06/06/2024
Sobrang mahirap maging breadwinner. Yung ikaw yung takbuhan ng lahat. Yung kailangan mong maging malakas physically, emotionally and mentally kasi nakasandal sa’yo yung sobrang bigat na obligasyon. Yung hindi mo naman hiningi pero dahil mabuti kang anak o kapatid, sasaluhin mo kasi mahal mo sila.
Pero may mga gabi na hihiga ka sa k**a pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw tapos tatanungin mo yung sarili mo kung “hanggang kailan?” Kung hanggang kailan mo dadalhin yung bigat. Yung mapapatanong ka na lang kung “paano naman ako?” Dahil napapabayaan mo na yung sarili mo para lang makapag-provide sa pamilya mo. Yung gugutumin mo yung sarili mo para lang mabusog sila. Yung titiisin mo yung sakit ng katawan para lang mapabuti sila.
Sobrang hirap no? At madalas, dahil alam nilang magbibigay ka, alam nilang magsasakripisyo ka, at alam nilang obligasyon mo yun, ni isang thank you, wala kang maririnig.
Nakakapagod pero aasa ka na lang na sana maging okay na ang lahat. Na sana may tumulong rin sa’yo sa pagpasan ng bigat. Na sana makita nila yung pagod mo at deserve mo rin ng pahinga.
Sana.