahil dito, walang mali sa premise 2 at ang titignan naman natin ay ang premise 1. Para mapatunayan na ang "justification" para sa divorce ay katulad na "justification" para sabihing tama ang "adultery", titignan natin ang rason na nilatag sa blog site na binanggit ko dito. Sinabi ng "Arguments of (tired) College Students":
"A unilateral divorce would mean that the consent of the partner is not needed in order to push through with the divorce while no fault would mean that neither partner would claim fault in their marriage. By allowing the divorce to be simpler with unilateral and no-fault divorce, the emotional and economic costs of the dissolution was reduced [1]."
Dahil sa "unilateral divorce", kahit na hindi gusto ng isang asawa ang magkaroon ng divorce pero gusto naman ng isa, matutuloy pa rin ang divorce. Ngunit, kung iisipin natin, kung walang masama ang makipaghiwalay sa asawa at magkaroon ng bagong asawa dahil sa kagustuhan lamang ito ng isang tao, paano natin masasabi na masama ang adultery? Paano kapag may isang tao ang nagsabi na walang masama sa "unilateral adultery" kung saan kahit na hindi gusto ng kanyang asawa, pero dahil sa gusto niya mag-commit ng adultery, dapat ay hindi siya makulong at makatanggap pa siya ng benefits mula sa gobyerno?
Bukod pa dito, nabanggit rin ang "no-fault" divorce. Ibig sabihin, hindi kailangan patunayan ang "fault" ng isang asawa bago magkaroon ng divorce. Kung walang masama ang maghiwalay at maghanap ng bagong asawa kahit na walang dahilan para dito, ito'y nangangahulugan rin na walang masama para sa isang asawa ang maghanap ng "third party" kahit na walang dahilan para dito. Hindi lamang konsepto ng "no-fault" at "unilateral" divorce ang kanilang nabanggit. Nabanggit rin ang domestic violence na isa sa kadalasang rason kung bakit marami ang sumusuporta sa divorce. Ayon sa kanila,
"With the problem of domestic violence being solved by opting for a more economical pricing of divorce in Spain, this method would be beneficial for the Philippines [1]."
Ang kadalasang rason na naririnig ko kung bakit may mga sumusuporta sa divorce ay dahil sa domestic violence. Ngunit, hindi naman diborsyo ang sagot sa ganitong problema. Naniniwala ako na bukod sa "legal separation", ang annulment ay makakapagbigay ng solusyon sa karanasan ng nakakarami. Tulad ng nabanggit ni Jochebed “OBED” Dela Cruz, Spokeperson ng Coalitions of Christians for Change:
"Therefore, we agree that the spouse who suffers from the divergence and divisiveness of another spouse, to the point that the health, safety, and overall well-being of family members are affected, deserve relief from the law. Divergence and divisiveness that breaks down a marriage are proofs of moral and/or psychological incapacity that may show a defect in the marriage from the beginning. There are existing and proposed grounds for annulment as well as the proposed grounds for divorce that we deem to be classified as moral or psychological incapacity that can treat the marriage as void or voidable [3]."
Kung mapapansin ninyo, walang magandang rason para suportahan ang diborsyo, bukod pa sa magagawang solusyonan ng annulment ang problema na binabanggit ng mga taga-suporta ng divorce bills. Hindi lamang ito, ngunit ang mga rason na nag susuporta para sa divorce ay magdudulot para sa isa na suportahan rin ang adultery kung tayo ay magiging "consistent." Dahil sa alam natin, pati na rin ng mga liberal, na mali ang adultery, ang tanging konklusyon lamang natin ay mali ang divorce. Ang argumento na nilatag ko rito ay isa lamang sa marami pang problema ng divorce at adultery.
Luke 16:18
18 “Every one who divorces his wife and marries another commits adultery, and he who marries a woman divorced from her husband commits adultery.
References:
[1] https://earlymorningswithr04.wordpress.com/2018/05/17/divorce-the-end-that-justifies-the-means/
[2] https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/1987-constitution/
[3] Comments On Substitute Divorce Bill by Coalition of Christians for Change