22/11/2020
Rod Maceda nababaon sa utang dahil sa pagpapa Stem Cell Therapy ng kanyang ina
Rod Maceda nababaon sa utang dahil sa pagpapa Stem Cell Therapy ng kanyang ina
VISMINWOOD - Aminado ang adult film actor na si Rod Maceda na hindi niya kayang mag guest ng ibang Visayan singers sa kanyang nalalapit na FB Live Chat dahil walang budget para pambayad ng talent fees nila.
Ito ay dahil na rin sa pandemia kaya nagtitipid siya sa gastos ng production. Cost-cutting talaga dahil mas inuna niya ang pagpapa stem cell therapy ng kanyang ina na hindi rin biro ang halaga ng isang 6-months therapy package.
"Yun nga. At the end of the day, family comes first. Siyempre ako ang tutok na nag-aalaga sa mama ko. Okay naman siya. Wala siyang sakit awa ng Dios. Kaya nag decide ako na ipa stem cell therapy siya para ma reverse yung damaged cells ng katawan niya dala ng katandaan. But I'm very happy kahit nababaon ako sa utang. Nabayaran ko naman na ang 4 months. Kailangan nalang bayaran yung remaining 2 months na kukumpleto sa therapy. Mahal kasi talaga. Hindi siya biro. Okay lang. Yung iba nga, nangungutang ng personal na gamit nila, kaya okay lang mangutang ako for health naman eh. Lahat naman ng tao may utang. " kuwento ni Rod.
Kung okay lang magtanong, magkano ba ang isang package ng 6-months stem cell therapy?
"Nasa P135,000 plus. Actually, mura yun kasi nari reverse nito ang damage ng katawan mo. Imbes na ma ospital ka, inunahan mo na. Mas magastos later kung ma ospital kayo or yung mahal ninyo sa buhay. All in all nakatipid ako. Hindi ko lang mararamdaman sa ngayon.
Kayo nalang mag research kung ano ang ginagawa ng stem cell therapy sa katawan natin. It's the future of medicine. Matagal ko na talaga gusto ipa stem cell ang mama ko, pinag ipunan ko kaya heto. Ako rin gusto ko magpa stem cell therapy next year."
May sakit ba si Rod Maceda?
"Wala. Alangan naman maghintay ka pa magkasakit. Unahan ko na."
So talagang pasok din ang kanyang movie na "Na Unhan" dito? Mahilig ka ba talaga na unahan ang iba?
"Hahaha. Hindi naman. Saan galing yan?"
Question sa Bomba King, ano ang gagawin mo kung ikaw ay na unahan?
"Anong klaseng sitwasyon ba na na unahan ako?"
Napapangiti ang Pagilas Insider at nauunawaan ito ni Rod.
"Ay sus... hehe. Kung s*x ang pinag uusapan, na unahan ako? Like nahawakan ako? Eh di gaganti rin ako ng hawak. Hahaha."
Malanding paliwanag ng Na Unhan star na magkakaroon ng FB Live Chat sa December 6th Sunday 8PM sa kanyang official facebook club. Kakanta rin siya ng 9 songs na request ng kanyang mga excited na fans.
https://www.facebook.com/349853855032668/posts/4978324795518861/