Malaban Media Correspondents

  • Home
  • Malaban Media Correspondents

Malaban Media Correspondents The official news publication team
of Brgy. Malaban Biñan City Laguna

19/08/2024

WALANG PASOK | AUGUST 19, 2024

19/08/2024
01/08/2024

Maligayang Kapistahan sa Barangay Malaban!

Ang Barangay Malaban ay may mahalagang papel na ginampanan sa kasaysayan ng Biñan. Sinasabing ang mga residente nito ay "nanlaban" upang masupil ang mga sundalong Espanyol noong unang dumating ang mga Kastila sa Biñan. Pinaniniwalaang dito nakuha ng lugar ang kanilang pangalan - Manlalaban (mga mandirigma), na kalaunan ay naging Malaban. Bilang isang barangay na malapit sa Lawa ng Laguna, ito ngayon ay kasalukuyang isinasaayos para sa pagbubuo lakeshore tourism at recreational area na may mga parke at open space. Ang pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan ng mga taga-Malaban ay pangingisda at paggawa ng mga sapatos.

01/08/2024

KARAKOL AT PAGODA 2024

Pabatid sa lahat ng mga Karakolista at mga sasama sa Pagoda.

1. Ang Karakol at Pagoda ay isang banal na gawain ng bawat isang mamamayan ng ating Brgy. Malaban at Casile na siyang nasasakupan ng Parokya ng San Pedro Apostol Ad Vincula. Ito ay bahagi ng pasasalamat sa lahat ng tulong at panalangin ng ating Mahal na Patron sa nagdaang buong taon. Lakipan natin ito ng kabanalan at puno ng pagpapasalamat.

2. Ang karakol ay isang panatang sayaw na ginagawa sa buong kahabaan ng ating Parokya. Ang lahat ng mga indibidwal at grupo ay maaaring dumalo dito at hindi ma kailangan pang magpalista sa opisina na ating Parokya.

3. Ang Pagoda ay isang prusisyon sa lawa ng Laguna. Ang mga may pribadong bangka ay maaaring sumunod sa banal na gawaing ito. Ang bangka na lulan ang ating Patron ang mga maaaring sumama lamang dito ay ang mga deboto ni Lola Pedring na siyang nangangalaga sa banal na imahe na pangungunahan ni Bro. Nogie Almazan, mga Sakristan, ilang mananayaw mga musikero at ang Samahan ng Apostoles. Pinaigting lamang ang bilang base sa rekomendasyon ng ating Sangguniang Barangay at ng Philippine Coast Guard.

4. Sa lahat ng mga mananampalataya na dadalo sa Banal na gawaing ito ang lahat ay inaasahan na dumalo ng banal na Misa sa ganap na 10:00 ng umaga na pangungunahan ng ating Obispong taga pangasiwa Lub. Kgg. Mylo Hubert Vergara, D.D at ilang kaparain sa ating Diyosesis ng San Pablo. Pagtapos ng Banal na Misa ay isusunod agad ang paglabas ng Karakol sa ganap na 12:00 ng tanghali.

5. Bilang naging tradisyon ng lahat ng mananampalataya sa ating Parokya na magkaroon ng basaan bilang bahagi ng pagpapakita ng saya at pasasalamat ito ay hindi hahadlangan o ipapatigil ng pamunuan ng ating simbahan. Isaalang alang lamang ang kaayusan at walang maiidulot na pagkaabala sa mga taong hindi nais mabasa. Huwag bubuhusan ng tubig ang mga banal na imahe na ipuprusisyon bilang pag iingat sa mga matatandang imahe ng Parokya.

Nawa ang banal na gawaing ito ay lalong magpalalim ng ating pagkilala at paglawak ng ating Debosyon sa ating Mahal na Patron San Pedro Apostol Ad Vincula.

¡ Viva Lolo Pedring !

01/08/2024
23/07/2024

𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟒 | 📣 #𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐏𝐚𝐬𝐨𝐤 #𝐁𝐢𝐧𝐚𝐧

𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐡𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐃𝐀𝐃𝐀 𝐑𝐄𝐘𝐄𝐒 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐬𝐞𝐥𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 (Pribado at Publiko).

𝐌𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢 𝐩𝐨 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐩𝐨 𝐭𝐚𝐲𝐨!

23/07/2024

Mag-ingat po ang lahat!

23/07/2024

Due to unforeseen circumstances of heavy rainfall, the welcoming rites of the sacred relic and the Motorcade procession in honor of San Pedro Apostol Ad Vincula have been canceled. However, the reciting of the Holy Rosary and Novena, as well as the Holy Mass, will proceed as scheduled. Thank you for your understanding and continued devotion.

23/07/2024

Mag-iingat po ang lahat.

22/07/2024

Support your favorite Candidates

PARADE: JULY 23 2024 @ 2:00 PM

CORONATION NIGHT JULY 30 2024 7 PM @ ST ROSE 2 COVERED COURT

22/07/2024

Keep safe po.

22/07/2024

We invite everyone to join us for the Misa Novenario in honor of our Patron, San Pedro Apostol Ad Vincula. Reciting of Holy Rosary and Novena will take place at exactly 4:30 PM, followed by the Holy Mass at 5:30 PM and will be officiated by different esteemed guest priests each evening.

We are also seeking individuals or families to become mass sponsors for these special celebration of our Parish. Sponsoring a mass is a wonderful way to honor a loved one or express gratitude for blessings received. If you are interested in becoming a mass sponsor, please contact the Parish Office.

Let us come together as a community to celebrate and honor San Pedro Apostol Ad Vincula through these nine days of spiritual reflection and prayer. Each Mass will offer a unique and enriching experience led by our special guest priests.

We look forward to your presence and participation in this significant and holy event.

15/05/2024
13/05/2024

Magkakaroon po ng FIRST COMMUNION (Unang Pakikinabang) para sa may edad na 9 taong gulang pataas sa darating na Hunyo taong kasalukuyan sa ating Parokya.

Ang mga interesado ay makipag ugnayan lamang po sa opisina ng ating parokya ngayon hanggang sa Ika - 17 ng Mayo taong kasalukuyan.

13/05/2024
07/05/2024
07/05/2024

𝗙𝗟𝗢𝗥𝗘𝗦 𝗗𝗘 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰

"𝑯𝒂𝒍𝒊𝒏𝒂, 𝑯𝒂𝒍𝒊𝒏𝒂, 𝒕𝒂𝒚𝒐'𝒚 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒍𝒂𝒚,
𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒖𝒍𝒂𝒌𝒍𝒂𝒌 𝒌𝒂𝒚 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒂!"

𝘕𝘢𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘱𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘛𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘎𝘢𝘸𝘢𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘳𝘰𝘬𝘺𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘉𝘶𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘺𝘰, 𝘣𝘶𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘉𝘪𝘳𝘩𝘦𝘯.

Ang Buwan ng Mayo ay kilala bilang Flores de Mayo, ngunit atin din itong inilalaan sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria. Ang Buwan ng Mayo ay tinatawag ding Flores de Maria, kung saan ating iniaalay ang buong buwan ng Mayo sa mahal na Birhen bilang ating debosyon. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit binansagang "𝑃𝑢𝑒𝑏𝑙𝑜 𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑒 𝑑𝑒 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎" ang ating bansang Pilipinas, na nangangahulugang “Bayang sumisinta kay Maria”.

Narito ang mga oras ng Banal na Misa at pag aalay ng bulaklak sa ating pagdiriwang ng Flores de Maria:
Linggo hanggang Lunes sa ganap na ika-6 ng umaga.

02/05/2024

📣📣ATTENTION ‼️

Mga Ka- Barangay Malaban sa MAY 2, 2024 na po ang CHIKITING LIGTAS OPV-SIA 2024

Tayo po ay magkakaroon ng Oral Polio vaccine- supplementary immunization activity ( MALAWAKANG PAGBABAKUNA KONTRA POLIO)
ito ay hangarin na mapuksa ng tuluyan ang Polio Virus

For All children aged 0-59 months.

22/03/2024

JOIN US FOR EARTH HOUR 2024 🌱
Switch off and Give an hour for Earth on Saturday, March 23rd at 8:30 PM. Together, let's create the Biggest Hour for Earth!

22/03/2024

Linggo ng Palaspas

5:30N.U Prusisyon ng Humenta
6:00N.U Pagbabasbas ng Palaspas
8:00N.U Banal na Misa
5:00N.H Banal na Misa

Ang matagumpay na pagpasok ng Panginoong Hesukristo sa Herusalem.

Pinagpugayan Siya ng mga tao habang sumisigaw nang "Hosanna sa Anak ni David! Pinagpala ang dunarating sa ngalan ng Panginoon!"

Ito ang simula ng mga Mahal na Araw at patuloy na paglapit natin sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.

Address


Telephone

+639460488926

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malaban Media Correspondents posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Malaban Media Correspondents:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share