Pakay ng National Disaster Risk Reduction Management and Council (NDRRMC) na turuan ang mga Pilipino lalo na ang kaguruan at mga mag-aaral na laging maging handa sa oras ng paglindol. Kaya naman sumunod ang Dalayap Elementary School (DES) sa ikalawang 'National Simultaneous Earthquake Drill' noong Hunyo 10, 2021.
Sinimulan ang Earthquake drill kaninang alas dos ng hapon sa pagtunog ng sirena na pinangunahan ng SDRRM Coordinator ng DES na si Bb. Jeanna Marie Felipe.
Lahat ng kaguruan na nasa loob ng paaralan pati na ang mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan ay naki "duck, cover, and hold" papunta sa quadrangle at ilalim ng kanilang mesa.
Kinomenda naman ng punongguro ng DES ang mga batang nakilahok dahil ito ay perpektong pagsasagawa upang maging handa ang lahat sa kung anumang sakuna ang dumating.
Ang susunod na mga 'quarterly earthquake drills' ay gagawin naman sa September 9, 2021, at November 11, 2021.