14/06/2020
▪︎DUMMENTERTAINMENT COLUMN▪︎
MAYBE THIS TIME
©️synbelle
“Anuman ang mangyari, I’ll be with you guys all the way”, he said.
I fell silent with his words. Hindi ko na napansin kung saan kami papunta after namin i-drop off ang mga bata sa bahay ng parents nya. Alex, was unusually quiet din buong byahe, or baka nagkukwento sya pero hindi ko naririnig dahil sobrang nilalamon ako ng thoughts ko. Sobrang naiistress ako sa mga tanong na hiindi ko alam kung gusto ko ba masagot or not.
“We’re here” anunsyo ni Alex na nagpabalik sa akin sa katotohanan.
Pagkaibis niya ng sasakyan ay nagtatakang nilingon nya si Alex. Alex just smiled, alam na nito kung bakit ganoon ang pagkakalukot ng mukha niya na tila ba nagtataka kung bakit nagpark ito sa tapat ng bahay nila. Iginiya sya pauna ni Alex na nakasunod naman sa kanya. Everything seemed ordinary, except sa fact na patay lahat ng ilaw sa bahay nila noong mga sandaling iyon.
Akmang bubuksan na sana niya ang front door ng pigilan at hatakin sya ni Alex palibot sa backdoor.
“Lex?” nagtatakang tanong nya dito.
Alex stopped on his track at alanganin syang nginitian nito. Sabay paliwanag na nagloloko na kasi ang lock ng pinto sa front door at kakakontak pa lang daw nito ng mag-aayos. He asked me to quickly change bago kami pumunta sa venue ng date. Pinagbigyan ko sya at ginawa ko na lang ang gusto nya without asking so many questions.
I was scanning my closet of anything fit for tonight’s event at ang nakita ko ay yung red na dress na iniregalo nya sa akin nung birthday ko. Agad akong nagpalit at nagbihis. Tinernuhan ko ito ng itim na sapatos. I have applied light make-up, gabi naman na, ayoko na ding mag-apply ng sobrang kapal na kolorete sa mukha ko.
Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o magugulat sa nakita ko paglabas ng kwarto ko. Yung hallway na hanggang sa pagbaba ng hagdan ay nailawan gamit ang maliit na kandila. Rose petals are scattered on the floor as well, para bang sinasabing ‘sundan mo ako’.
Tila ba may sariling buhay ang aking mga paa at sinundan ang daan na naiilawan ng mga kandila at napapaligiran ng mga talulot ng bulaklak.
“Geez. Alex,” natatawang sambit ko sa sarili ko.
Madilim pa din ang buong bahay at tanging ilaw na nanggaling sa mga kandila lamang ang nagbibigay liwanag sa daraanan ko. I was about to call Alex nang pumailanlang ang isang musika sa buong bahay.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pagsunod sa naliwanagang parte ng bahay namin hanggang sa dalhin ako nito patungo sa taong kanina ko pang hinahanap.
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you
You'd be like heaven to touch
I wanna hold you so much
Ngayon ko lang napansin na nakapagpalit na din pala sya ng suot na damit. He’s wearing a simple white polo and a pair of jeans, ang presko nya tignan. Otomatikong napangiti ako pagkakita pa lamang sa kanya.
Alex started walking towards my direction, and him doing so, made my heart beat erratically. I love how he can make me feel this way towards him and at the same time, scares the hell out of me.
At long last love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you
He stood in front of me. He let his index finger roam freely from my shoulders down taking my hand towards his lips, planting a kiss like a true gentleman does, smiling as he looked at me directly in the eyes.
“May I?” two words and I immediately said yes.
Pardon the way that I stare
There's nothing else to compare
The sight of you makes me weak
There are no words left to speak
He pulled me close, too close that I could feel his heart beating against the palm of my hand, his breath brushing against my skin, as he wrapped his strong muscular arm around the tiny of my waist. We danced as if it’s just the two of us. We continued swaying to the music when he opened his mouth to sing.
"But if you feel like I feel, please let me know that it's real. you're just too good to be true. Can't take my eyes off you.”
Shocked is an understatement. Tila ba tumigil ang mundo ko sa mga susunod na pangyayari. Literal na nawala ang distansya sa pagitan naming dalawa at kulang na lamang ay lumuwa ang mga mata ko sa pagdidikit ng mga labi namin.
Naramdaman yata ni Alex ang biglang paninigas ng buong katawan ko sa ginawa nya kaya pinutol nya ang paghalik nya sa akin at masuyong tinignan ako sa mga mata.
“Sorry. I can’t help it, but let me do this properly,” aniya. “Chris, may I?” ayoko pero tradyor ang isip at katawan ko, naramdaman ko na lang ang pagtango ko sa tanong nya. He smiled, and once again closed the distance between our lips.
This time, I automatically closed my eyes and savored the moment. Tila ba gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko. When was the last time I felt this? Yung para bang nagpadaan ng milyong boltahe ng kuryente sa bawat himaymay ng pagkatao ko. His kiss tells me that it’s fine, everything will be alright.
I love you baby and if it's quite alright
I need you baby to warm a lonely night
I love you baby trust in me when I say
Oh pretty baby don't bring me down I pray
Oh pretty baby now that I've found you, stay
And let me love you baby, let me love you
Nang muling maghiwaly ang mga labi namin ay para bang naubos ang lahat ng lakas ng aking mga binti, dahilan para mabuwal ako sa kanya.
“Haha. Clumsy, sorry.” palusot ko. Kahit alam ko namang alam nyang sya ang dahilan kung bakit nanlalambot ako ng ganito. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa upuan na sa table naming dalawa.
“Chris, I love you. I really do,” aniya habang nakaluhod sa harap ko. “Will you give me a chance? To prove myself?” tanong nya.
I was rendered speechless. Ni hindi ko alam kung ano ba ang tamang reaksyon sa mga sinasabi nya sa akin ngayon. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay muling bumuka ang bibig nya para ipagpatuloy ang nais sabihin..
“Alam kong kaibigan lang ang turing mo sa akin - mula noon hanggang ngayon, and I don’t care. Hayaan mo lang akong mahalin ka sa paraang alam ko. Alam kong hindi ka pa handang magmahal ulit. Naiintindihan ko, kaya ko naman maghintay. I’ve been waiting for you to turn your head and look at me mula nung umalis ka sa inyo,” anito.
When he heard nothing from me, he held his hand na para bang niyayaya nya akong sumama sa kanya. I didn’t, even for a second, hesitate and took the hand he is offering. Sa may garden, may nakaset na blanket together with the food he prepared, kaya pala walang laman ang table na nakaset sa loob, ay nandito pala. I was in awe.
The garden was adorned with white christmas lights that looked like stars sa madilim na paligid, the scene became more beautiful with the moon shining its brightest. Suddenly I remember, full moon ngayon.
The setting was perfect. Everyone would dream of a picnic date witnessed by both the moon and the stars.
I was so touched by the effort he exerted just so he could make me smile.
“Where did you get the idea?” tanong ko.
“From the experts,” maikling sagot nya. Inalalayan nya akong makaupo sabay abot ng panyolito na iminuwestra nyang ilagay ko sa kandungan ko.
“Experts?” kunot noong tanong ko.
“Hm-mm,” tango nya. “My cousins,” maikling sagot nya.
“I told them that you agreed on going out with me tonight when I asked for recommendations on restaurants I could possibly book for tonight’s date. Sabi nila, sila na lang daw ang gagawa, they asked me to pick up a lot of things at sila ang nagset up nito” aniya.
“So much effort for tonight. Tell me, what else do you have for me?” tanong ko.
He grinned and handed over a bouquet.
“Candy?” tanong ko.
“Sort of. Chocolate. I ordered sa shop nyo under my cousins’ name” aniya.
Gaya ng nakasanayan nya, laging ako ang inuuna nya. Laging ako ang iniisip nya, kahit sa mga simpleng bagay o mga desisyon nya, hindi pwedeng hindi ako kasama. Alex is already perfect para sa akin, why am I stopping myself from completely falling for him? Umaasa pa ba ako na magkakaayos kami ng tatay ng mga anak ko? Am I afraid because of what happened? Ano? Maging ako’y hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gusto kong um-oo kay Alex pero may pumipigil sa akin and I can’t take risk dahil kung paiiralin ko ang sarili kong kasakiman, di lang masasaktan si Alex, paniguradong mawawala din sya sa akin. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagkakatitig ko sa kanya.
“Masyado ba akong gwapo para pakatitigan mo?” tanong ko.
I laughed at his joke, kahit ilang beses ko ata marinig ang kayabangan nya, matatawa at matatawa pa din ako. The night went on with his stories and jokes. It’s like we’re catching up, para bang ang tagal naming hindi nagkita.
I was looking at the night sky when he called.
“Love.”
“Hmm?”
“I just want you to know na hindi kita minamadali. Ilang taon na kitang hinihintay, kaya kong maghintay pa ulit,” aniya.
“Hindi ka ba nagkagusto sa iba?” tanong ko sa kanya. Matagal na kami magkakilala pero aminado akong kakaunti lang ang alam ko lalo na sa lovelife nya.
“May ilan namang naging tukso, pero, hinahanap kasi kita sa mga nakikilala ko kaya I always find myself coming back to you” sagot nya.
Lumalalim na ang gabi kaya napagdesisyunan na naming pumasok at magpahinga. I bet the kids are also sleeping dahil anong oras na rin naman. We decided to pick them up tomorrow na lang and let Alex’s parents spend more time with them.
Papasok na ako sa kwarto ko nung marinig kong nagsalita si Alex.
“Chris, about what I said,” he paused. I was waiting for him to continue.
“Seryoso ako dun. I can wait even if it means waiting in vain forever,” aniya.
The next morning, I learned that he got a phone call and that he needs to return to the US as soon as possible. Part of me wanted him to stay, another says it’s best para ma-assess ko maigi ang feelings ko for him.
“Chris, be honest. Ano ba talaga ang problem? Why can’t you return his feelings?” tanong ni Kaia sa akin.
I am with her kasi I need a third party’s opinion. Sobrang dami kong iniisip na alam kong hindi naman dapat and Kaia’s the only one available.
“Are you still in love with the father of your twins?” tanong nito.
Naikwento ko sa kanya ang lahat nang nangyari, pati na din ang pananahimik ko nung humingi ng chance si Alex sa akin.
“Sis, you deserved to be happy. And so does Alex. Hindi naman tamang sobrang higpit mo sa sarili mo. Alam kong nasaktan ka and I know I am not in the right position to say this, but hey, it’s been years,” litanya nito.
Hindi ko na naman alam ang isasagot ko. Kaia’s got a point pero, ewan ko. Ako ata ang may problema. Pabalik na ako ng shop dahil may meeting daw bigla si Kaia. Bukod sa malapit lang ang shop, I need distraction and walking is the best option.
Ilang hakbang na lamang ang layo ko mula sa shop nang may makasalubong akong lalaki. Hindi ko napansin ang itsura niya pero hindi ako maaaring magkamali sa boses nya. Memories started flooding, tila ako nabato nung marinig ko ang boses nya.
"Fine. Pauwi na. Let the kids know that I love them.. Yes. Yes. I love you, too, Misis" anito sa kausap sa kabilang linya.
‘Impossible’ sa isip isip ko.
“Narinig mo na, pre? I have to get going, miss na agad ako ni Misis” natatawang sambit pa nito.
"Agad agad? Iba na talaga ang asensado, ginagawang Cubao at Pasig lang ang paglipad palabas ng Pilipinas.” komento naman ng kasama nito.
“Alam mo naman na buntis si Misis. Hindi pwedeng palayas layas ako.”
Nagkapaalamanan na sila ng kasama nya. Narinig ko ang pagbukas, sara at pag-andar palayo ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung bakit pero pinagmasdan ko pa ang sasakyan nyang palayo na.
“Chris? Is that you? Christalyn?”
I was dragged back to reality sa pagtawag nung kausap nya.
“Oh, God! It’s really you. Dave was here awhile ago,” anito.
“I know. I have to go though. It’s good to see you again, Hubert,” aniya sabay lakad palayo.
Hubert’s calling her pero mas binilisan pa nya ang paglakad. Her crew saw her pero di nya din pinansin ang pagbati ng mga ito. I closed the door to my office and locked myself in.
Doon ko narealize ang sagot sa mga katanungan ko. Kung bakit hindi ko magawang mahalin ng buo si Alex kahit sya yung kasama ko nang matagal.
‘Umaasa pa kasi ako’.
— To be continued —