25/11/2024
PLDI NG PANGASINAN, ACCREDITED CPD UNIT PROVIDER NA
Opisyal nang kinilala ang Pangasinan Provincial Learning and Development Institute (PLDI) bilang accredited Continuing Professional Development (CPD) Unit Provider matapos itong tumanggap ng sertipikasyon mula sa Professional Regulation Commission (PRC) noong Nobyembre 20 sa Baguio City.
Ang sertipikasyon ay iginawad nina PRC Regional Director Juanita L. Domogen at Chief Professional Regulations Officer Wayne B. Crispin kay Janette C. Asis, Head ng Human Resource and Development Management Office (HRDMO).
Sa ilalim ng akreditasyon, pinahihintulutan ang PLDI na mag-alok ng CPD programs para sa mga propesyonal mula sa iba’t ibang larangan, alinsunod sa Republic Act No. 10912 o ang “CPD Law of 2016.”
Ayon kay PLDI member Dr. Julius Bumadilla, aktibo ang suporta ni Governor Ramon V. Guico III sa edukasyon, hindi lamang para sa undergraduate na pag-aaral kundi pati na rin para sa patuloy na pagsasanay ng mga empleyado.
Dumalo rin sa awarding ceremony ang ilang PLDI members at mga opisyal mula sa iba’t ibang tanggapan ng probinsya, kabilang sina Louie Ocampo, Sonia Yao, Engr. Harold Quiñano, Christopher Dioquino, EJ Sorio, at mga miyembro ng Provincial Learning and Development Team (LDT).
Inaasahan na ipakikilala ng PLDI ang kanilang mga programa sa mas maraming Pangasinense upang mas marami pang propesyonal ang makinabang.
Source: Province of Pangasinan