17/03/2021
Riders must put the word discipline in their vocabulary.
KAYBIANG
“The more freedom we enjoy, the greater responsibility we bear - towards others as well as ourselves.”
Óscar Arias, Nobel Peace Prize Laureate
---
Ang COVID ay malala na muli.
Kamakailan, ang Cavite ay nagtala ng 289 positibo.
Karamihan sa mga kaso ay mga Caviteñong lumuluwas pa ng Maynila araw-araw para maghanapbuhay.
Sa Metro Manila ay naghigpit na naman pero dito sa Cavite ay flexible pa rin ang ating mga patakaran. Kailangang balansehin din natin ang epekto ng COVID sa ating ekonomiya.
Ang COVID sa Pilipinas ay higit kumulang 5,000 average per day. Halos umabot na tayo sa 6,000 ngayon.
The government cannot do it alone.
We have it in our hands to be proactive and to take care of ourselves.
TUNNEL VISION
Marami ang nag-report sa aking tanggapan na ang Kaybiang Tunnel sa Mt. Pico de Loro ay nagiging sanhi ng traffic, basura, at umabot pa sa mga lokal na turista ang sila silang nagba-bardagulan doon.
Buong magdamag ay libo-libong bisikleta, motorsiklo, at sasakyan ang nakaparada, kumakain, nagliliwaliw at lahat ay tumitigil para mag-selfie o mag-picture-taking doon.
Ang resulta? Nonstop TRAFFIC at bottleneck mula entrance at exit ng tunnel.
Kaya simula sa Biyernes ay strictly NO TOURISM ZONE na ang Kaybiang Tunnel.
Bawal ang mga sumusunod:
1. NO PARKING in the vicinity of the Kaybiang Tunnel.
2. NO BIKE riders using the tunnel for leisure purposes.
3. NO EATING in the vicinity of the tunnel.
4. NO SELFIES in the vicinity of the tunnel.
5. NO LOITERING in the vicinity of the tunnel.
6. BAWAL ANG BUMUSINA sa loob ng tunnel.
Hindi ko naman kagustuhan ang basagan ng trip. Ngunit responsibilidad ko din na siguraduhin na maayos ang counterflow ng traffic at maintenance ng law and order sa ating mga lansangan.
Kaya mula Tanza, Naic, Maragondon at Ternate ay magkakaroon ng CHECKPOINT areas ang PNP.
Mahigpit na ipagbabawal ang labag sa mga patakaran. Kindly share the hashtag and feel free to report any irregularities in the area.
In the meantime: STAYING IN IS THE NEW GOING OUT.
Stay safe everyone.