02/11/2024
Bakit nga ba tumakbo bilang Vice Governor si Mayor Ryanh M. Dolor?
Ang laban po ni Mayor Ryanh Dolor ay laban para sa kakabayan niyang BATANGUEÑO kasi Naniniwala si Mayor Ryanh Dolor na ang Batangas ay dapat sa TUNAY NA BATANGUEÑO. Walang ibang mag mamalasakit at magmamahal sa Batangueño kundi kapwa Batangueño lang.
Unang Dahilan- Kung sakaling si Gov. Mandanas at Luis Manzano lamang ang mag kalaban ay posibleng mangyari na alukin ng pwesto sa National Government si Gov. Mandanas o kaya pakiusapan na lang ni Senador Ralph Recto na i-withdraw na lang ang kanyang laban upang sa ganun maging EASY WIN kay Luis Manzano kasi mawawalan siya ng kalaban.
Pangalawang Dahilan- Alam naman po nating lahat na nag kakaedad na po si Gov. Mandanas at 81 years old na po siya pag dating ng Election. At alam naman po natin na nag babago ang henerasyon at masasabi po natin na panahon na ito ng mga batang leader yung mas may lakas ng pangangatawan at mas may kakayanan maglingkod at serbisyo sa mga tao.
Ikatlong Dahilan- Si Luis Manzano po ay hindi anak ni Sen. Recto, siya po ay Anak ni Edu Manzano at Vilma Santos. Alam naman po natin na hindi po sila lihitimong taga batangas at walang dugong batangueño. Parang ang pangit naman po tingnan na ang Batangas ay mapapapunta at mabebenta lang sa hindi naman taga dito. Saan ga po kayo makakakita na mag-ina na sabay tumakbo, ano kaya po ang motibo nila at pinoproteksyonan nila sa batangas at gustong gusto nila itong makuha? Kayo na po mga kababayan ang bahalang mag isip.
Isinakripisyo ni MAYOR RYANH DOLOR ang kanyang sarili para sa Batangueño kasi ayaw niya mapunta lang ito sa alam nating walang Puso at Dugong Batangueño lalo’t higit hindi isang BATANGUEÑO.