TFK Broadcasting System Inc.

  • Home
  • TFK Broadcasting System Inc.

TFK Broadcasting System Inc. TFK - Broadcasting Systems Inc. (official FB Page )
COMPANY REG. NO.: 2022050053442-07
(1)

25/07/2024

The inability of Metro Manila's flood control measures to stop flooding caused by Typhoon Carina will be looked at by the House Committee on Metro Manila Development.

Watch in YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=7xOIIN8rAOA

25/07/2024

HOME GROWN SCHOOL FEEDING PROGRAM INILUNSAD NG WORLD FOOD PROGRAMME AT MBHTE-BARMM.

Cotabato City - Inilunsad ng World Food Programme at ng Ministry of Basic,Higher and Technical Education(MBHTE) ang Home Grown School Feeding Program sa pakikipagtulungan ng MAFAR,MOH,Local Government Units at iba pa na pinangunahan ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City, BARMM kahapon araw ng Martes ika 23 ng Hulyo 2024.

Ang programang ito ay dinaluhan nina Matanog MDN Mayor Zohria Bansil G**o, Sultan Mastura MDN Mayor Zulficar Doc B**g Panda at Datu Blah Sinsuat MDN Mayor Marshall Sinsuat,Deputy Country Director,WFP Philippines Mr.Dipayan Bhattacharyya,Minister of Economic Affairs Minister Daisuke Nihei,MBHTE Director Johnny Balawag at iba pa.

Kasabay ang pag handover ng Fortified Rice at Cooking Utensils,Gulayan sa Paaralan Tools and Seed, Funding Support for co-implementation, Procurement of agri-products to support HGSF at Deworming Tablets na ang nakabenepisyo ay sa mga paaralan ng bayan ng Datu Blah Sinsuat,Matanog MDN, Sultan Mastura, North Upi,South Upi,Datu Saudi Ampatuan at Datu Abdullah Sangki Municipality.

Ito ay may layunin na ma-promote ang nutrisyon sa lahat ng mga paaralan at ng matutukan ang malnutrisyon ng mga batang nag aaral. At mayroon School Meals Programe Cycle Menu na binubuo ng ibat ibang grupo ng mga pagkain upang ito ang sundin sa pagpapakain sa mga bata,at ito ay ang mga sumusunod;

*Week 1..
Ginataang Monggo
Tinolang manok
Ginisang isda at gulay
Sabaw na isda
Ginataang isda

*Week 2..
Langka na may isda
Ginataang kalabasa
Apritadang manok
Tinolang isda
Ginataang manok

Week 3..
Ginataang Monggo
Gulay at dilis
Tinolang manok
Tinolang isda
Sari -saring gulay

Week 4..
Tuna isda at Gabi
Manok at Monggo
Ginataang manok
Sari-saring gulay-manok
Gulay at isda

Samantala,ayon kay Mayor B**g Panda malaking tulong at impact ito sa kanyang nasasakupan dahil ang nutrisyon ay mahalaga upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga bata.Buong pasasalamat ni Mayor dahil isa sa nakabenepisyo ng programang ito ay ang bayan ng Sultan Mastura Maguindanao Del Norte.

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

CSO NANANAWAGAN NA HUWAG PAKIALAMAN ANG AUTONOMIYA NG BARMM.Nagpatawag ng pulong balitaan o Press Conference ang Civil S...
23/07/2024

CSO NANANAWAGAN NA HUWAG PAKIALAMAN ANG AUTONOMIYA NG BARMM.

Nagpatawag ng pulong balitaan o Press Conference ang Civil Society Organization tungkol sa pagrespeto sa liderato ng BARMM at pangingialam sa Bangsamoro Affairs.

Nasa programa sina Save Sulu Movement Sahie Udjah, MWDECC Jehan Amella-Usop, CSO-MMG Datuan Magon, MPC Dr.Mahdie Amella at LBO President Hashim Manticayan na ginanap sa Nursalam Hall, Alnor Convention Center, Cotabato City, Hulyo 22,2024.

Matatandaan noong Hulyo 2,2024 ay iilan sa mga Alkalde ng Probinsya ng Lanao Del Sur ay nag isyu ng Manifesto sa pagsuporta kay Mayor Raida Maglangit sa kanyang mga akusasyon laban kay Governor Reynaldo Tamayo Jr. kaugnay sa darating na Parliamentary Election ng BARMM.

Nananawagan ang mga CSO's na hindi dapat pakialaman ng National ang Bangsamoro Affairs upang maprotektahan ang autonomiya na narating ng BARMM dahil isa itong bunga ng negosasyon at agreement kaya nabuo ang BARMM.

Hinihimok ng CSO ang mga pinuno na ituon ang kanilang oras, lakas at mapagkukunan para sa layuning ito. At napakahalaga umanong protektahan ng malayang pagpili ang mga taong Bangsamoro sa pagpili ng mga regular na miyembro ng Parliyamento.

633 Civil Society Organizations umano ang full support sa panawagan ayon kay LBO President Hashim Manticayan. Hindi lang umanong panawagan sa pangingialam sa BARMM kundi pati na rin sa pagpapalawig ng BTA Election.

Ngunit hindi man mapalawig ang eleksyon ay handang handa na umano ang ibat ibang partido na sasabak sa darating na Parliamentary Election sa taong 2025.

At sa Voters Education naman ayon kay Dr. Mahdie Amella ay nagsimula na ito dahil tuturuan lamang umano ang mga tao kung paano ang proseso ng pagboto na ayon din sa nakasaad sa Bangsamoro Electoral Code.

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

Bangsamoro Party (BaPa) General Assembly.Matagumpay na naidaos ang kauna-unahang General Assembly ng Bangsamoro Party (B...
21/07/2024

Bangsamoro Party (BaPa) General Assembly.

Matagumpay na naidaos ang kauna-unahang General Assembly ng Bangsamoro Party (BaPa) ng Lanao Del Sur at Marawi City Chapter na pinamumunuan ni BaPa Chairman Sultan Abduljabbar 'Africa' Mamoclo na ginanap sa Barangay Manalocon,Talub, Masiu Lanao Del Sur kahapon araw ng Sabado ika 20 ng Hulyo 2024.

Mahigit 6,000 na mga supporters ang dumalo sa naturang pagtitipon. Dumalo Sina BaPa President at MOLE Minister Datu Muslimin G. Sema, MP Atty. Omar Yasser Sema, MP Romeo Sema,MP Hatimil Hassan, MP Adzfar Usman, MP Jac Jakilan, MP Ali Babao,MTIT Minister Abuamri Taddik at marami pang iba.

Maituturing ni Chairman Kumander Africa na isa itong Historical and Memorable na pagtitipon sa kanyang nasasakupan kaya siya ay lubos na nagpapasalamat sa pamunuan ng Bangsamoro Party dahil sa tulong at suporta na binigay sa kanila at sa lahat ng tumulong para maging matagumpay ang pagtitipon na ito.

At aasahang magsasagawa muli ang partidong BaPa ng General Assembly sa Island Provinces.

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

For news and more, follow us on TikTok
20/07/2024

For news and more, follow us on TikTok

0 Followers, 0 Following, 0 Likes - Watch awesome short videos created by TFK Broadcasting Systems Inc

Tingnan l Mga paghahanda ng Bangsamoro Party (BaPa) sa isasagawang  General Assembly ng BaPa Lanao Del Sur at Marawi Cit...
19/07/2024

Tingnan l Mga paghahanda ng Bangsamoro Party (BaPa) sa isasagawang General Assembly ng BaPa Lanao Del Sur at Marawi City Chapter bukas,araw ng Sabado,Hulyo 20,2024 na gaganapin sa Barangay Manolocon, Talub,Masiu Lanao Del Sur.

Pinangunahan ni BaPa Chairman ng Lanao Del Sur at Marawi City Sultan Abduljabbar 'Africa' Mamoclo at aasahang libo-libong supporters ang dadalo sa pagtitipon.

Aasahan din ang pagdalo ni BaPa President at MOLE Minister Datu Muslimin Sema, MP Romeo Sema, MP Atty. Mohammad Yasser Sema,MP Hatimil Hassan,MP Faisal Karon, MP Adzfar Usman, BWC Chairperson Hadja Bainon Karon at iba pa.

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

18/07/2024

MANILA, Philippines — Vice President Sara Duterte said she had no regrets about her two years in charge of the largest bureaucracy in the nation on her last day as secretary of the Department of Education.

Watch on YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=liQZ4im53go

18/07/2024
PROBINSYA NG MAGUINDANAO DEL SUR,NAMAHAGI NG RELIEF ASSISTANCE SA BAYAN NG PAGALUNGAN.Kahapon,araw ng Miyerkules ika 17 ...
18/07/2024

PROBINSYA NG MAGUINDANAO DEL SUR,NAMAHAGI NG RELIEF ASSISTANCE SA BAYAN NG PAGALUNGAN.

Kahapon,araw ng Miyerkules ika 17 ng Hulyo 2024 ay binisita ni Maguindanao Del Sur,Agila ng Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang bayan ng Pagalungan Maguindanao Del Sur upang mamahagi ng relief assistance,food packs at iba pa para sa mga naapektuhan ng kalamidad o pagbaha sa bayan na ginanap sa Public Market ng naturang bayan na kung saan doon napunta ang mga residente.

Nag alay din ang Probinsya ng Maguindanao Del Norte ng Medical Mission kung saan daan-daang residente ang nakabenepisyo nito. Sa ngayon ay abot na sa 11,533 households ang apektado ng kalamidad at 46,132 mga apektadong indibidwal sa 12 Barangays ng bayan.

Mainit na sinalubong at buong pasasalamat ng LGU Pagalungan sa pamumuno ni Mayor Salik Mamasabulod at Vice Mayor Abdillah Mamasabulod kay Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa binigay na tulong at suporta sa kanilang bayan dahil Isa sa matinding naapektuhan ng kalamidad ay ang bayan ng Pagalungan, Maguindanao Del Sur.

Kasama naman ng Agila ng Maguindanao ang kanyang Bise Gobernador na si Hon. Datu Nathaniel Midtimbang at mga Board Members nito.

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

17/07/2024

Muling pinagtibay ng Department of Finance ang kanilang posisyon na ipagbawal ang Philippine Offshore gambling Operators, o POGO, na sinasabing ang taunang gastos sa bansa para manatiling bukas ang mga gambling hub ay 99.52 bilyon pesos.

Watch on YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=rlaThQ5lwSo

CELEBRATION OF BANGSAMORO FARMERS AND FISHERFOLKS WEEK:911 Land Owners ang nakabenepisyo mula sa Tawi -Tawi, Sulu, Magui...
17/07/2024

CELEBRATION OF BANGSAMORO FARMERS AND FISHERFOLKS WEEK:

911 Land Owners ang nakabenepisyo mula sa Tawi -Tawi, Sulu, Maguindanao at Special Geographic Area ng Certificate of Land Owners Award (CLOA) titles na kung saan matagal na itong pinangarap ng mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupa para sa pagsasaka nila at ng maging maginhawa ang kanilang kabuhayan.

Sa selebrasyon ng Bangsamoro Farmers and Fisherfolks Week na nagsimula ngayong araw ng Martes ika 16 ng Hulyo 2024 na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City, ay namahagi ang BARMM Government sa pakikipagtulungan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng Agricultural Services gaya ng Corn Seeds at Fertilizers sa mga magsasakang nasalanta ng bagyong Paeng sa Maguindanao Del Norte.

Namahagi na rin ng (7) pitong Farm Tractors at kasabay na rin ang pagbibigay ng mga nag aplay sa MAFAR Loan For The Enhancement Of Necessary Development Strategies (MAFARLENDS). Ito ay ang pag loan ng 100,000 Pesos sa MAFAR na walang interest at babayaran sa loob ng (3) Tatlong taon. At mayroon na din MAFARLENGKE na naka display ang ibat ibang produkto na ipinamamalas ng mga kooperatiba ng rehiyong Bangsamoro.

Ang naturang Programa ay pinangunahan mismo ni BARMM Chief Minister Ahod Murad Ebrahim Al Hadj at MAFAR Minister Mohammad Yacob. At dumalo Sina BTA Member of Parliament Matarul Estino, MP Eddie Alih, MP Rasul Esmael, MP Jamel Macacua at ang mga bisita galing sa Department of Agrarian Reform.

Ayon kay CM Ahod Murad Ebrahim Al Hadj na ang mga Agrarian Reform ay backbone ng pag unlad ng ekonomiya at Sila umano ang bumubuhay sa mga mamamayan, kaya ang BARMM Government ay mananatiling tutulong at susuporta para sa mga magsasaka at mangingisda.At kanilang ibibigay kung ano ang nararapat sa kanila.

"Repormang Agraryo, Aarangkada sa Bangsamoro".

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

17/07/2024
16/07/2024

STREET FLOODING

LOOK: Nakasinati sa pagbaha sa kadalanan duol sa St. Mary sa Buhangin, Davao City atol sa kusog nga pag-ulan karong gabii, Hulyo 16, 2024.

Sumala sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (DCDRRMO) ang pag-ulan sa syudad kay epekto sa weather systems nga Low Pressure Area (LPA) ug Southwest Monsoon.

Amping, Dabawenyos!!

📸 ADMIN

16/07/2024

TFK News July 15, 2024 - Castro - Ocampo found guilty of RA 7610

Representative Satur Ocampo and Representative France Castro of the ACT Teachers Party were found guilty of child abuse charges by the Tagum City Regional Trial Court (RTC) in connection with the 2018 incident involving "lumad" (indigenous) pupils in Mindanao.

Watch on YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=IylNkpn75SI


TRADE FAIR NG BAYAN NG SULTAN KUDARAT,PORMAL NG BINUKSAN SA PUBLIKO.Sa Pagdiriwang ng ika 77th Founding Anniversary ng B...
16/07/2024

TRADE FAIR NG BAYAN NG SULTAN KUDARAT,PORMAL NG BINUKSAN SA PUBLIKO.

Sa Pagdiriwang ng ika 77th Founding Anniversary ng Bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte ay pormal ng binuksan sa Publiko ang Trade Fair na may nakahilerang ibat ibang produkto na ipinagmamalaki ng Kudarateños.

Pinangunahan ni Sultan Kudarat MDN Mayor Datu Tucao Mastura, Vice Mayor Datu Shameem Mastura at Congresswoman Bai Dimple Mastura. Dumalo na rin at nakiisa ang MTIT, PDEA-BARMM,PNP,AFP, Military, Opisyales ng Barangay, Municipal Employees at iba pa.

Ayon Kay Vice Mayor Datu Shameem Mastura ay may mga nakahilerang Aktibidades na kanilang inihanda gaya ng Motocross, Basketball League, Volleyball Tournament,Qur'an Reading, COD Mobile Tournament,Mobile Legend Tournament,Motor and Car Show, Cultural Dance Competition,Kayak and Pumpboat Contest, SK Got Talent, Off Road Competition,Duathlon and Mountin Bike Competition at iba pa.Mayroon na ring peryahan at mga rides para sa mga bata para makapaglaro kaya aniya,'its more fun' ang mga aktibidades na inihanda ngayon kumpara sa nakalipas na taon sa bayan ng Sultan Kudarat. At aasahang may mga artista na darating at malaman na din umano kung sino ang kanilang naimbitahan dahil ilalabas din umano ito ayon kay VM Mastura.

At Isa sa pinagmamalaki ni VM Datu Shameem Mastura sa Ika 77 na pagkakatatag sa bayan ng Sultan Kudarat ay ang pagiging " Hall of Famer" nito.

May Temang "SK@77, Rising Above Challenges, Working More Progress, Embodying 'ABANTE TAYO'".

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

Sa isinagawang Emergency Press Conference ng BARMM READi kahapon,Hulyo 14,2024,Araw ng Linggo ay ayon Kay BARMM READi Ch...
15/07/2024

Sa isinagawang Emergency Press Conference ng BARMM READi kahapon,Hulyo 14,2024,Araw ng Linggo ay ayon Kay BARMM READi Chief Jofel Delicana ay abot na sa 94,395 residente ang na apektuhan ng pag baha dahil sa patuloy na pag buhos ng ulan.

Ang (94,395) na mga indibidwal na ito ay mga apektado ng kalamidad na mula sa 343 na mga Barangay ng Maguindanao Del Norte, Maguindanao Del Sur at SGA BARMM.

Ang BARMM ay nananatiling nasa State of Calamity simula noong Abril 29 hanggang July 29,2024,

Binabalaan ang lahat na manatiling magmatyag at sumunod sa mga payo ng awtoridad. At sa ngayon ay hindi parin pwedeng daanan ang Narciso Highway sa bayan ng Malabang ,Lanao Del Sur.

At patuloy parin minomonitor ng BARMM READI,MSSD at iba pang ahensya ng BARMM sa mga apektado ng baha sa Maguindanao Del Norte, Maguindanao Del Sur,Lanao Del Sur at iba pang lugar na apektado.

Sa mga Nangangailangan ng Rescue maaring tumawag lamang sa kanilang Hotline Numbers;

0966-301-8777
0939-339-5221

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

14/07/2024

TFK News July 14, 2024 - Court of Appeals Froze Alice Gou's Assets.

The Anti-Money Laundering Council (AMLC) announced on Thursday that the Court of Appeals (CA) has ordered the freezing of the assets of suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, as well as a number of other people and businesses allegedly involved in unlawful Philippine offshore gaming operators (Pogos).

Watch on YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=Jb70mRdA1HY

14/07/2024

PANOORIN: Nakunan ng footage ang tangkang pag assasinate kay ex US President Donald Trump sa political rally sa Butler, Pennsylvania. Ang suspect naman ay agad na patay ng Secret Service counter-assault team.

Si Donald Trump ay sumugod mula sa rally at isang dumalo ang namatay, dalawa ang malubhang nasugatan matapos ang tila pa...
14/07/2024

Si Donald Trump ay sumugod mula sa rally at isang dumalo ang namatay, dalawa ang malubhang nasugatan matapos ang tila pagtatangkang pagpatay.

Ang dating Pangulo ng Estados Unidos ay isinugod palabas ng entablado na tila tumutulo ang dugo sa kanyang mukha matapos umalingawngaw ang mga putok ng baril sa isang rally sa Butler, Pennsylvania. Isang tao sa rally ang patay, at dalawang manonood ang nasa malubhang kondisyon.

Sinabi ni Secret Service Spokesman Anthony Guglielmi sa isang pahayag na ang pinaghihinalaang bumaril, na kinumpirma ng maraming opisyal na napatay, ay nagpaputok ng marami patungo sa entablado sa humigit-kumulang 6:15 ng gabi. Sinabi niya na ang bumaril ay nasa isang mataas na kinanalagyan sa labas ng rally.

Inabot ni Trump ang kanyang tainga nang mangyari ang mga ingay. Nagsimulang maghiyawan ang mga dumalo sa rally habang itinulak ng mga bodyguards si Trump sa lupa, at nagkaroon siya ng dugo sa kanyang tainga at pisngi nang umalis siya sa entablado.

13/07/2024

Ten households were saved from danger on Saturday by disaster responders in Datu Hofer town, Maguindanao del Sur, amidst rising flood waters caused by nonstop, intense rain starting on Friday afternoon.

Watch on YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=H-ewLqNokcI

OATH-TAKING CEREMONY OF NEWLY-APPOINTED OIC MAYORS,VICE MAYORS AND COUNCILORS;Pormal ng nanumpa ngayong araw ng Sabado i...
13/07/2024

OATH-TAKING CEREMONY OF NEWLY-APPOINTED OIC MAYORS,VICE MAYORS AND COUNCILORS;

Pormal ng nanumpa ngayong araw ng Sabado ika 13 ng Hulyo 2024 na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City, BARMM ang mga OIC Municipal Mayors, Vice Mayors at Councilors ng Special Geographic Area (SGA)sa harap ni BARMM Chief Minister Ahod Murad Ebrahim Al Hadj.

Ang mga bagong OIC Mayors na ito ay sina Municipality ng Pahamudin Mayor Badrudin Ebrahim, Municipality ng Kadayangan Mayor Duma Mascud, Municipality ng Nabalawag Mayor Anwar Saluwang, Municipality ng Old Kaabakan Mayor Demat Pedtemanan, Municipality ng Kapalawan Mayor Norman Inalang, Municipality ng Malidegao Mayor Malaidan Arnal, Municipality ng Tugunan Mayor Abdullah Abas at Municipality ng Ligawasan Mayor Ismael Mama kasama ang kani-kanilang mga Vice Mayors at Councilors.

Sinaksihan naman nina MP Kelie Antao,MP Atty.Sha Elijah Dumama-Alba, Maguindanao Del Norte Governor Abdulraof Macacua, SGADA Administrator Butch Malang, MENRE Minister Akmad I. Brahim,at iba pa.

Ayon kay MP Mohammad Kelie Antao, ito na ang matagal na hinahangad ng mga residente ng SGA na magkaroon ng sariling Lokal na pamahalaan na hahawak sa kanila at lubos na nagpasalamat ang mga itinalagang Opisyales ng SGA sa pagtitiwala at pagsuporta sa kanila dahil ito rin ang bunga ng kanilang pakikibaka o Jihad.

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

09/07/2024
CEREMONIAL TURN-OVER AND SIGNING OF MEMORANDUM OF UNDERSTANDING UNDER TDIF 2023-2024.Pormal ng naibigay o naipamahagi ng...
09/07/2024

CEREMONIAL TURN-OVER AND SIGNING OF MEMORANDUM OF UNDERSTANDING UNDER TDIF 2023-2024.

Pormal ng naibigay o naipamahagi ng MOH-BARMM ang 48 Land Ambulances, 2 Sea Ambulances, 2 Mobile Clinics at 8 Patient Transport Vehicles pati na rin ang Essentials Medicines, Bemone Drugs Supplies,Tulong Medical Assistance at BHW Incentives sa mga benepisyaryo nito kaugnay sa isinagawang Ceremonial Turn -Over and Signing of Memorandum of Understanding under TDIF 2023-2024 na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City, BARMM.

Pinangunahan mismo ni Ministry of Health - BARMM Minister MP Kadil 'Jojo' Sinolinding at dumalo ang iilang BTA Member of Parliaments na siyang nagbigay sa mga serbisyo na ito sa kani-kanilang nasasakupan at ito ay galing sa kanilang Transitional Development Impact Fund (TDIF).

Sa Taong 2020-2024 ay mayroon ng naipamahagi ang BARMM Government na 18 Ambulances, 109 Ambulances, 23 Cadaviers, 8 Clinics, 186.1 Tulong Medical, 125.5 Bangsamoro Health Workers Incentives, 12.5 BHW Kits, 40 Supplies para sa RHU, 161.5 Essential Medicines,8 Construction ng RHU, 37 Medical Scholarship at 1 Oxygen Generating Plant.
At may kabuuang total na 910,562,727.00 para sa Taong 2020-2024.

Ayon Kay Minister MP Kadil 'Jojo' Sinolinding ay umaasa siya na magagamit ng tama ang mga nakuha ng mga Benepisyaryo na mga ambulances at patient transport vehicles dahil para ito sa mga nangangailangan lalo na sa mga liblib na lugar.

Aniya,ngayon lang nagkaroon ng ganitong Turn -Over na maramihan kumpara sa nakalipas n panahon,nakikita at nararamdaman umano na ang BARMM GOVERNMENT ay "No Bangsamoro shall left behind".

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

Turn -Over Ceremony and Signing of Memorandum of Understanding under the Transitional Development Impact Fund (TDIF) 202...
08/07/2024

Turn -Over Ceremony and Signing of Memorandum of Understanding under the Transitional Development Impact Fund (TDIF) 2023-2024: Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ng Lunes ika 8 ng Hulyo 2024 sa OCM Grounds na pinangunahan ng Ministry of Health -BARMM sa pamumuno ni Minister MP Kadil 'Jojo' Sinolinding at BARMM Chief Minister Ahod Murad Ebrahim Al Hadj.

At aasahang itu-turn over ngayong araw ang Patient Transport Vehicles, Tulong Medical Assistance, Essentials Medicines,Bemone Drugs Supplies at Bangsamoro Health Worker BHW Incentives.

Ang mga programa at proyekto na ito ay galing sa Transitional Development Impact Fund (TDIF) ng 14 BTA Members of Parliament na sina MP Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, MP Marjanie Macasalong, MP Atty. Omar Yasser C.Sema, MP Susana Anayatin, MP Don Mustapha A. Loong, MP Suharto Ambolodto, MP Bai Maleha B. Candao, MP Ramon A. Piang Sr., MP Ali B. Sangki, MP Mohammad Kelie Antao, MP Ali D. Salik, MP Mudjib C. Abu at MP Haron M. Abas na may kabuuang 2.8 Billion Pesos.

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

06/07/2024
STATE OF THE PROVINCIAL ADDRESS (SOPA) NI MAGUINDANAO DEL NORTE GOVERNOR ABDULRAOF MACACUA.Kauna-unahang State of the Pr...
05/07/2024

STATE OF THE PROVINCIAL ADDRESS (SOPA) NI MAGUINDANAO DEL NORTE GOVERNOR ABDULRAOF MACACUA.

Kauna-unahang State of the Provincial Address (SOPA) ni Maguindanao Del Norte Governor Abdulraof Macacua isinagawa ngayong araw ng Huwebes ika 4 ng Hulyo 2024 sa Mall of Alnor Convention Center, Cotabato City.

Dito inilatag ni Governor Abdulraof Macacua ang kanyang mga Accomplishments na napagtagumpayan sa panahon ng kanyang mahigit Isang taon na panunungkulan bilang Gobernador ng Probinsya ng Maguindanao Del Norte.

Ito ay dinaluhan nina BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr, Provincial Administrator ng MDN Dr. Tomanda Antok, MP Abdullah Hashim, MP Engr. Aida Silongan, UBJP Vice President for Eastern Mindanao Hussein Muñoz, MP Atty. Sha Elijah Dumama- Alba, MP Baileng Mantawil, OPP Assistant Secretary Nas Dunding, MDS Provincial Executive Officer Dr. Hisham Nando, mga Alkalde ng Maguindanao Del Norte na Sina Mayor Cahar P. Ibay ng Parang, Mayor Sidik Amiril ng Talitay, Mayor B**g Panda ng Sultan Mastura, Mayor Abdulrauf Tomawis ng Barira, Mayor Zohria Bansil G**o ng Matanog, Mayor Pahmia Aratuc Manalao-Masurong ng Buldon, Cotabato City Mayor Bruce Matabalao at marami pang iba.

"From Warn Torn Province to Primier Maguindanao Del Norte in BARMM" Kaya iniisa Isa ni Gob Sam Ang kanyang mga napagtagumpayan na mga Proyekto at Programa ng kanyang tanggapan, at ito ay ang mga sumusunod;

*konstruksyon ng 39 Kilometers ng Provincial Road sa ibat ibang Munisipyo.

* Fish Facilities, river bank protection para maiwasan ang pagbaha.

*Road Networks and Farm to Market Roads.

*Rehabilitation of Provincial Nursery Access Road sa Parang Maguindanao Del Norte.

* Construction of Housing Project,Upi Maguindanao Del Norte.

* Social Development, Health, Education, Social Protection , Economic Development , Institutional Development.

Nabanggit din ni Gob Sam ang tungkol sa pagpapatayo ng International Airport sa bayan ng Sultan Mastura at Hashim Salamat Medical Center na planong ipapatayo naman sa Parang Maguindanao Del Norte.

Ayon kay Gob Sam ay sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap ay patuloy umano magbibigay ng serbisyo sa mamamayan ng Maguindanao Del Norte at ituturing na "Primer Province in BARMM" Ang Probinsya

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

Photos l Turn-Over of Office Ceremony isinagawa ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 4, 2024, sa Headquarters ng Cotabato City...
04/07/2024

Photos l Turn-Over of Office Ceremony isinagawa ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 4, 2024, sa Headquarters ng Cotabato City Police Office.

Pinalitan ni Director PCOL. Joel Estaris si outgoing PCOL. Querubin Manalang Jr. bilang City Director ng Cotabato City Police Office at si Deputy Regional Administration PRO BAR PBGEN James E. Gulmatico ang nagsilbing Presiding Officer sa naturang seremonya.

Dumalo si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao na kung saan kanyang sinabi na magsasagawa muna Ng pagpupulong kasama ang bagong talaga na Opisyales para mapag Usapan ang mga Plano para mapanatili ang kapayapaan at Ang mga bawal na ilulunsad sa Lungsod ng Cotabato City.

TFK BSI NEWS
Bai Mira Abo -Reporter

Address


8000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TFK Broadcasting System Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to TFK Broadcasting System Inc.:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share