Smile Antique

  • Home
  • Smile Antique

Smile Antique Smile Antique is the oral health education arm of Philippine Dental Association- Antique Chapter.

14/12/2023

Have a tooth decay-free Christmas!

On July 21, 2023 the State of Public Health Emergency due to Covid 19 was lifted from our country due to favorable and i...
12/12/2023

On July 21, 2023 the State of Public Health Emergency due to Covid 19 was lifted from our country due to favorable and improving conditions. The pandemic has left mountains of medical waste due to many disposable items that need to be discarded. In an effort to reduce unnecessary waste, PDA-Antique is committed to reduce waste generation by waste reduction during the conduct of our activites. Single use medical items take 450 years to decompose and often end up as microplastics that pollute our oceans. If we can, we should use reusable items that can secure not just our lives today but the lives of many more generations.

In the spotlight- Dr. Joan Frances Javier Malacad- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

08/12/2023

Kinaray-a:
Pag abot sa toothpaste aton lantawon kung ja may tatak ka PDA-Philippine Dental Association, FDI-World Dental Federation ukon ADA-American Dental Association. May mga toothpaste man kita nga specific lang sa aton kundisyon patas ka whitening toothpaste, hypersensitivity toothpaste kag antibacterial toothpaste. Mas mayad nga mag mangkot kita sa aton dentista parte sa toothpaste nga dapat naton gamiton.

Tagalog:
Pagdating sa toothpaste, ating tingnan kung ito ay may tatak ng PDA-Philippine Dental Association, FDI-World Dental Federation o ADA-American Dental Association. May mga toothpaste din tayo na nakaformulate para sa ating kalagayan, gaya ng whitening toothpaste, hypersensitivity toothpaste at antibacterial toothpaste. Mas nakakabuti na magtanong tayo sa ating dentista tungkol sa uri ng toothpaste na dapat natin gamitin.

Alam niyo ba na nakakasama din ang laging pag iinom ng gamot para sa sumasakit nating ngipin. Isa sa mga iniiwasan ng la...
07/12/2023

Alam niyo ba na nakakasama din ang laging pag iinom ng gamot para sa sumasakit nating ngipin. Isa sa mga iniiwasan ng lahat ng mga health care professionals ay ang Antimicrobial Resistance o pagka-resistant ng mikrobyo laban sa mga antibiotics na nirereseta laban dito na minsan ay nauuwi sa magastos na pagpapaospital dahil sa impeksyon na hindi gumagaling o di naman kaya ay pagkamatay ng pasyente. Sa bagong guidelines ay kaagad na tinatangal ng dentista ang mga namamagang ngipin ng hindi na kinakailangan mag antibiotics para kaagad na maalis ang infected na ngipin, ngunit hindi ito applicable sa lahat ng pagkakataon.

In the spotlight- Dr. Ma. Lucil Bulac Chan- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Isa sa mga proyekto ng PDA-Antique ang pag adopt ng isang kommunidad para magbigay ng focused dental services at turuan ...
05/12/2023

Isa sa mga proyekto ng PDA-Antique ang pag adopt ng isang kommunidad para magbigay ng focused dental services at turuan at alagaan ang mga tao sa kommunidad sa loob ng tatlong taon hanggang sa sila ay maging orally fit at knowledgeable at maipapasa nila ang kaalaman na ito sa susunod na henerasyon. Ito ay higit na mas mabisa kumpara sa mga one time bunot dental mission ngunit limitado lang ang kakayahan ng chapter mag adopt dahil na rin sa limitadong resources at volunteer dentists. Higit na mahalaga pa rin ang pag focus sa preventive dental services dahil ang pagkabungi ay magastos (kinakailangan ng pustiso, bridge o implant), nakakaapekto sa ating pagsasalita(nakakasingaw magsalita), nakakaapekto sa ating pagnguya ng pagkain (hindi matunawan ng pagkain ang mga matatanda dahil sa kulang na bagang at payat at pandak ang mga bata natin dahil hindi makain sa bulok na ngipin), nakakaapekto sa ating ngiti (hirap mag smile dahil bungi) at higit sa lahat nagpapatunay sa kahinaan ng ating preventive oral health programs.

In the spotlight- Dr. Noime J. Acub- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Ang bunot o tooth extraction ang pinakahuling option na available sa pasyente para matanggal ang impeksyon at bulok na n...
30/11/2023

Ang bunot o tooth extraction ang pinakahuling option na available sa pasyente para matanggal ang impeksyon at bulok na ngipin sa ating katawan. Kung tayo ay nakakaluwag at may budget naman ay kaya pang maisalba ng mga dentistang may sapat na training ang karamihan sa ating mga bulok na ngipin. Maari tayong pumunta sa mga dentistang nagprapractice ng endodontics, periodontics at prosthodontics para maibalik sa maayos na kalagayan ang mga sobrang bulok nating ngipin.

In the spotlight- Dr. May Flor Mella Alcobilla-Medina- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Ang mga bata ay umaasa sa kanilang mga magulang pagdating sa kanilang oral health. Mahalaga ang papel ng magulang sa pag...
27/11/2023

Ang mga bata ay umaasa sa kanilang mga magulang pagdating sa kanilang oral health. Mahalaga ang papel ng magulang sa pagtuturo ng tamang oral hygiene habits para masiguradong mapanatiling malusog ang mga ngipin ng kanilang anak. Ang unang bisita din ng anak sa dentista ay nakasalalay sa magulang. Kapag tumubo na ang pinakaunang baby teeth ng ating anak ay dapat sinasanay na natin sila sa pabalik balik na punta sa dentista kada taon para maalagaan ang mga ngipin nila. Huwag gayahin ang pinakamali ng karamihang Antiqueño parents na dinadala lamang ang mga anak sa edad na 6 years old pataas para magpabunot ng permanenteng bagang. Tandaan na karapatan ng bawat bata ang magkaroon ng access sa healthcare gaya ng dental treatments.

In the spotlight- Dr. Celine Maria Sorilla Nebit- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

24/11/2023

Please lang po p**i share sa mga friendly neighborhood illegalista ninyo. Hahabulin at hahabulin sila ng batas.

Halos lahat ng pamilyang pilipino ay walang dental budget o hindi naglalaan ng pera para sa dental treatments. Laging hi...
24/11/2023

Halos lahat ng pamilyang pilipino ay walang dental budget o hindi naglalaan ng pera para sa dental treatments. Laging hindi priority ang dental treatment o kanilang oral health dahil nga naman natatakpan ng bibig ang ating mga ngipin. Pag dating sa ating oral health, hindi sapat ang wastong pagsisipilyo lang buong buhay mo para mapanatiling malusog ang iyong mga ngipin at gilagid. Mahalaga pa din ang regular na pagpapadentista para matingnan ang mga namumuong tartar, dumudugong gilagid, nakatagong cavities sa gilid ng ngipin at sa chewing surfaces nito at marami pang ibang dental conditions na naayos agad habang maaga pa.

In the spotlight- Dr. Rosie Jane Buenavista Magtupa- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Kung hindi natin nasanay sa pagpapadentista ang ating mga anak at lumaki ito sa paniniwalang bunot lang ang ginagawa ng ...
20/11/2023

Kung hindi natin nasanay sa pagpapadentista ang ating mga anak at lumaki ito sa paniniwalang bunot lang ang ginagawa ng dentista ay magiging magastos para sa atin ang pagpapayos ng kanilang ngipin sa hinaharap lalo na kung nagiging pabaya sila sa kanilang oral hygiene. Nakakalungkot man isipin pero kalimitang nangungutang ang mga pamilya para mapaayos ang ngipin ng kanilang mga anak para sa dental clearance sa kanilang trabaho na papasukin o kursong pagaaralan. Mabigat sa bulsa ang isang bagsakan na pagpapayos ng ngipin at kalimitang nakakabungi dahil mabilis nabubulok ang ngipin kapag ito ay napabayaan at hindi na kayang ayusin pa ng dentista kaya ito ay binubunot na lamang. Pag dating sa dental treatments, dapat tayo ay may budget at may habit.

In the spotlight- Dr. Mae Nen Cepeda Vedeja- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Isa sa mahalagang hangarin ng pagsasagawa ng mga public health projects ng PDA-Antique ay para maipamahagi ang kaalaman ...
16/11/2023

Isa sa mahalagang hangarin ng pagsasagawa ng mga public health projects ng PDA-Antique ay para maipamahagi ang kaalaman sa tamang pangangalaga ng ngipin at mawakasan na ang pagkabungi ng mga batang Antiqueño. Mahalaga na pangalagaan natin ang ngipin ng ating mga anak dahil magiging kapital nila ito sa kanilang hinaharap na trabaho. Mapa seaman, sundalo, pulis o bumbero ka man na nangangailangan ng dental clearance o di kaya ay future Lin-ay, flight attendant, model, artista, influencer o content creator, sa mga trabahong ito ay mas makakalamang ka kung maayos ang mga ngipin mo.

In the spotlight- Dr. Luzving Dela Cruz Escote-Juanitas- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Isa sa mga problema ka komunidad ang accessiblity sa dentista at ang affordability ng serbisyo para sa maralita. Pagdati...
13/11/2023

Isa sa mga problema ka komunidad ang accessiblity sa dentista at ang affordability ng serbisyo para sa maralita. Pagdating sa accesibility, makikita sa Smile Antique ang mga lehitimong dental clinic at dental facilities sa probinsiya na maaring puntahan ng mga pasyente. Beripikadong lisensiyado at updated ang mga PRC ID ng mga dentistang ito at sila ay umaatend sa mga seminars at conventions para masiguradong bago at naangkop ang mga treatment na mabibigay sa mga pasyente.

In the spotlight- Dr. Evangeline Pandoy Dalmino- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

13/11/2023
✅Ano ang Composite Restoration o Pasta?Ito ay isang restorative dental treatment kung saan tinatangal ng dentista ang bu...
07/11/2023

✅Ano ang Composite Restoration o Pasta?
Ito ay isang restorative dental treatment kung saan tinatangal ng dentista ang bulok na parte ng ngipin at nililinis ito para may mapaglagyan ang composite resin na papalit sa sirang parte ng ating ngipin.

✅Tumatagal ba ang pasta?
Oo, tumatagal ito ng average na 8 years kung tama ang pagaalaga natin dito at depende sa ating diet. Kung madalas naman natatangal o nababasag ang ating pasta, senyales ito na hindi dapat pasta ang ipang aayos ng ating ngipin dahil hindi nito kinakaya ang pwersa ng ating kagat. Mas maliit ang sira ng ngipin na pinapastahan ay mas tumatagal din ito.

✅Effective ba ang pasta?
Kaagapay ng good oral hygiene at regular na pagpapadentista para makita agad ang maliliit na sira ng ngipin ay epektibo ang pasta sa pagpapatagal ng ating mga ngipin. Ito ay dapat mas nagiging prayoridad natin kesa sa bunot na nagpapabungi lang sa atin.

✅Saan ko pwedeng ipapasta ang mga ngipin ko?
Para sa listahan ng mga lehitimong dental clinic at mga dentistang nagpapasta ng ngipin i click ang link:
https://www.facebook.com/100087225488466/posts/216007454650103/?mibextid=cr9u03

05/11/2023

Kinaray-a:
Ang fluoride ang isara sa mga mineral nga ginagamit ka mga dentista para mapapag-on ang ngipon naton. Indi lang sa toothpaste makita ang fluoride kundi pati sa mga pasta nga ginagamit ka dentista, sa mga mouthwash, sa mga supplements kag pati sa tubig. Ang pagpahid ka mga topical fluoride varnishes ka mga dentista, safe kag makabulig delay ka toothdecay sa aton mga kabataan. Ang libre nga fluoride nga ginagamit naton sa mga community programs halin sa Philippine Dental Association. Kung gusto ta man magpa fluoride ka aton mga bata ja available sa mga private dental clinics pero ja may bayad na.

Tagalog:
Ang fluoride ay isa sa mga mineral na ginagamit ng mga dentista para mapatibay ang mga ngipin natin. Hindi lang sa toothpaste makikita ang fluoride kundi pati na rin sa mga pasta na ginagamit ng mga dentista, sa mga mouthwash at sa mga supplements pati na rin sa tubig. Ang pagpahid ng mga topical fluoride varnishes ng mga dentista ay safe at makakatulong sa pagpapabagal ng tooth decay sa ating mga bata. Ang libreng fluoride na ginagamit natin sa community programs ay nagmula sa Philippine Dental Association. Kung gusto din nating magpafluoride ng ating mga anak, ito ay available sa mga pribadong dental clinics pero ito ay may bayad na.

Isa sa mga dahilan kung bakit isinusulong ng PDA-Antique ang agarang pagpapadentista lalo na kung ikaw ay may bulok na n...
04/11/2023

Isa sa mga dahilan kung bakit isinusulong ng PDA-Antique ang agarang pagpapadentista lalo na kung ikaw ay may bulok na ngipin dahil madalas makikita sa probinsiya natin ang mga komplikasyong dulot nito gaya ng pamamaga ng gilagid at buto ng panga, pamamaga ng mukha at mata, pamamaga ng puso at pagkamatay dahil sa pagkalat ng impeksyon sa utak. Ito ay mga komplikasyong maiiwasan naman talaga dapat kung tayo ay may alam at mabilis kumikilos.

In the spotlight- Dr. Hannah Joy Bejo-Acub- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Isa sa mga mission ng Philippine Dental Association ay : To promote oral health awareness and education to prevent and d...
29/10/2023

Isa sa mga mission ng Philippine Dental Association ay : To promote oral health awareness and education to prevent and decrease oral diseases in the Philippines. Naniniwala ang PDA-Antique na ang edukasyon patungkol sa oral health and diseases at proper toothbrushing ay hindi dapat ibinubuhos sa iisang adopted community lamang bagkus ito ay dapat ipanamamahagi sa buong kommunidad kung kaya ay nanawagan kami para sa inyong donasyong toothbrushes para mas marami pa kaming mapuntahan at maturuan na mga bata at kommunidad. Maari ninyong ibigay ang inyong donasyon sa mga dentista o sa PDA-Antique Chapter president.

In the spotlight- Dr. Mark Cameron J. Acub- please course your donation toothbrush through him so that we can help protect the smiles of our Antiqueño children. To those who have generously donated toothbrushes, maraming maraming salamat po! ❤️

25/10/2023

Kinaray-a:
Mga kasimanwa, mag andam kita sa pagbakal ka mga produkto nga hindi aprubado kang aton fda kag hindi safe patas kang moldable false teeth. May reported nga kaso na nga nagbanog ang ana mga ngipon hay hindi makakas ang moldable false teeth kag nagbaho ana baba hay ga trap ang pagkaon kag bacteria rugya.

Tagalog: Mga kababayan mag ingat tayo sa pagbili ng mga produkto na hindi aprobado ng ating fda at hindi safe katulad ng moldable false teeth. May reported na kaso na na namaga ang kanyang mga ngipin dahil hindi matangal ang moldable false teeth at bumaho ang kanyang bunganga dahil naiipon ang pagkain at bacteria dito.

Isa sa objectives ng Philippine Dental Association ay: To foster mutual respect and fellowship among dentists and with i...
24/10/2023

Isa sa objectives ng Philippine Dental Association ay: To foster mutual respect and fellowship among dentists and with individuals of Allied professions. Mahalaga na nakikipagtulungan ang dentista at miyembro ng allied medical profession gaya ng nurses, medical doctors, medical technologists, etc. sa layunin na gamutin at pagalingin ang pasyente at ang komunidad para mapanatiling produktibo at malusog ang mga mamamayan ng ating bansa.

In the spotlight- Dr. Joan Frances Javier Malacad- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Isa sa mission ng Philippine Dental Association ay: To collaborate with government and private healthcare institutions a...
23/10/2023

Isa sa mission ng Philippine Dental Association ay: To collaborate with government and private healthcare institutions and allied medical professionals for the delivery of oral health care services. Sa pangunguna ng Antique Medical Society ay natugunan ng Philippine Dental Association-Antique Chapter ang pangangailangang dental ng IP Community sa Brgy. Abaca, Tobias Fornier. Mahalaga ang kolaborasyon ng allied medical professionals para sa holistic na pagtugon ng pangangailangan ng mga underserved communities.

In the spotlight- Dr. May Flor M. Alcobilla-Medina- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Isa sa mga mission ng Philippine Dental Association ay : To ensure delivery of oral health care services to the unserved...
19/10/2023

Isa sa mga mission ng Philippine Dental Association ay : To ensure delivery of oral health care services to the unserved and underserved. Ang pagbibigay serbisyo ng PDA-Antique sa mga underserved IP community natin ay nakakatugon sa mission nito na makatulong sa maralita at nangangailangan. Kaya makakatulong ang pagtangkilik natin sa mga dentistang may busilak na kalooban na magserbisyo sa nangangailangan.

In the spotlight- Dr. Ma. Lucil Bulac Chan- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Minsan namamana ng anak ang habit o ang pagtuturo ng magulang sa kanya sa pagsisipilyo. Kung mali ang naituro ng magulan...
14/10/2023

Minsan namamana ng anak ang habit o ang pagtuturo ng magulang sa kanya sa pagsisipilyo. Kung mali ang naituro ng magulang ay kadalasan nasisira ang ngipin ng anak. Isa sa mga alituntunin ng wastong pagsisipilyo ay ang pagsisipilyo sa loob ng dalawang minuto. Huwag madaliin ang pagsisipilyo at siguraduhin na nasisipilyuhan lahat ng parte ng ngipin pati ang ating dila.

In the spotlight- Dr. Hannah C. Marquez-Guerra- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Para maging mabisa ang fluoride ay dapat matagal itong nakadikit sa ating mga ngipin kaya pinapayo na ng mga dentista na...
12/10/2023

Para maging mabisa ang fluoride ay dapat matagal itong nakadikit sa ating mga ngipin kaya pinapayo na ng mga dentista na huwag na magmumog at dumura na lang pagkatapos magsipilyo para mas matagal naka babad sa fluoride ang ating mga ngipin. Ang fluoride na pinapahid ng dentista ay mas makapit at mas mataas ang concentration para matulungan pa tumibay ang ngipin natin. Bata ka man o matanda, hindi hadlang ang edad sa pagpapafluoride kaagapay ng wastong oral hygiene para mapanatiling maganda ang ating oral health.

In the spotlight- Dr. Hanna Joy Bejo-Acub- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Pag dating sa pagsisipilyo, dapat ay hindi natin pinapabayaan at patuloy na ginagabayan ang ating anak hanggang edad 8 t...
10/10/2023

Pag dating sa pagsisipilyo, dapat ay hindi natin pinapabayaan at patuloy na ginagabayan ang ating anak hanggang edad 8 taon para masigurado nating natanim na natin ang wastong habit ng pagsisipilyo at maayos niya itong isinasagawa araw araw. Ang wastong pagsisipilyo kasama ang pagpapadentista ay susi sa malusog at magandang ngiti.

In the spotlight- Dr.Romelie Catalina Loise F. Javier- we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

✅Ano ang Dental Sealant?Ito ay isang preventive dental treatment kung saan siniseal o sinasarhan ang malalalim na parte ...
08/10/2023

✅Ano ang Dental Sealant?
Ito ay isang preventive dental treatment kung saan siniseal o sinasarhan ang malalalim na parte o grooves ng ating mga bagang o premolar para hindi ito madaling matambakan ng matatamis at pagkain para hindi ito masira.

✅Tumatagal ba ang dental sealant?
Oo, tumatagal ito ng 4-9 na taon depende sa diet at pag aalaga ng bata. Kung matitigas ang kinakain ng ating anak ay mabilis itong napupudpod. Sa 4-9 na taon na nakasealant ang bagang ng ating anak ay magandang investment na ito kung siya ay hindi nasiraan ng ngipin. Kung ito ay natangal naman ay papalitan lang ulit ito ng bago kesa pag ang bagang ay nasira at pinabunot, pustiso na ang kapalit nito.

✅Effective ba ang dental sealant?
Kaagapay ng good oral hygiene ay epektibo ang dental sealant sa pagpigil ng pagkabunot ng bagang ng ating mga anak na kalimitang nangyayari sa mga bata dito sa probinsiya ng Antique. Malamang isa kang magulang na kulang kulang na ang bagang at nais mo ding hindi matulad sa iyo ang anak mo.

✅Saan ko pwedeng ipa dental sealant ang anak ko?
Para sa listahan ng mga lehitimong dental clinic at mga dentistang naglalagay ng dental sealant i click ang link:
https://www.facebook.com/100087225488466/posts/216007454650103/?mibextid=cr9u03

Bilang magulang ay nakakaligtaan din natin minsan dalhin sa dentista ang ating mga anak dahil sa dami ng mga bagay na ki...
07/10/2023

Bilang magulang ay nakakaligtaan din natin minsan dalhin sa dentista ang ating mga anak dahil sa dami ng mga bagay na kinakailangan natin asikasuhin. Mainam na mag set tayo ng schedule o araw taon taon para sa pagpapadentista kung saan tayo ay nagpapa preventive dental services sa dentista gaya ng cleaning, sealant, pasta at fluoride para maitaguyod natin ang mabuting habit ng pagpapadentista at pangangalaga sa ating mga ngipin hanggang pagtanda. Kahit kapos pa tayo sa budget ay mainam pa din na ito ay unti unti nating nasisimulan gaano man kaliit ang hakbang.

In the spotlight- Dr. Noime J. Acub, we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

07/10/2023

Kinaray-a: Ang aton pagpaayos ka aton guba nga ngipon nagaumpisa sa insakto nga pag budget. Kung wara kita naga laan ka budget para sa dental services kada tuig, sigurado nga wara guid kita nagapa dentista or wara kita ti plano magpadentista, amo dya naga resulta ka pagkabungi kag pagpangutang kung kita naga padentista lang para magpabunot. Importante nga may dental treatment fund kita every year para sa pagpapa dentista hay ang ngipon naton kinahanglan naton para magkadlaw, makakaon kag makahambal ka mayad.

Tagalog: Ang ating pagpapaayos ng ating sirang ngipin ay nagsisimula sa wastong pagbubudget. Kung hindi tayo naglalaan ng budget para sa dental services kada taon, siguradong hindi tayo nagpapadentista o wala tayong planong magpadentista, kaya ito ay nagreresulta sa ating pagkabungi at pangungutang kung tayo ay nagpapadentista lang para magpabunot. Importante na may dental treatment fund tayo kada taon para sa pagpapadentista dahil ang ngipin ay kailangan natin para makangiti, makakain at makasalita ng maayos.

04/10/2023

Mga kasimanwa, may kilala bala kamo nga gapanakod ka peke nga braces? Aton bantayan ang aton mga kabataan nga hindi mabiktima ka mga illegalista para malikawan ang peligro ka mga peke nga braces patas ka lead poisoning, heavy metal poisoning, bleeding gums, loose teeth (pagkauga ka ngipon) kag malocclusion (sala nga kagat). Pirme ginabiktima ang mga teenagers kag young adults ka mga cheapipay nga presyo ka fake braces agod tanda magpatakod man kag makasunod sa uso. Aton tandaan nga ang pagtakod ka braces ka mga taho nga hindi lisensiyado nga dentista may multa nga ₱500,000 kag pagka preso nga 5 ka tuig. Perwisyo sa mga biktima ang pagtakod ka peke nga braces, gani i report naton sa Smile Antique ang mga aktibidad ka mga illegalista.

04/10/2023

Kinaray-a:
Pwede bala hindi maguba ang bag-ang kang akon bata? Huod, pwede, sa pag apply ka dentista ka dental sealant para hindi magtambak ang mga pagkaon sa chewing surface ka anda onto.

Tagalog:
Pwede ba hindi masira ang mga bagang nga aking anak? Oo pwede, sa pag apply ng dental sealant para hindi matambak ang mga pagkain sa chewing surface ng kanilang ngipin.

Ang ating mga government dentists ang nakatalaga para magbigay serbisyo sa mga nasa laylayan. Dapat ay hindi natin kinak...
24/09/2023

Ang ating mga government dentists ang nakatalaga para magbigay serbisyo sa mga nasa laylayan. Dapat ay hindi natin kinakalimutan alagaan ang ating mga ngipin dahil ang ano mang impeksyon na nagsisimula dito ay maaring kumalat sa ibat ibang parte ng ating katawan. Ang mga halimbawa nito ay brain abscess(impeksyon ng utak), infective endocarditis(pamamaga ng puso), ludwigs angina (pamamaga ng leeg), cellulitis and oral cutaneous fistula (pamamaga ng pisngi at pagkabutas nito). Huwag balewalain ang simpleng bulok na ngipin dahil marami na ang nasawi dahil sa pagmamaliit nito.
In the spotlight- Dr. Hannah C. Marquez-Guerra, we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

22/09/2023

Kinaray-a: Ang bata nga gintudluan kag gin gabayan sa insakto nga pag alaga ka ngipon, sigurado nga magabahol nga kumpleto pa ang ngipon. Amo rian mommy kag daddy, kun ano ang baba ka imo bata, resulta rian ka inyo pag tudlo kag pag alaga kananda.

Tagalog: Ang bata na tinuruan at ginabayan sa tamang pag aalaga ng ngipin, ay siguradong lalaki na kumpleto pa ang ngipin. Kaya mommy at daddy, kung ano ang bunganga ng iyong anak, resulta ito ng inyong pagturo at pag aalaga sa kanila.

Pagdating sa mga dental mission, ang ating provincial government sa pamamagitan ng provincial health office ang nangungu...
19/09/2023

Pagdating sa mga dental mission, ang ating provincial government sa pamamagitan ng provincial health office ang nangunguna sa pagpapadala ng mga public dentists sa lugar na nangangailang ng serbisyong dental. Mahalaga ang mga polisiya at pagtugon ng ating gobyernong probinsiyal sa mga pangangailangan ng ating mga mamayan sa pangunguna ng ating gobernadora dahil napaparating ang mga serbisyong kinakailangan sa mga lugar na may kakulangan.
In the spotlight- Dr. Dinnah Vi M. Guerra, we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

15/09/2023

Kinaray-a: Bad breath ukon baho nga ginhawa ang isara man sa rason kung andot kita nagapadentista. Ang bad breath nagahalin sa mga kagaw nga nagarako sa aton baba, pero kalabanan nagatinir ja sa aton dila kag bulok nga unto. Importante nga kita nagapacleaning kag nagapagabot ka bulok nga unto para kita hindi magka bad breath.

Tagalog: Bad breath o mabahong hininga ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagpapadentista. Ang bad breath ay galing sa mga mikrobyo na dumadami sa ating bunganga, pero kalimitan ay namamahay ang mga ito sa ating dila at bulok na ngipin. Importante na tayo ay nagpapalinis ng mga ngipin at nagpapabunot ng bulok na ngipin para hindi tayo magka bad breath.

Isa sa nakakalungkot na ugali na namamana natin sa ating mga nakatatanda ay ang pagpunta lamang sa dentista kung sumasak...
13/09/2023

Isa sa nakakalungkot na ugali na namamana natin sa ating mga nakatatanda ay ang pagpunta lamang sa dentista kung sumasakit ang ngipin natin, dahil dito nagiging bungi ang mga anak at apo ng buong angkan. Isa sa isinusulong ng Philippine Dental Association ay ang regular na pagpapadentista para ipaayos ang mga bulok na ngipin at ituwid ang maling nakaugaliaan ng pagpapabunot lamang para ang susunod na henerasyon ay may malusog at magandang ngiti.
In the spotlight- Dr. Hanna Joy D. Bejo-Acub, we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Isa sa mga responsibilidad ng mga dentista ang pag update ng kanilang kaalaman para naayon ito sa mga makabagong pamamar...
08/09/2023

Isa sa mga responsibilidad ng mga dentista ang pag update ng kanilang kaalaman para naayon ito sa mga makabagong pamamaraan ng pag gamot at pag diagnose. Sa pagtangkilik ng mga aktibong miyembro ng PDA-Antique ay nakakasigurado kayong sila ay sumusunod sa code of ethics ng mga dentista para sa kapakanan ng kanilang mga pasyente.

Tayo ay nagpapasalamat sa Philippine Dental Association dahil sa kanilang commitment magpadala ng mga eksperto sa ating munting probinsiya para ibahagi ang mga kaalaman na makakatulong sa ating mga dentista. Makikita sa larawan si Dr. Mariusse Chars R. Esquillo, isang oral and maxillofacial surgeon na espesyalista sa pagsasagawa ng surgery sa ating bunganga na nagbibigay ng lecture patungkol sa oral surgery.

Marami pa din ang hindi nakakabalik sa Dentista para magpaayos ng ngipin simula ng Pandemic. Ito ay nagresulta sa pagdam...
06/09/2023

Marami pa din ang hindi nakakabalik sa Dentista para magpaayos ng ngipin simula ng Pandemic. Ito ay nagresulta sa pagdami ng bulok na ngipin na hindi na kaya pang pastahan at kinakailangan na i root canal treatment o bunutin. Mahalaga na tayo ay nagpapayos muli ng ngipin sa dentista para maiwasan natin ang mga komplikasyon na magastos gamutin at tayo ay mabungi.
In the spotlight- Dr. Joan Frances Javier Malacad, we appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that have a positive impact to the community.

Ang bulok na ngipin ay isa sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga Antiqueno ang nagkakaroon ng sakit sa puso o ti...
04/09/2023

Ang bulok na ngipin ay isa sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga Antiqueno ang nagkakaroon ng sakit sa puso o tinatawag na infective endocarditis. Ang mikrobyo galing sa ating mga bulok na ngipin kapag napabayaan ay kumakalat sa ating blood stream at tumatambay sa ating puso na nagiging sanhi ng pamamaga nito at pagkasira ng ating heart valves. Mas mainam na pinapapastahan kaagad natin ang maliit na sira ng ngipin at kung ito naman ay namamaga na o sobrang bulok na ay pinapatanggal sa pamamagitan ng bunot. Ugaliin pa din ang regular na pagpapadentista mapa public o private dentist man. Huwag na huwag umasa sa dental mission dahil ito ay limitado lamang. Pagdating sa bulok na ngipin, mas ligtas ka kapag ikaw ay mabilis umaksyon.
On the spotlight: Dr. Ma. Esperanza Soledad Rios Sumande- We appreciate our volunteer dentist for conducting oral health programs that bring a positive impact to the community.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Smile Antique posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share