LoveLies

LoveLies Love Lies is all about Love That ends to Failing

29/11/2019

Wag kayung maglokohan ano ba
Kung mahal mo paren sya at mahal ka paren nya ipaglaban nyo

27/11/2019

Crush as a Friend...

Sa unang tingin ko palang sayu
Nahulog na ang puso ko
Napaamo muna parang a*o
Asong ikaw lang ang amo

Gusto kong sabihin sayu ang nararamdaman ko
Gusto kong sabihin na may gusto ako sayu
Pero wala ako magawa
Naunahan ng kaba

Sa araw araw umaasa na akoy pansinin
Sa araw araw umaasa na akoy dinggin
Sa araw araw umaasa na kahit isang tingin
Tingin lang kontento na ako binibini

Pansinin mo sana ang nararamdaman ko
Wag mo na sana pahirapan ang puso ko
Pls pakiusap sinta ko
Pagbigyan mo ako

At yun nga dumating na
Ang araw na akoy handa na
Handa na sabihin sayu ang nararamdaman
Nararamdaman ng puso ko na ikaw lang ang akibg kasiyahan

Ako paunting unti lumalapit sayo
Paunti unting kumakabog ang dibdib ko
At nung nabigay at sinabi ko na sayu
Ang mga salitang lumabas sa bibig mo

Ay pasensya na pero hanggang kaibigan lang tayu
Nung narinig ko ang mga salitang lumabas sa bibig mo
Tumigil ang mundo ko
Unti unting napupunit ang puso

Tingin mo lang pala saken ay isang kaibigan
D man lang umabot sa mag ka-ibigan
Durog wasak ang puso ko
D ko malilimutan ang araw na to

Sana hindi ko nalang sinabi sayu
Ang nararamdaman ko
Para buo pa ang puso
Para hindi na tumulo

Tumulo ang ulan
Ulan na nagpapahiwatig ng kabiguhan
Crush as a Friend lang pala ako sayu
Akala ko may gusto karen sa pagkatao ko

Crush ang sakit
Nawala ang panaginip
Matay unti unting pumipikit
Lungkot ay sumisilip

Crush is just a crush
Your heart will be smash
So dont get excited
First you need to be defeated

27/11/2019

Marupok...

SIMULA
Simulan natin sa Simula
Kung saan ang dalawa
Ay nagtagpo at nag kasama
Na akalaing wala ng makakaawat pa

Lahat ay kanyang binigay
Pati buhay ay kanyang inalay
Para lang sa taong nagbigay ng kulay
Sa mundo at kanyang buhay

Pero meron dapat tayong pakakatandaan
Sa una ay may kasiyahan na di makakalimutan
Pero sa huli ay may matinding kalungkutan
Na malabo mong hindi iyakan

Kung sino ang iyong unang pinaglaanan
Ay siya rin ang unang magpaparanas sayo ng sakit na hindi mo makakalimutan
Lahat naman ay ganyan
Sabi nga sa una sa una lang sa huli ay sya na ang huli

Huli dahil sya na ang nakatakda
Nakatakda mong makasama
Hanggang sa pag tanda
Hanggang sa huling hininga

GITNA
Gitna ng pag sasama ng dalawa
Gitna na kung saan nag ka problema
Gitna na nararamdmam mo na sa
Gitna na parang nagsasawa na

Pero d ka nag sawa na mahalin sya
Kahit alam mo na meron na syang iba
Ikaw parin ay nagpakatanga
Ikaw parin ay umaasa na ikaw pa

Ikaw pa ang nagiisa sa puso nya
Ikaw na,Ikaw na,Ikaw pa
Kahit nakita muna na sila ay magkasama
Binalewala mo lang basta may halaga ka pa sa kanya

Kahit katabi mona
Ang babaeng kanyang kinkasama
Kahit Pinakilla na sayo
Balewala lang sayo

Yumakap sya,Yumakap karin
Pinabayaan mo parin
Dahil ayaw mo syang mawala,malayo
Mawala,malayo siya sayo

Wakas
Nang yare na ang wakas
At sa wakas,at sa wakas
Naintindihan mo na
Na ikaw ay isang tanga

Tanga na hinahabol ang isang taong masmasaya na sa piling ng iba
Tanga na humahabol ng pag asa
Na pwede pa,na meron pa
Kayong dalawa,Kayong dalawa

Naintindihan mona na wala ng pag asa
Ikaw ay nag paraya para lang sakanya
Ikaw ay umiyak,nasaktan,nadurog ang puso
Pero alam mona meron pang taong nakatadhana sayo

Mag mamahal sayo ng totoo
Gagawin kang mundo
Gagawin kang princessa
Gagawin kang reyna ng buhay niya

Hindi ka ipag papalit sa iba
Hindi mag hahanap ng iba
Ikaw lang ang mundo nya
Ikaw ang musica sa kanyang tenga

D kana isang marupok na tao
Dahil handa kana kung ano man ang mangyayare sayo
Sa tatahakin mong mundo
Sa tatahakin mong panibagong yugto

Yugto ng iyong buhay.....

Ano man ang kakalabasan
Ay kaya mo ng harapin at kalimutan
Yan ang aral na dapat matutunan
Ng mga taong may pinag lalaan

Isa lang ang payo ko
Pag ayaw na sayo
Pakawalan mona
Ipaobaya mo na sa iba

Ipakita mo sa kaniya na
Sina yang niya,tinapon niya
Ang pusong nag mahal sakanya
Ng tunay at tapat......walang sasapat

27/11/2019

Bakit..

Nag tataka ako
Kung bakit sayo
Napaibig ang puso
Pusong sinaktan mo

Pinaiyak mo
Dinurog mo
Sinugatan mo
Inapakapakan mo

Ano ba ang nagawa ko
Kung kaya't iniwan mo ako
Na parang basura na tinapon mo
Kung saan saan mo gusto

Nagtataka ako

Bakit ikaw pa

Bakit ikaw pa ang sumuko
Lahat naman ay ginawa ko
Basta't wag lang maging malabo
Ang nararamdaman mo

Pwede pa bang balikan
Ang ating nakaraan
Na kung saan
Tayu'y nag mamahalan

Nagmamahalan ng tunay
Na kung saan ang isa't isa ay ginawa ng kulay
Kulay sa parehong buhay

Lagi kong iniisip
Ang iyong napakagandang tinig
Tinig na kay lamig sa pandinig
Tinig na gusto kong marinig

Bakit ikaw pa

Bakit ikaw pa ang tumalikod
Sa dalawang pusong naglilingkod

Bakit ikaw pa

Bakit ikaw pa ang pomutol
Bakit ikaw pa ang nag pa suhol
Bakit ikaw pa ang bumitaw
Bakit ikaw pa ang nag patigil sa araw
Bakit ikaw pa ang sumira
Bakit ikaw pa ang nawalan ng pag asa
Bakit ikaw pa ang bumaba
Bakit ikaw pa ang dumapa

Bakit,Bakit,Bakit
Bakit ikaw pa,Bakit ikaw pa

Bakit mo ito nagawa
D ka pa ba masaya
Sa ating dalawa
Kaya't pinili mo na mapasakanya

Tanong ko sayo
Nag kulang bako
Nag pabaya bako
Kaya Ganito

Lahat naman ay ibinigay ko
Oras ko,buhay ko,lahat ng meron ako
Ay nasasayo,walang wala na ako
Ano bang meron sya na wala ako

Mayaman ba sya
Mas gwapo ba sya
Mas masaya ba syang kasama
Mas maayos ba sya

Pwede bang sabihin mo na
Para itigil ko na
Itigil na ang pagpapakatanga
Tanga na hinahabol pa ang may mahal ng iba

Sabihin mo na
Para hindi na umasa
Na meron pang pagasa
Tayong dalawa

Wala na ba talaga
Suko ka na ba talaga

Kung ganon sige pag bibigyan kita
Pagbibigyan kita dahil mahal kita
Ako na ang mag paparaya
Para lang maging masaya ka

Sana wag kang mag sisi sa pagpili mo sa kanya
Maging masaya ka sana sa piling nya
Wag sana mangyarin sa inyo ang nangyari saating dalawa
Sana kayong dalawa ay maging masaya

Kung maghiwalay man kayong dalawa
Tandaan mo sana sinta

Nandito ako,naghihintay sayo
Handang ibigin ang isang katulad mo

Paalam sinta ko
Hanggang sa muli nating pagtatagpo

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LoveLies posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share