Ekonomiyang Pinoy

  • Home
  • Ekonomiyang Pinoy

Ekonomiyang Pinoy Ating isulong ang ekonomiyang Pinoy

SIM CARD REGISTRATION HATAW NA PATI SA MGA REMOTE AREAS! Opisyal nang sinimulan ang SIM card registration sa malalayong ...
27/01/2023

SIM CARD REGISTRATION HATAW NA PATI SA MGA REMOTE AREAS!

Opisyal nang sinimulan ang SIM card registration sa malalayong lugar ng bansa dahil na rin sa pangunguna ng National Telecommunications Commission.

Ayon kay NTC officer-in-charge Commissioner Ella Lopez, matagumpay na naisagawa ang rollout dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga telecoms at kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Link:
https://tribune.net.ph/2023/01/26/remote-sim-registration-rolls-out/

MGA LIBLIB NA LUGAR SA BANSA, HINDI DAPAT MAPAG-IWANAN SA SIM CARD REGISTRATION –NTCBase sa pinakahuling datos, nasa mah...
20/01/2023

MGA LIBLIB NA LUGAR SA BANSA, HINDI DAPAT MAPAG-IWANAN SA SIM CARD REGISTRATION –NTC

Base sa pinakahuling datos, nasa mahigit 22.2 milyong SIM cards na ang naka-registered at pinabibilisan pa ng National Telecommunications Commission sa mga telcos ang SIM card registration upang umabot sa April 26 deadline.

Bukod dito, tinukoy rin ng komisyon ang 45 liblib na lugar sa 15 rehiyon sa bansa at ipinasa ito sa mga telcos upang hindi mapag-iwanan sa SIM card registration.

Link:
https://newsinfo.inquirer.net/1718995/fwd-ntc-over-22-2m-sim-cards-registered-as-of-jan-18

HALOS P10-B, KITA NG NTC NOONG ISANG TAONSumobra nang mahigit 70% sa collection target ang naging income ng National Tel...
08/01/2023

HALOS P10-B, KITA NG NTC NOONG ISANG TAON

Sumobra nang mahigit 70% sa collection target ang naging income ng National Telecommunications Commission noong 2022.

Ayon sa ahensiya, nakakolekta ito nang P9.50 bilyon noong nakaraang taon, hamak na mataas sa sa P5.58 bilyon na itinakda ng Development Budget Coordination Committee.

Makatutulong ang nasabing malaking halaga sa mga programa ni Pangulong Bongbong Marcos para sa mga Pilipino.

Link:
https://mb.com.ph/2023/01/06/ntc-exceeds-2022-collection-target-by-70/

PH FIXED BROADBAND AT MOBILE INTERNET, SUMAGAD SA BILIS!Base sa pinakabagong Ookla Speedtest Global Index, pumalo sa 87....
06/01/2023

PH FIXED BROADBAND AT MOBILE INTERNET, SUMAGAD SA BILIS!

Base sa pinakabagong Ookla Speedtest Global Index, pumalo sa 87.13 Mbps ang download speed ng fixed broadband noong Disyembre 2022 mula sa dating 81.42 Mbps noong Nobyembre habang naging 25.12 Mbps naman ang mobile internet noong nakaraang buwan mula sa dating 24.04 Mbps sa sinundang buwan.

Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, tumaas na nang 26.39% ang bilis ng fixed broadband habang 17.33% naman ang itinaas sa mobile internet.

Basahin nang buo rito:
https://malaya.com.ph/news_business/internet-speeds-improve/

Dahil sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa DICT at NTC, lalo pang gumanda ang fixed broadband at mobile internet ng b...
22/10/2022

Dahil sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa DICT at NTC, lalo pang gumanda ang fixed broadband at mobile internet ng bansa.

Mula 22.35 Mbps noong August ay naging 22.54 Mbps ang average download speed ng mobile internet noong nakaraang buwan habang naging 78.69 Mbps naman ang fixed broadband mula sa dating 78.33 Mbps. Ito ay base na rin sa pinakahuling ulat ng Ookla na siyang industry bible pagdating sa internet speedtests.

Narito:
https://businessmirror.com.ph/2022/10/21/phl-internet-speed-improves-as-pbbm-mandates-dict-ntc-to-provide-fast-reliable-internet/

Kahit humina na ang text scams nitong mga nakaraan, nanindigan ang National Telecommunications Commission na ipagpapatul...
06/10/2022

Kahit humina na ang text scams nitong mga nakaraan, nanindigan ang National Telecommunications Commission na ipagpapatuloy nito ang Kontra Text Scam Campaign nito hangga’t hindi ganap na nasasawata ang SMS scams.

Sa isang bagong memorandum, inatasan ng komisyon ang lahat ng public telecommunications entities o PTEs sa bansa na ipagpatuloy ng mga ito ang pag-text blast ng babala upang maprotektahan ang mga subscriber.

Read more:
https://manilastandard.net/tech/314265991/ntc-to-telcos-continue-text-blast-blocking-of-text-scam-sim-cards.html

INTERNET NG BANSA, UMARANGKADA!Naging pang-45 ang ranggo ng Pilipinas (out of 182 countries) sa buong mundo noong nakara...
22/09/2022

INTERNET NG BANSA, UMARANGKADA!

Naging pang-45 ang ranggo ng Pilipinas (out of 182 countries) sa buong mundo noong nakaraang buwan pagdating sa fixed broadband habang naging pang-82 naman ang bansa sa mobile internet mula sa 140 nasyon.

Ang average speed ng fixed broadband noong August ay nasa 78.33 Mbps habang ang ating mobile internet naman ay nasa 22.35 Mbps.

Lumukso nang two notches ang fixed broadband ng Pilipinas habang three notches naman ang inilundag ng mobile internet natin sa global rankings.

Ang buong report ng GMA News:
https://www.gmanetwork.com/news/scitech/technology/845478/philippines-internet-mobile-broadband-speed-rankings-went-up-in-august-ookla/story/

Sa isang industry-wide meeting ng National Telecommunications Commission (NTC) kasama ang mga mobile phone manufacturer,...
16/09/2022

Sa isang industry-wide meeting ng National Telecommunications Commission (NTC) kasama ang mga mobile phone manufacturer, distributor, at dealer, natalakay ang mga kakayanan ng isang cellphone upang maprotektahan mula sa mga pangloloko (tulad ng SMS scams) ang gumagamit nito.

Dahil dito, agad na naglabas ang NTC ng isang memorandum upang maturuan hinggil dito ang mga cellphone user.

Ang balita:
https://mb.com.ph/2022/09/15/mobile-phone-makers-distributors-ordered-to-protect-consumers/

TEXT SCAMS PINAKAKALOS NG NTC!Sa isang memorandum ng National Telecommunications Commission noong Huwebes, inatasan nito...
10/09/2022

TEXT SCAMS PINAKAKALOS NG NTC!

Sa isang memorandum ng National Telecommunications Commission noong Huwebes, inatasan nito ang mga telco na magbigay ng babala sa kani-kanilang subscribers laban sa pagtindi ng modus kung saan nakalagay pa nga ang pangalan ng mismong mga nakatatanggap ng unsolicited text messages.

Sa isang hiwalay pang memorandum, inutusan naman nito ang mga regional official at officer-in-charge ng komisyon na mag-ikot-ikot sila sa mga lokal na estasyon ng radyo at telebisyon mula September 9 hangang 15 upang mabigyan ng babala ang publiko laban sa text scams kung saan nakalagay pa mismo ang pangalan ng mga nakatatanggap.

Narito po:
https://mb.com.ph/2022/09/09/telcos-ordered-to-cooperate-on-probe-vs-smishing-attacks/

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ekonomiyang Pinoy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share