12/03/2023
March 12, 2023
Day 1
Diagnose Myself
1. Physical: Good. No sickness. Body size: L
I was XXL last year and decided to trim down (or mas tamang sabihing sadyang pumayat dahil nawalan ng ganang kumain due to depression, nabago ang diet dahil hindi na kayang bilhin yung klase ng mga pagkaing dati naming inihahain😁😅😂).
2. Mental: Parang okay naman. Ikaw ba naman mag decide to come out of your shell and do a blog/vlog about utang chronicles---syempre, in good mental state ako nyan 🤔. Well, Im done with depression drama, chuvaness. Tapos na ako dun. Ayoko nang mag dwell sa mga nakamamatay na overthinking at anxiety. Im in a stage ngayon na mas kalmado na, mas matibay na ang faith kay Lord at mas klaro na ang plano sa buhay.
3. Spiritual: Im proud to say that I have 99% of communication level with God at the present. Alam mo na--- sa panahong iniwan ka na ng lahat, iniiwasan kang parang may nakakahawang sakit, yung parang adik ka na ini-ignore dahil baka utangan mo sila at wala silang maiabot sa iyo eh magwala ka--- it is Him that you can run into. Siya lang. Wala nang iba.
4. Social: sa panahong ganito, let's say 0.00000001% na lang ang matitirang loyal sayo. Minsan nga, kahit kadugo mo na, asawa mo, mismong pamilya mo ay tatalikuran ka kapag lubog ka sa pagkakautang. Na kahit kapalan mo na ang mukha mo at mangulit ka para lang suportahan ka sa mga 'bounce-back plans' mo---ay pagtatawanan ka pa, lalaitin at susoplahin kaagad. So, there's no way you can have a good social life in this kind of situation. However, building a support community from virtual friends & virtual support groups can help you a lot. Yan ang ginawa ko. Since nakakapagod nang ma-seenzoned, I changed platform to interact with people na hindi naman ako kilala, at hindi judgemental sa abilities ko (minus the picture of being a ghost in debt).
5. Lastly, Financial. Eto ang masayang part. Cash on hand = 2 pesos. GCash = 9 pesos. So, without hipocrisy, I still feel blessed. Kase kahit barya eh meron pa. Hindi totally zero.
Kaway-kaway sa mga kapareho ko ng sitwasyon! Kaya natin yan! Sino pa bang magkakaintindihan kundi tayong pare-pareho ng kalagayan, ano po? Nakakaluwag ng dibdib yung ganitong nakakapag open up tayo ng mga saloobin. Minsan kase, nakakabaliw yung sasarilinin mo lang lahat ng hinaing at mga naisin mo sa buhay. So, kahit wala namang kwenta ang mga naiisip mo, ang mga ginagawa mo, basta go lang ng go. One step forward tayo.
Kung sa palagay mo eh nagkakapareho tayo ng point of view, sige nga---piktyuran mo ang laman ng wallet mo at i-share mo sa ComSec (comment section). Then include mo na rin ang estimated amount ng utang mo! Go!