ONE Batangas News

  • Home
  • ONE Batangas News

ONE Batangas News Provide the latest news and information on Batangas Province and the Philippines.

Itinanghal na Philippines representative sa ikalawang pagkakataon ang mang-aawit na si Sarah Geronimo sa ASEAN-Japan Mus...
12/06/2021

Itinanghal na Philippines representative sa ikalawang pagkakataon ang mang-aawit na si Sarah Geronimo sa ASEAN-Japan Music Festival na ginanap noong June 5, 2021.

Ibinahagi ni Geronimo ang kanyang viral performance para sa kanta nitong 'Ikot-Ikot' na parte ng kanyang digital concert noong nakaraang Marso.

Ayon sa singer, isang parangal na makasali siya sa naturang programa at inihayag nito na ang musika ay isang universal language na nakapagbibigay inspirasyon sa mga tao.

Unang nagperform si Geronimo sa nasabing music festival noong taong 2018 kung saan inawit nito ang kanyang mga kantang 'Tala' at 'Kilometro.'

Inilabas ng Marvel Comics ang bagong Filipina superhero na nangngangalang Ari Agbayani.Si Agbayani ay ang unang superher...
12/06/2021

Inilabas ng Marvel Comics ang bagong Filipina superhero na nangngangalang Ari Agbayani.

Si Agbayani ay ang unang superhero na ipinakilala na kabilang sa fourt issue ng United States of Captain America limited series.

Ayon sa website ng Marvel, ang hero na si Agbayani ay isang scholar student na nais makamit ang hustisya laban sa kanyang eskwelahan na nagbubulag-bulagan sa mga masasamang gawain ng kanyang mga kapwa estudyante.

Ang series ay isinulat ni Christopher Cantwell at inilarawan ni Dale Eaglesham bilang paggunita sa 80th anniversary ni Captain America na ang unang issue ay ilulunsad ngayong buwan.

Pumalo ng P13.5 billion ang naitalang lugi ng ABS-CBN matapos hindi bigyan ng bagong prangkisa noong taong 2020.Mas mata...
12/06/2021

Pumalo ng P13.5 billion ang naitalang lugi ng ABS-CBN matapos hindi bigyan ng bagong prangkisa noong taong 2020.

Mas mataas ito ng 411.5% kumpara sa P2.64 billion net loss nito noong 2019.

Bumagsak naman ng 50% o P21.4 billion ang kita ng nasabing istasyon dahil sa kawalan ng free-to-air advertising space.

Matatandaang hindi nakabalik sa ere ang ABS-CBN makaraang hindi aprubahan ng House Committee on Legislative Franchises ang hiling na bagong 25-year license para sa broadcast operations nito.

Isinusulong ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagkakaroon ng limitadong face-to-face class sa mga lugar na may...
11/06/2021

Isinusulong ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagkakaroon ng limitadong face-to-face class sa mga lugar na may mababang kaso lamang ng COVID-19.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagpapatupad ng distance learning ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) dahil sa panganib na dala ng pandemyang CoronaVirus disease.

Ayon sa ACT na marami pa ring estudyante ang hindi kayang makasabay sa umiiral na flexible learning dahil na rin sa kakapusan sa pinansyal.

Gayon pa man ay pinatitiyak ng samahan na dapat ay punan ng pamahalaan ang kakulangan sa mga silid aralan bago tuluyang magbukas ang mga eskwelahan.

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization ng bakunang Sinopharm.Ito ay matapo...
11/06/2021

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization ng bakunang Sinopharm.

Ito ay matapos hilingin ng Department of Health (DOH) sa FDA ang awtorisasyon na payagan silang tanggapin ang donasyong Sinopharm vaccine mula sa bansang China.

Matatandaan na una nang binigyan ng EUA ng FDA ang bakunang Sputnik V vaccine ng Russia’s Gamaleya Research Institute, Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, at Sinovac.

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo nito na patuloy pa rin ang implementa...
11/06/2021

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo nito na patuloy pa rin ang implementasyon ng kanilang mga social services programs.

Ito ang naging pahayag ng DSWD matapos itong purihin ng Commission on Human Rights (CHR) sa patuloy na pagbibigay ng livelihood supports sa mga kababaihan sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ayon sa DSWD na layunin ng SLP na tulungan ang mga kababayang Pilipino na kapos sa pinansyal na pangangailangan na magkaroon ng sapat na panggastos sa araw-araw.

Nais ng Department of Education (DepEd) na mabakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng kanilang manggagawa, teaching person...
10/06/2021

Nais ng Department of Education (DepEd) na mabakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng kanilang manggagawa, teaching personnel man ito o non-teaching personnel.

Ayon naman kay Undersecretary for Planning, and Human Resource and Organizational Development Jesus Mateo na base sa kanilang datos ay 8,160 DepEd personnel na ang nabakunahan at 3,387 personnel naman ang naghihintay pang maturukan ng vaccine.

Hinikayat naman ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Del Pascua ang lahat ng empleyado nito na magparehistro sa kani-kanilang lokal na pamahalaan upang maturukan ng bakuna laban sa virus na COVID-19.

Natuklasan ng mga grupo ng mananaliksik sa Estados Unidos na posibleng nagsimula ang nakahahawang sakit na COVID-19 sa i...
10/06/2021

Natuklasan ng mga grupo ng mananaliksik sa Estados Unidos na posibleng nagsimula ang nakahahawang sakit na COVID-19 sa isang laboratoryo sa Wuhan, China.

Ito ay base sa inilathalang ulat ng The Wall Street Journal na siya namang isinulat ng mga siyentipiko mula sa Lawrence Livermore National Laboratory sa California.

Kailangan umanong masusi pang maimbestigahan ang naturang hypothesis upang mas makilala pa ang virus na siyang kumitil sa maraming buhay.

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magaganap sa June ...
10/06/2021

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magaganap sa June 21, 2021 ang pinakamahabang araw ng taon o mas kilala sa tawag na 'summer solstice.'

Ayon sa PAGASA, tatagal ng 12 oras at 59 minuto ang daytime kung saan magaganap ang pagsikat ng araw ng 5:28 am at lulubog ng 6:27 pm.

Ang summer solstice ay mayroon ding pinakamaikling gabi at kadalasang nagaganap tuwing June 21 o June 22 ng taon.

Sinimulan na ng bansa ang pag-export ng gulay na okra o 'lady finger' sa kalapit na bansang South Korea.Ayon sa Philippi...
09/06/2021

Sinimulan na ng bansa ang pag-export ng gulay na okra o 'lady finger' sa kalapit na bansang South Korea.

Ayon sa Philippine Airlines, nasa 1,800 kilograms ng okra ang lulan ng cargo mula Manila na nakarating sa Incheon airport.

Sa pahayag ni Department of Agriculture William Dar, dulot ito ng matagumpay na exportation ng okra sa bansang Japan noong nakaraang taon.

Aniya, isa itong maituturing na milestone para sa bansa dahil taong 2014 pa nang i-request ng pamahalaan ang pag-export ng naturang gulay sa Korean market.

Pinayagan na ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng Department of Education (DepEd) na dagdagan ang swel...
09/06/2021

Pinayagan na ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng Department of Education (DepEd) na dagdagan ang sweldo at benepisyo ng mga teaching at non-teaching personnel na magbibigay serbisyo sa 2022 national at local elections.

Pinasalamatan naman ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones ang Comelec sa pagpayag sa kanilang kahilingan.

Matatandaan na hiniling ito ni Secretary Briones noong buwan ng Pebrero dahil sa maaaring kapahamakan na kaharapin ng mga poll workers sa COVID-19.

Ayon naman kay Comelec Chairman Sheriff Abas na buo ang suporta nila sa nasabing kahilingan kung kaya't dadagdagan nilang ng P3,000 ang honoraria ng bawat poll workers.

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na siyam na porsiyento lamang ng nabakunahan kontra COVID-19 ang hindi pa natuturu...
09/06/2021

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na siyam na porsiyento lamang ng nabakunahan kontra COVID-19 ang hindi pa natuturukan ng second dose.

Ito ang naging pahayag ng DOH matapos sabihin ni Dr. John Wong na 50% o isang milyon pa ng vaccine recipients ang hindi bumabalik upang muling magpaturok.

Tiniyak naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na maaari pa ring magpabakuna ang mga indibidwal para sa kanilang second dose.

Hinihikayat ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Joselito D. Bautista ang 4.3 milyon...
05/06/2021

Hinihikayat ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Joselito D. Bautista ang 4.3 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Bautista na gamitin ang oportunidad na ibinibigay ng pamahalaan upang maging ligtas na mula sa virus na COVID-19.

Ang mga 4Ps beneficiaries ay kabilang sa A5 na siyang prayoridad ng gobyerno na maturukan ng vaccine.

Tiniyak din ni Bautista sa mga miyembro nito na ligtas ang bakuna dahil aprubado ito at ginagamit sa buong mundo upang masugpo ang pandemyang COVID-19.

Pinuri ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang tuluyang pagpayag na isabatas ang Labor Education Act.Layunin ng ...
05/06/2021

Pinuri ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang tuluyang pagpayag na isabatas ang Labor Education Act.

Layunin ng nasabing batas na lagyan ng aralin tungkol sa labor education ang general education curriculum ng mga Senior High School sa pribado at pampublikong paaralan.

Gayon pa man ay sinabi ng SPARK na hindi sapat ang saklaw ng nasabing batas upang mabigyang garantiya ang mga manggagawa na protektado sila kontra sa pang-aabuso sa trabaho.

Isinusulong ng samahan na gawing mandatory ang labor education kaysa gawin lamang itong electives sa General Education Curriculum.

Sa isinagawang 'Philippines Distance Learning Survey' ng iOptions Ventures Corporation, natuklasan na 'unstable internet...
05/06/2021

Sa isinagawang 'Philippines Distance Learning Survey' ng iOptions Ventures Corporation, natuklasan na 'unstable internet connection' ang nakikitang pangunahing suliranin ng mga magulang, estudyante at g**o sa online learning.

Base sa tala, 67% ng mga magulang, 84% ng nga g**o at 71% ng mga estudyanteng kalahok sa online poll ang sumang-ayon na ito ang pinakaproblemang kinahaharap nila.

Pangalawa naman sa listahan ay ang paghihirap ng mga estudyante sa self-studying at pangatlo ay ang mga distractions o nakagugulo sa kanilang pag-aaral gaya ng paggamit ng social media at ingay na nanggagaling sa komunidad.

Ang naturang survey ay isinagawa noong April 20 hanggang 28 na inilathala naman noong May 31, 2021.

Planong ilunsad ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang dalawang space missions sa planetang Venus.A...
04/06/2021

Planong ilunsad ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang dalawang space missions sa planetang Venus.

Ayon kay NASA Administrator Bill Nelson, ang mga missions ay isasagawa upang imbestigahan ang naturang planeta na 30 taon nang hindi nabibisita.

Ang paglalakbay na ito ay nakapaloob sa Discovery Program ng NASA na inaasahang maisasakatuparan sa taong 2028 hanggang 2030.

Ilan sa mga aalamin ng mga siyentipiko ay kung paano nabubuo ang carbon dioxide sa Venus, at kung mayroon ba itong dagat.

Magbibigay ng isang milyong dolyar ang Pilipinas sa COVAX facility bilang donasyon at pasasalamat umano sa patuloy na pa...
04/06/2021

Magbibigay ng isang milyong dolyar ang Pilipinas sa COVAX facility bilang donasyon at pasasalamat umano sa patuloy na pagtulong sa bansa na labanan ang COVID-19.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pormal na manghingi ang COVAX facility ng tulong sa bawat bansa upang patuloy na makapagbigay ng vaccine sa mga nangangailangang bansa.

Dagdag pa ni Duterte na hindi nag-atubili ang COVAX facility na tulungan ang bansa kung kaya't bilang pasasalamat ay magbibigay ito ng donasyon.

Naglabas na ng pahayag ang fast food company na Jollibee ukol sa 'fried towel' na naideliver sa isa sa mga customers nit...
04/06/2021

Naglabas na ng pahayag ang fast food company na Jollibee ukol sa 'fried towel' na naideliver sa isa sa mga customers nito sa Taguig.

Ang insidente ay ipinost ng customer na si Alique Perez sa Facebook kung saan ang dumating na fried chicken ay natuklasang tuwalya pala.

Ayon sa Jollibee, masusi na umano itong iniimbestigahan upang hindi na maulit ang naturang pangyayari at pansamantalang ipinasara ng tatlong araw ang Bonifacio Global City - Stop Over Branch.

Binigyang paalala rin ng kompanya ang ibang branches sa bansa na sumunod sa ipinapatypad nitong food preparatiom systems.

Inihayag ng United Nations' International Labor Organization (ILO) na 10 milyong manggagawa sa buong mundo ang nakararan...
03/06/2021

Inihayag ng United Nations' International Labor Organization (ILO) na 10 milyong manggagawa sa buong mundo ang nakararanas ng kahirapan dahil sa pagbaba ng kalidad ng trabaho dulot ng pandemyang COVID-19.

Ayon sa Annual World Employment and Social Outlook Report ng ILO, inaasahang tataas pa hanggang sa 205 milyon ang global unemployment sa darating na taong 2022.

Tinatayang sa taong 2023 pa muling maibabalik ang dating estado ng employment.

Tinatayang 94% kumpleto na ang konstruksyon ng 30-kilometrong Central Luzon Link Expressway (CLLEX) na nagdurugtong sa l...
03/06/2021

Tinatayang 94% kumpleto na ang konstruksyon ng 30-kilometrong Central Luzon Link Expressway (CLLEX) na nagdurugtong sa lungsod ng Tarlac at Cabanatuan.

Ito ang pahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

Dagdag ng kalihim, ang 18-km section ng naturang daan ay malapit nang ibukas sa mga motorista.

Kapag natapos na umano ang CLLEX ay maaari nang makarating ang mga motorista sa dalawang syudad sa loob ng 20 minuto.

Inaprubahan na ng senado sa ikatlong pagbasa ang panukalang naglalayong magbigay ng pantay na oportunidad sa mga estudya...
03/06/2021

Inaprubahan na ng senado sa ikatlong pagbasa ang panukalang naglalayong magbigay ng pantay na oportunidad sa mga estudyanteng may kapansanan.

Sa botong 23-0 ng mga senador ay pormal nang pinayagan ang Senate Bill No. 1907 o ang the proposed law Instituting Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act.

Sa oras na maisabatas ang nasabing panukala ay kinakailangan na magtayo ang bawat lokal na pamahalaan ng inclusive learning resource center (ILRC) para sa mga estudyante na may espesyal na pangangailangan.

Nagsulputan sa social media site na Facebook ang mga grupong naghihikayat sa mga Pilipino na magdonate ng mga hindi na n...
03/06/2021

Nagsulputan sa social media site na Facebook ang mga grupong naghihikayat sa mga Pilipino na magdonate ng mga hindi na nagagamit na kagamitan gaya ng damit.

Kabilang na rito ay ang "Buy Nothing PH" at "Anything to Declutter PH" na nagsusulong sa mga tao na magdonate ng mga preloved items o mga kagamitan na nais i-declutter at ipamigay sa mga nangangailangan nang libre.

Ang zero-waste group na "Buhay Zero-waste Preloved" ay ini-engganyo ang mga Pilipino na ibahagi na lamang ang mga gamit imbes na itapon sa basurahan.

Maaari namang kumita sa pagdedeclutter ang mga taong makikipag-ugnayan sa grupong "Declutter Manila."

Natuklasan sa isinagawang pag-aaral na inilathala sa Nature Climate Change na tinatayang 37% ng mga namamatay dahil sa i...
03/06/2021

Natuklasan sa isinagawang pag-aaral na inilathala sa Nature Climate Change na tinatayang 37% ng mga namamatay dahil sa init ng panahon ay may kaugnayan sa global warming.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ng 70 siyentipiko sa 43 bansa sa mundo.

Ayon sa senior author ng pag-aaral na si Antonio Gasparrini, hindi lamang sa kalikasan may masamang naidudulot ang climate change at global warming kundi pati na rin sa kalusugan ng tao.

Nadiskubre naman na sa bansang Pilipinas, 60 porsiyente ng mga namatay na may kaugnayan sa init ng panahon ay dulot ng global warming.

Haharap umano sa matinding kaparusahan ang sino mang mahuhuli na nagbebenta ng COVID-19 vaccine at vaccine slot.Ito ang ...
01/06/2021

Haharap umano sa matinding kaparusahan ang sino mang mahuhuli na nagbebenta ng COVID-19 vaccine at vaccine slot.

Ito ang naging pahayag ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra noong May 30, 2021.

Binigyang diin ni Guevarra na walang bakuna kontra COVID-19 ang pinapayagang ibenta sa merkado.

Samantala, hindi naman umano paparusahan ang mga bumili ng bakuna dahil maaaring nag-aalala lamang ito sa kanilang kalusugan.

Muli nang pinapayagan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW)...
31/05/2021

Muli nang pinapayagan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Ito ay matapos ipahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello 3rd na dapat sagutin ng gobyerno ng Saudi, foreign employer at recruitment agency ang bayad sa institutionalized quarantine at insurance ng mga OFW ngayong panahon ng COVID-19.

Nanghingi naman ng paumanhin si Bello sa pansamantalang pagbabawal na magdeploy ng mga OFW dahil nais lamang umano nitong matiyak ang kanilang kaligtasan.

Naglaan ang gobyerno ng P318.6 billion bilang pagtugon sa 2015 Paris Agreement na layuning bawasan ang greenhouse gas (G...
31/05/2021

Naglaan ang gobyerno ng P318.6 billion bilang pagtugon sa 2015 Paris Agreement na layuning bawasan ang greenhouse gas (GHG) emissions ng 75 percent hanggang 2030.

Una nang nangako ang administrasyong Aquino na ibababa ng 70 percent ang GHG emissions na bahagi ng Philippines' National Determined Contribution (NDC) na layuning limitahan ang patuloy na pagtaas ng temperatura.

Buwan ng Abril nang i-anunsyo ni Finance Secretary and Climate Change Commission (CCC) Chairman Carlos Dominguez 3rd na binago ng Pilipinas ang NDC at ginawang 75% imbes na 70% lamang.

Inatasan ng Malacañang ang mga Local Government Units (LGUs) na magpasa ng ordinansa na naglalayong parusahan ang sino m...
30/05/2021

Inatasan ng Malacañang ang mga Local Government Units (LGUs) na magpasa ng ordinansa na naglalayong parusahan ang sino mang mahuhuli na nagbebenta ng COVID-19 vaccines at vaccination slots.

Ayon kay Malacañang spokesman Harry Roque Jr. na kinakailangan itong ipasa ng mga LGUs upang magkaroon ng legal na basehan ang pagpaparusa sa mga lalabag.

Dagdag pa nito na ang pagbebenta ng vaccine slot ay isang halimbawa ng pagsuway sa polisiya ng gobyerno na tiyaking tama ang pagpapakalat ng vaccine kontra COVID-19.

Samantala, sinabi naman ni Vivencio "Vince" Dizon, deputy chief implementer of the National Task Force Against Covid-19, na ang mga mahuhuling sumusuway dito ay aarestuhin at mananagot sa batas.

Isinusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian na aprubahan na ang panukala na nagmamandato na irehistro ang bawat Subscriber Id...
30/05/2021

Isinusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian na aprubahan na ang panukala na nagmamandato na irehistro ang bawat Subscriber Identity Module (SIM) cards upang matigil na ang mga online scams.

Ayon sa senador na taong 2020 noong buwan ng Marso ay 155 bansa na sa buong mundo ang nag-apruba sa nasabing regulasyon.

Dagdag pa nito na hanggat walang natatanggap na kaparusahan ang mga kawatan ay hindi matatapos ang pambibiktima ng mga ito.

Ito ay matapos ang sunod sunod na ulat tungkol sa online scams na naging biktima ang mga food delivery riders.

Planong ipatayo ang 'Virology Institute of the Philippines' sa New Clark City, Tarlac sa susunod na taon.Sa panayam ng C...
30/05/2021

Planong ipatayo ang 'Virology Institute of the Philippines' sa New Clark City, Tarlac sa susunod na taon.

Sa panayam ng CNN Philippines kay Department of Science and Technology (DOST) Research and Development Undersecretary Rowena Guevara, kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang kagawaran sa Bases Conversion and Development Authority at Department of Public Works and Highway (DPWH) sa pag-allot ng 5 hectares para sa naturang konstruksyon.

Ilan sa kanilang ipatatayo ay animal houses, iba't ibang uri ng mga laboratoryo upang masuri ang mga virus sa halaman, hayop at tao.

Kalakip naman nito ang 'Balik Scientist Program' ng gobyerno na naghihikayat sa mga Pilipinong scientists na nasa ibang bansa na bumalik sa Pinas.

Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng virology institute sa taong 2023 o 2024.

Maaari nang mabasa simula May 31 ang e-book na 'Kwentong COVID sa Trabaho' na proyekto ng grupong Institute for Occupati...
29/05/2021

Maaari nang mabasa simula May 31 ang e-book na 'Kwentong COVID sa Trabaho' na proyekto ng grupong Institute for Occupational Health Safety and Development (IOHSAD).

Ang naturang lathala ay naglalaman ng 67 kontribusyon na galing sa kwento, testimonya, at essays ng mga g**o, jeepney drivers at iba pang propesyon.

Ayon kay IOHSAD Executive Director Nadia De Leon, mahalagang maidokumento at maibahagi sa mga Pilipino ang mga naging karanasan ng iba't ibang work sectors sa paglaban sa COVID-19.

Umaasa naman si De Leon na magiging daan ito upang mas maintindihan ang paghihirap ng mga manggagawang Pilipino ngayong pandemya.

Ipinagbawal ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng tradisyunal na face-to-face graduation rites upang map...
29/05/2021

Ipinagbawal ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng tradisyunal na face-to-face graduation rites upang maprotektahan ang mga estudyante at g**o sa sakit na COVID-19.

Ang tanging paraan lamang na maaaring gawin ng bawat eskwelahan ay magsagawa ng virtual graduation.

Ang nasabing uri ng pagtatapos ay maaaring gawin ng Kindergarten, Grade 6, Grade 10, Grade 12 at Alternative Learning System (ALS) learners.

Dahil sa talamak na illegal wildlife trade ngayong may pandemya, nakipag-ugnayan ang Department of Environment and Natur...
29/05/2021

Dahil sa talamak na illegal wildlife trade ngayong may pandemya, nakipag-ugnayan ang Department of Environment and Natural Resources-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) sa Philippine Ports Authority (PPA) upang sugpuin ito.

Sa Memorandum of Agreement (MOA) ng dalawang ahensiya, magsasagawa ang mga ito ng evaluation sa limang seaports: Lipata Port sa Surigao del Norte, Nasipit Port sa Agusan del Norte, Manila North Harbor, Manila South Harbor, at Manila International Container Terminal.

Base sa tala ng PPA, simula taong 2010 hanggang 2020 ay mayroon nang 17 kaso ng wildlife smuggling sa bansa.

Ilan naman sa most traded species ay ang Philippine forest turtle, Hawksbill turtle, Southeast Asian box turtle, at Asian leaf turtle.

Muling nagbukas ang La Union upang tanggapin ng mga turista na magmumula sa Luzon.Ang pagbubukas ng nasabing lugar ay in...
28/05/2021

Muling nagbukas ang La Union upang tanggapin ng mga turista na magmumula sa Luzon.

Ang pagbubukas ng nasabing lugar ay inanunsyo sa pamamagitan ng executive order na inilabas ni Governor Francisco Emmanuel Ortega III upang maiangat muli ang ekonomiya ng kanilang probinsya.

Gayon pa man ay papayagan lamang ang mga non-residents na bumisita sa mga tourist spot na pinayagan ng pamahalaang panlalawigan ng La Union.

Ayon kay Provincial information officer Adamor Dagang na 700 turista lamang ang papayagang makapasok upang masigurado na masusunod ang safety protocols tulad ng social distancing.

Bukod pa rito ay kinakailangan ding magprisinta ng negative swab test result ang isang inidbidwal upang payagang makapasok.

Inilunsad ang mobile app na tinatawag na "Babaeng BiyaHero" para makapagbigay impormasyon sa mga Pinay Overseas Filipino...
28/05/2021

Inilunsad ang mobile app na tinatawag na "Babaeng BiyaHero" para makapagbigay impormasyon sa mga Pinay Overseas Filipino Workers (OFWs) tungkol sa mga Philippine Embassies sa mga bansa sa Southeast Asia.

Ang app na ito ay isang official campaign ng grupong Safe and Fair Philippines sa ilalim ng European Union at United Nations (UN).

Ayon sa grupo, ang app ay nakapagbibigay ng safety tips sa mga OFWs sa pagtatrabaho, hotlines na maaaring tawagan, mapa at detalye ukol sa mga embasiya ng Pilipinas sa ibang bansa.

Layunin din umano ng Safe and Fair Philippines na masugpo ang karahasan sa mga kababaihan.

Inihayag ng state statistics bureau na mahigit sampung milyong Pinoy na ang nakakumpleto sa step 2 ng rehistrasyon para ...
28/05/2021

Inihayag ng state statistics bureau na mahigit sampung milyong Pinoy na ang nakakumpleto sa step 2 ng rehistrasyon para sa national ID system.
Ayon naman sa Philippine Statistics Authority na nasa 10,092,022 registrants ang nakuhanan na ng biometrics information hanggang Mayo 21 para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Kabilang sa bio info ang iris scan, fingerprint, at front-facing photograph na kinukuha sa mga registration center.

Pinaniniwalaan ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring magkaroon pa rin ng face-to-face campaign para sa halala...
27/05/2021

Pinaniniwalaan ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring magkaroon pa rin ng face-to-face campaign para sa halalan sa taong 2022 ngunit mayroong limitasyon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez na hindi ito ipagbabawal dahil marami pa ring mga kababayan ang walang access sa social media at iba pang pahayagan.

Paalala na lamang nito na dapat ay tiyakin ng mga kandidato na susunod sila s amga health and safety protocols upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Hinihiling ng Joint Foreign Chambers (JFC) of Commerce of the Philippines sa kongreso na agarang aprubahan ang amendment...
27/05/2021

Hinihiling ng Joint Foreign Chambers (JFC) of Commerce of the Philippines sa kongreso na agarang aprubahan ang amendments para sa Public Service Act (PSA).

Layunin ng PSA na magbukas ng mas marami pang economic activities sa bansa upang mapataas ang foreign equity at mahikayat ang mga dayuhan na mag-invest sa Pilipinas.

Una nang inaprubahan ng House of Representatives ang nasabing panukala noong March 10, 2020.

Inanunsyo ng streaming app na Spotify na muling nakagawa ang K-pop superstars at Grammy nominee na BTS  ng history matap...
27/05/2021

Inanunsyo ng streaming app na Spotify na muling nakagawa ang K-pop superstars at Grammy nominee na BTS ng history matapos makakuha ng highest streams sa loob lamang ng isang araw.

Sa press statement na inilabas ng Big Hit Music ay sinabi nito na umani ng 20.9 million global streams ang Butter sa Spotify.

Base naman sa Spotify Charts website noong May 21 na nasa No. 2 ang nasabing kanta sa kanilang Top 200 Global chart matapos magkaroon ng 11,042,335 streams kumpara sa kantang good 4 u ni Olivia Rodrigo na mayroong 12,192,526 streams na siyang nakakuha ng first place.

Nanguna sa survey ng Social Weather Stations (SWS) ang mga vaccine brands na Sinovac at Pfizer bilang mas pinaburan ng m...
26/05/2021

Nanguna sa survey ng Social Weather Stations (SWS) ang mga vaccine brands na Sinovac at Pfizer bilang mas pinaburan ng mga Pilipino sa sampung bakuna na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Base ang resulta sa 1,200 Filipino adults na sinurvey ng SWS noong April 28 hanggang May 2, 2021.

Nakuha ng Sinovac ng bansang China ang unang pwesto na may 39%, pumapangalawa ang Pfizer-BioNTech na may 32%, Oxford-AstraZeneca naman ang ikaapat (22%) at panghuli ang Johnson&Johnson (10%).

Lumabas din sa naturang poll na 63 porsiyento ng mga Pilipino ang pinili ang bansang US sa mas gusto nilang panggalingan ng mga bakuna kontra COVID-19.

Address

National

Opening Hours

Monday 08:00 - 06:00
Tuesday 08:00 - 18:00
Wednesday 08:00 - 18:00
Thursday 08:00 - 18:00
Friday 08:00 - 18:00
Saturday 08:00 - 13:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ONE Batangas News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Opening Hours
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share