18/12/2024
Lampas trenta minuto na sila sa loob ng silid ng hotel. Nakapagpalit na siya ng damit at naayos na rin ang kanyang makeup ngunit nanatili siyang nakaupo sa malambot na k**a. Hawak-hawak ang lumang diary ng kanyang ina.
Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng ama. Wala siyang muwang sa pinagdaanan ng ina. Ang tanging alam niya lang ay namatay ito sa malubhang sakit noong apat na taon pa lamang siya. Para sa kanya kahit namatay ang gumahasa sa kanyang ina, hindi pa rin iyon ang tamang hustiya. At ang ama niya na nagsilbing tagapangtanggol ng ina, ay ilang taon nang nagbabayad sa hindi sinasadyang kasalanan.
Napailing siya. Ngayon na may babaeng anak siya hinding-hindi siya papayag na may mangingialam sa pagkababaē ng anak niya maliban lang sa mapapangasawa nito. Pati na rin kay Jean na nasa poder niya.
"Stop thinking for what happened a while ago, baby... I said ako na ang bahala.." Narinig niyang sabi ni Dylan na nagpapahupa ng kanyang nararamdaman.
"Salamat sa lahat. Pilit mong inaayos at binubuo ang pagkatao ko!" Madamdaming saad niya.
"Lahat gagawin ko mapasaya ka lang... Lahat ng kulang sayo pupunan ko." Pinisil nito ng mahina ang ilong niya. "Let's go back to our wedding reception... Kanina pa tumatawag si Mommy, hinahanap na tayo ng mga guest sa baba. Nagpapanic na rin daw si Daddy dahil nawawala ang groom and bride."
Itinago niya ang diary na hawak at inaayos niya ang kanyang sarili. Bumaba silang dalawa ni Dylan upang bumalik sa reception ng kanilang kasal.
"Bakit nasa entourage natin ang mga pinsan at mga pamangkin ko sa pinsan? Wala naman akong nakitang pangalan nila sa invitations natin?" Natanong niya kay Dylan habang nasa loob sila ng elevator.
"Tinawagan ko ang gumawa ng invitations natin. Kaya nga ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa kasal natin para hindi ako mabuko sa pasabog ko." Natatawang sagot ni Dylan.
"Lagi ka na lang may surprise sa akin. Sige ka, masanay ako niyan!" Kinurot niya ito sa tagiliran.
"It's okay! Hindi naman ako magsasawa!" Hinalikan siya nito sa noo at napakagat labi siya.
"Stop biting your lower lip. Nanggigigil ako sayo!" Natahimik siya at napayuko nang marinig ang sinabi nito.
Pagkalabas nila sa elevator sinalubong sila ng mga tauhan ni Dylan.
"Wala namang pumalag, sir!" wika ng isang tauhan ni Dylan.
"Good!" tipid nitong sagot at nagpatuloy sa paglakad.
Alam niya na ang ibig sabihin ng tauhan ni Dylan patungkol iyon sa kanyang mga k**ag-anak. Para pigilan ang mga ito na hindi magkagulo kung sakaling may hindi makapagtimpi sa galit kapag nakita ang kanyang ama.
"Oh there they are!" Narinig niyang boses ng mommy ni Dylan habang papalapit sila.
"Hi Mommy! I'm sorry nawala kami saglit, nagbihis lang po kami." Magalang na wika niya.
"It's okay, Kathy. Sa wakas, from now on dala-dala mo na ang apelyidong Monteverde! You are now legally part of the family! Masaya ako dahil ikaw ang piniling pakasalan ng anak ko!" Mangiyak-ngiyak na saad ng mommy ni Dylan na si Doña Elizabeth hawak ang mamahaling pamaypay nito.
"Thanks for everything, Mommy! Nakakalungkot nga lang dahil isang apo lang ang naibigay ko sa inyo ni Daddy." Inakbayan siya ni Dylan nang marinig ang sinabi niya.
"Don't be sad, Kathy! Sapat na para sa amin si Alexandra at hanga ako sayo kung paano mo siya pinalaki." Niyakap siya ng mommy ni Dylan at tumugon din siya sa higpit ng yakap nito.
Nagpaalam silang dalawa ni Dylan at sunod na tinungo ang sulok ng reception area kung saan nakaupo ang mga k**ag-anak niya.
"Ate!" Patakbo siyang nilapitan at niyakap ng pinsan. Sa tagal ng panahon na hindi niya ito nkita malaki na ang pinagbago nito lalo na kung katawan ang pag-uusapan. Ganap na itong dalaga samantalang trese anyos lang ito noong umalis siya. Hindi niya makakalimutan na ang mga maliliit nitong balikat ang naging sandalan niya noong mga panahong hindi niya matanggap ang pagpanaw ng kanyang lola.
"Kumusta ka na?" tanong niya rito.
"Maayos na buhay namin ngayon, ate! Halos karamihan sa amin na mga pinsan mo nag-aaral ngayon sa tulong niya." Itinuro nito ng nguso si Dylan na nasa kanyang likuran.
Napalingon siya kay Dylan. "Totoo ba?"
Tumango lang ito nang marahan.
Nagpaalam sa kanya si Dylan at lumapit sa kanyang tiyuhin na nasa katabing mesa kung saan sila nakaupo ng kanyang pinsan kaya naririnig niya ang mga usapan.
"Iinom pa tayo ng ulit tayo ng tuba?" Narinig niya tanong ng kanyang tiyuhin.
"Hindi yan umiinom ng tuba, Tito." singit niya sa usapan.
"Anong hindi, ate? Sarap na sa sarap nga sa tuba si kuya Dylan eh!" sabad ng pinsan.
"Teka! Nakapunta na ba siya sa atin?" Pabulong na tanong niya.
"Maraming beses na, ate! Helicopter pa ang sinasakyan sa tuwing bibisita. Ang swerte mo ate mabait, gwapo at yayamanin ang napangasawa mo." pabulong din na sagot ng kanyang pinsan.
"Ssshhhh... Marinig ka!" saway niya.
Hindi siya nagtagal sa tabi ng pinsan at nagpaalam muna. Kanina pa text ng text si Trixie sa kanya na lumipat muna sa kanilang mesa dahil kinakawawa daw ito. Nag-alala naman siya sa kung anong ibig sabihin ng kaibigan.
Tinungo niya ang mesa kung saan nakaupo si Trixie kasama si Vince, Blake, Lea, Samatha at Christian.
"Kung ako sayo Trix simulan ko na ngayon dito maghanap ng mapapangasawa." Narinig niyang boses ni Lea.
Napangiti siya sa narinig. Inuutusan na naman ni Lea si Trixie maghanap na nang mapapangasawa. Sa kanilang apat na magkakaibigan ito na lang ang wala pang asawa. Wala na rin siyang nabalitaan kung may boyfriend pa si Trixie. Kung si Vince naman ang tatanungin, magkaibigan lang silang dalawa ni Trixie.
Si Trixie at Vince ang napili nilang pares na nagkabit sa kanila ng cord kanina sa simbahan.
"Naku, Trix! Kailan mo pa ipapabiyak iyang pakwan mo? Kung makunat na at wala ng katas? Mawawala na sa kalendaryo iyang edad mo!" dadag pa ni Lea at narinig niyang nagtawanan ang lahat.
"Baka naman type mo si Vince or Blake." sabat ni Samantha.
"Magkaibigan lang kami ni Trixie, ate!" wika ni Vince sabay akbay pa nito kay Trixie.
"How about you, Blake?" tanong ni Samantha kay Blake.
"She's not the type of woman I'm looking for!" Prangka at supladong tono na sagot ni Blake habang kumakain.
Nakita niya ang pagyuko ni Trixie sa hiya.
"Wow ha! Kung makaarte ka naman, Blake! Mas maganda pa nga si Trixie kesa sa mga ex mong mala langka ang laki ng mga suso dahil sa silicone!" Sabay subo ng tinidor ni Lea.
"Shut up, Lea!" inis na saad ni Blake.
"Don't worry, Blake! Hindi naman gaya mo ang type ni Trix! Hindi naman kami naniniwala sa pamahiin na kung sino makasalo ng bridal bouquet at garter iyon ang susunod na ikakasal." wika ni Lea.
Kanina pa siya nakatayo at nakikinig sa usapan ngunit wala ni isang nakapansin sa kanyang paglapit.
Tumikhim muna siya para mapansin ng mga ito.
"Anong pinagmemeetingan niyo?" Pinaghila siya ng upuan ni Blake at pinaupo.
"Sinasabihan ko lang si Trix na maghanap na ng mapapangasawa. Baka kasi hindi natin mamalayan ikakasal na si Alexandra, si Trixie hindi pa nakakaranas mataniman ng kamoteng-kahoy." Ang madaldal na Lea ang sumagot sa tanong niya.
"Nag-eenjoy si Trixie sa buhay single kaya hayaan natin siya!" aniya at tiningnan ang nakayukong si Trixie.
"Sabi ko na nga ba! Si Kathy lang talaga kakampi ko rito!" Pabirong sambit ni Trixie.
Para sa kanya hindi naman pangit si Trixie. At sa mahigit isang taon na nakasama niya ito sa iisang bubong alam niyang ligawin din ito. Lalo na't maganda ang hubog ng katawan na hindi maipagkakaila na birhen pa ito kahit labas ang kaluluwa nito kung manamit minsan.
Marahil ay hindi pa handa ang kaibigan na magpatali at bumuo ng pamilya dahil kumakayod pa ito para sa pag-aaral ng mga kapatid at pangarap na negosyo para sa magulang. Balang-araw, sa tamang panahon darating din ang lalaking magmamahal at mamahalin nito.