09/12/2022
Inaasahang mapatataas ng panukalang Maharlika Wealth Fund (MWF) ang investments at pondong ilalaan ng gobyerno sa mga proyekto nito, kabilang na ang mga programang pang-imprastraktura at pang-agrikultura.
Ito ay ayon sa pahayag ng economic managers ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ukol sa pagbubuo ng MWF nitong Biyernes, Dec. 9.
"Intergenerational benefits include increased access of future generations to income from investments, such as potential earnings from extracted natural resources such as in mining," bahagi ng pinagsamang pahayag ng economic managers.
Dagdag pa ng mga opisyal, mapapaunlad ng MWF ang Pilipinas at mapabubuti nito ang kapakanan ng bawat Pilipino.
Nilagdaan nina Finance Secretary Benjamin Diokno, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Felipe Medalla ang naturang pahayag.