Balitang Binmaley, Pangasinan

  • Home
  • Balitang Binmaley, Pangasinan

Balitang Binmaley, Pangasinan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balitang Binmaley, Pangasinan, News & Media Website, .

PLDI NG PANGASINAN, ACCREDITED CPD UNIT PROVIDER NAOpisyal nang kinilala ang Pangasinan Provincial Learning and Developm...
25/11/2024

PLDI NG PANGASINAN, ACCREDITED CPD UNIT PROVIDER NA

Opisyal nang kinilala ang Pangasinan Provincial Learning and Development Institute (PLDI) bilang accredited Continuing Professional Development (CPD) Unit Provider matapos itong tumanggap ng sertipikasyon mula sa Professional Regulation Commission (PRC) noong Nobyembre 20 sa Baguio City.

Ang sertipikasyon ay iginawad nina PRC Regional Director Juanita L. Domogen at Chief Professional Regulations Officer Wayne B. Crispin kay Janette C. Asis, Head ng Human Resource and Development Management Office (HRDMO).

Sa ilalim ng akreditasyon, pinahihintulutan ang PLDI na mag-alok ng CPD programs para sa mga propesyonal mula sa iba’t ibang larangan, alinsunod sa Republic Act No. 10912 o ang “CPD Law of 2016.”

Ayon kay PLDI member Dr. Julius Bumadilla, aktibo ang suporta ni Governor Ramon V. Guico III sa edukasyon, hindi lamang para sa undergraduate na pag-aaral kundi pati na rin para sa patuloy na pagsasanay ng mga empleyado.

Dumalo rin sa awarding ceremony ang ilang PLDI members at mga opisyal mula sa iba’t ibang tanggapan ng probinsya, kabilang sina Louie Ocampo, Sonia Yao, Engr. Harold Quiñano, Christopher Dioquino, EJ Sorio, at mga miyembro ng Provincial Learning and Development Team (LDT).

Inaasahan na ipakikilala ng PLDI ang kanilang mga programa sa mas maraming Pangasinense upang mas marami pang propesyonal ang makinabang.

Source: Province of Pangasinan

LIBRENG DENTAL AT EYE CARE, HANDOG NI GOV. RAMON GUICO PARA SA MGA EMPLEADO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGANSa pamumuno ni Go...
25/11/2024

LIBRENG DENTAL AT EYE CARE, HANDOG NI GOV. RAMON GUICO PARA SA MGA EMPLEADO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Sa pamumuno ni Governor Ramon "Mon-Mon" Guico III, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang "Employees’ Beauty Care & Wellness Day" bilang bahagi ng maagang Pamasko para sa mga empleado ng Kapitolyo.

Mahigit 26 empleado ang nabigyan ng libreng denture services, habang 203 naman ang nagkaroon ng libreng eye check-up at eyeglasses. Umabot din sa 306 empleado ang nakinabang sa beauty care services tulad ng libreng gupit, pakulay ng buhok, manicure/pedicure, ear candling, at masahe.

Sa ilalim ng pangangasiwa ng Health and Wellness Club (HWC) at HRMDO, layunin ng programa na magbigay-pugay sa sakripisyo at ambag ng mga empleado sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa bawat Pangasinense. Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na malasakit ni Gov. Guico sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.

Source: Province of Pangasinan
https://www.facebook.com/ProvinceOfPangasinanOfficial/posts/read-libreng-dental-at-eye-care-handog-ng-pamahalaang-panlalawiganlingayen-panga/578884134905657/

LIMANG LIBONG PANGASINENSE NA NAAPEKTUHAN SA BAGYONG KRISTINE, TATANGGAP NG TULONG MULA KAY PBBM Labis ang pasasalamat n...
23/11/2024

LIMANG LIBONG PANGASINENSE NA NAAPEKTUHAN SA BAGYONG KRISTINE, TATANGGAP NG TULONG MULA KAY PBBM

Labis ang pasasalamat ni Pangasinan Governor Ramon “Mon-Mon” Guico III matapos ianunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa 5,000 katao sa lalawigan na naapektuhan ng bagyong Kristine. Aabot sa ₱10,000 ang matatanggap ng bawat isa sa mga benepisyaryo mula sa anim na distrito ng Pangasinan.

Ang tulong na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon na tiyakin na walang Pilipino ang maiiwan sa oras ng kalamidad. Ipinamahagi ang tulong noong Nobyembre 22, 2024 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center Gymnasium sa Lingayen, Pangasinan.

Pinangunahan mismo ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at pamilyang naapektuhan ng mga bagyo kamakailan. Layunin nitong makatulong sa pagbangon ng kanilang kabuhayan at makapagsimula muli matapos ang pinsalang dulot ng mga bagyo.

Samantala, iniulat ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na aabot sa 18,514 pamilya o 59,325 indibidwal ang naapektuhan ng Super Typhoon “Pepito” noong Nobyembre 21, 2024. Nasira rin ang 247 bahay dahil sa malakas na hangin, at umabot naman sa ₱39 milyon ang inisyal na tantiya ng pinsala sa agrikultura. Ang tulong mula kay Pangulong Marcos ay isang malaking ginhawa sa mga naapektuhan at isang malaking hakbang sa kanilang pagbangon.

Source: Province of Pangasinan

LIBU-LIBONG BAYAMBANGENSE, NAKINABANG SA AYUDA SA KAPOS ANG KITA NG DSWD AT ABONO PARTYLIST Isang matagumpay na Ayuda sa...
23/11/2024

LIBU-LIBONG BAYAMBANGENSE, NAKINABANG SA AYUDA SA KAPOS ANG KITA NG DSWD AT ABONO PARTYLIST

Isang matagumpay na Ayuda sa Kapos ang Kita Payout ang ginanap kamakailan sa Bayan ng Bayambang, na naghatid ng ginhawa sa libu-libong residente. Pinangunahan ang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office at Abono partylist, na nagbigay ng pinansiyal na tulong sa mga nangangailangan.

Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa natanggap na ayuda, na nagsilbing malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Dumalo rin sa programa sina 3rd District Board Member Dra. Shiela Ferrer-Baniqued, BM Vici Ventanilla, Legal Consultant Atty. Angel Jr. Baniqued, Bayambang Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice Mayor Ian Camille Sabangan, at iba pang mga opisyales ng Bayan ng Bayambang. Ang kanilang presensya ay nagpapakita ng suporta at pakikiisa sa adhikain na makatulong sa mga mamamayan.

Ang nasabing programa ay isang patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan at ng mga pribadong sektor na tugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap at nangangailangan ng tulong. Inaasahan na magpapatuloy ang ganitong mga proyekto upang mas marami pang Pilipino ang matulungan.

Source: Ramon Mon-Mon Guico III

BENCHMARKING ACTIVITY SA DALY CITY AT SAN FRANCISCO CALIFORNIA, NAGING PRODUKTIBONaging produktibo ang isinagawang bench...
22/11/2024

BENCHMARKING ACTIVITY SA DALY CITY AT SAN FRANCISCO CALIFORNIA, NAGING PRODUKTIBO

Naging produktibo ang isinagawang benchmarking activity ng delegasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa Daly City at San Francisco California.

Sa tulong ng United Pangasinanes of America Incorporated na siyang nagpadala ng imbitasyon, nagkaroon ng benchmarking activity sa Stanford Hospital, Urban Planning Council, San Francisco Police Department at sa Water treatment Facility ng Daly City.

Naging oprtunidad din ito para personal na makausap ng delegasyon sa pangunguna ni Provincial Administrator Melicio Patague II si Daly City, California Mayor Juslyn Manalo.

Si Mayor Juslyn Manalo ay ang kauna-unahang Filipina American Mayor ng Daly City. Kilala siyang tagapagsulong ng programa kaugnay sa affordable housing, youth development ,community development at kapakanan ng mga Filipino Word War 2 veterans.

Ang isinagawang benchmarking ay inaasahang magbubukas ng oportunidad para magkaroon ng international partnership sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, Daly City at San Francisco para lalong mapabuti ang mga programa sa healthcare, disaster response and management, social services at iba pang aspeto ng pamamahala.

Source: Province of Pangasinan

GOV. GUICO AT VICE LAMBINO, PERSONAL NA IPINAMAHAGI ANG FINANCIAL GRANT PARA SA 1206 PROVINCIAL SCHOLARS NG PSUIsang maa...
22/11/2024

GOV. GUICO AT VICE LAMBINO, PERSONAL NA IPINAMAHAGI ANG FINANCIAL GRANT PARA SA 1206 PROVINCIAL SCHOLARS NG PSU

Isang maagang pamasko ang natanggap ng 1,206 Provincial Scholars ng Pangasinan State University (PSU) nang ipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. Ramon V. Guico III at Vice Governor Mark Ronald Lambino ang financial grants nitong November 14.

Bawat iskolar mula sa siyam na PSU campus ay nakatanggap ng tig-sampung libong piso.

“My message to you is galingan niyo, magkaroon kayo ng pangarap sa buhay. Trust God, honor your parents. Mayaman ka man o mahirap, pag edukado ka, you have a weapon to fight against poverty,” pahayag ni Governor Guico.

Hinikayat din niya ang mga iskolar na balang araw ay magbalik ng serbisyo sa komunidad.

“Ang suporta po natin para sa mga kabataan ang isa sa pinakaimportanteng commitment ng ating gobernador para sa ating lalawigan. We expect that you will not just be providers and doers for yourselves but you'll also eventually serve your province and the people of Pangasinan in your own little ways,”ito naman ang naging pahayag ni Vice Governor Mark Ronald Lambino.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga iskolars.

"Isa po ang scholarship program na ito na nakatulong sa 4 yrs ko po sa college," ani Cristine Salinas, estudyante ng PSU Lingayen.Ayon sa kanya, ginagamit niya ang grant para sa uniform, libro, at allowance.

“We’re very thankful for this and I hope mas marami pang ganitong program sa pamumuno ni butihing Gov. Ramon V. Guico III,” pahayag naman ni Rommel Espora ng PSU Urdaneta City Campus.

Dumalo rin si programa ang Provincial Scholarship Program Consultant na si Erlinda Fernandez, mga Executive Directors at Student Council Coordinators mula sa PSU.

Ang distribusyon ng financial grant ay a pinangunahan ng Provincial Treasury Office.

Ang programa ay isa lamang sa maraming hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga kabataang Pangasinense, na ayon kay Gov. Gu

GUICONSULTA, NAGHATID NG LIBRENG  MEDIKAL SA UMINGAN SA GITNA NG BAGYONG PEPITOHindi nagpatinag ang Pamahalang Panlalawi...
19/11/2024

GUICONSULTA, NAGHATID NG LIBRENG MEDIKAL SA UMINGAN SA GITNA NG BAGYONG PEPITO

Hindi nagpatinag ang Pamahalang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guivo III at First Spouses League Chairperson Maan Guico sa paghahatid ng libreng serbisyo medikal sa bayan ng Umingan, Pangasinan, kahit na nagbabanta ang Super Typhoon Pepito noong November 18.

Sa kabila ng masamang panahon, nagtungo ang GUICOnsulta sa mga barangay San Leon, San Andres, at La Paz para maabot ang daan-daang residente na nangangailangan ng libreng konsultasyon at mga benepisyong medikal. Pinangunahan ng Provincial Health and Medical Services Office (PHMSO), Asingan Community Hospital, Umingan Community Hospital, at Eastern Pangasinan District Hospital (EPDH) ang programa.

Bukod sa libreng konsultasyon, ang mga nagparehistro sa PhilHealth Konsulta ay tumanggap ng tig-dalawang daang piso para sa kanilang transportasyon at pagkain. May ipinamahagi ring grocery packs at libreng pagkain mula sa GUICOsina.

Nakibahagi rin sa programa sina Rosales Mayor William Cezar, Rebecca Saldivar, Umingan Vice Mayor Chris Evert Tadeo, Former Vice-Mayor Emil Tristan T. Trinidad, Councilor Alain Jermen Rabang, Fred Fernandez, Mar Lee Non Sonaco, Onyok Onia, Maya Membrere, at mga barangay officials.

Hangad ni Governor Guico na sa pamamagitan ng GUICOnsulta , Pangasinan ang magiging pinakamalusog na lalawigan sa buong Pilipinas. (Danna Laureano, Ron Bince, Regenald de Leon| PIMRO).

Source: Province of Pangasinan

INAUGURASYON NG 2-STORY MULTI-PURPOSE HALL AT PAMAHAAGI NG TULONG SA SAN QUINTIN NAGING MATAGUMPAY Pinangunahan ni Gov. ...
19/11/2024

INAUGURASYON NG 2-STORY MULTI-PURPOSE HALL AT PAMAHAAGI NG TULONG SA SAN QUINTIN NAGING MATAGUMPAY

Pinangunahan ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III ang inauguration ng 2-storey Multi-Purpose Hall sa bayan ng San Quintin, kasama ang pamamahagi ng Manipulative Toys at Activity Books para sa mga bata, at Social Assistance para sa mga residente.

Bilang bahagi ng programa, ipinamahagi rin ang dalawampung piraso ng solar street lights mula sa pamahalaang panlalawigan. Layunin ng mga proyektong ito na makatulong at mapaunlad ang buhay ng mga mamamayan ng San Quintin.

Ang bagong Multi-Purpose Hall ay inaasahang magiging sentro ng iba't ibang aktibidad at programa sa komunidad. Samantala, ang Manipulative Toys at Activity Books ay makakatulong sa pag-unlad ng mga bata, habang ang Social Assistance ay magbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Ang solar street lights naman ay magbibigay ng ilaw at seguridad sa mga kalsada sa gabi.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga residente ng San Quintin sa pamahalaang panlalawigan para sa mga proyektong ito. Naniniwala sila na magiging malaking tulong ang mga ito sa kanilang komunidad.

Source: Ramon Mon-Mon Guico III

KALINISAN SA LINGAYEN BAYWALK, IPINANAWAGAN NI GOV. GUICOHinimok ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ang mga residente a...
11/11/2024

KALINISAN SA LINGAYEN BAYWALK, IPINANAWAGAN NI GOV. GUICO

Hinimok ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ang mga residente at turista na panatilihing malinis ang Lingayen Baywalk, isa sa mga paboritong pasyalan sa Pangasinan. Mahigpit niyang pinaaalalahanan ang lahat na iwasan ang pagkakalat ng basura upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng lugar.

Ang panawagan ay bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan na panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng mga pampublikong pasyalan sa Pangasinan.

Source: Province of Pangasinan

TRADISYON NG "TUMBA-TUMBA" SA DAGUPAN, NAGBIGAY NG PAGKAKATAON SA MGA BISITA NA MAALALA ANG MGA YUMAOSa kabila ng restri...
02/11/2024

TRADISYON NG "TUMBA-TUMBA" SA DAGUPAN, NAGBIGAY NG PAGKAKATAON SA MGA BISITA NA MAALALA ANG MGA YUMAO

Sa kabila ng restriksyon sa pagbisita sa mga puntod ngayong Undas, nagkaroon pa rin ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Dagupan na mag-alay ng kandila sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay sa pamamagitan ng tradisyong "tumba-tumba" sa Roman Catholic Cemetery.

Ang "tumba-tumba" ay isang nakagawiang paraan para maipagdasal at maalala ang mga yumao, lalo na para sa mga hindi makadalaw sa mismong libingan.

Source/Photo: Radyo Pilipinas Dagupan/FB


LIBRENG SAKAY, PINATUPAD NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN PARA SA UNDASSa pangunguna ni Governor Ramon "Mon-Mon" Guico III, m...
01/11/2024

LIBRENG SAKAY, PINATUPAD NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN PARA SA UNDAS

Sa pangunguna ni Governor Ramon "Mon-Mon" Guico III, muling magbibigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng Libreng Sakay para sa mga kababayan na pauwi ngayong Undas. Layunin nito na makatulong sa mga mamamayang uuwi sa kanilang mga probinsya para mag-alay ng dasal at magbigay-pugay sa mga yumaong mahal sa buhay.

Ang Libreng Sakay ay may dalawang ruta: Baguio-Lingayen at Baguio-Carmen, na aalis mula sa staging area sa Governor Pack Road sa Baguio, katapat ng rotonda patungo sa BGH/Convention.

Source: Province of Pangasinan

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, PATULOY NA NAGBIBIGAY AYUDA SA GITNA NG BAGYONG KRISTINESa kabila ng signal numb...
26/10/2024

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, PATULOY NA NAGBIBIGAY AYUDA SA GITNA NG BAGYONG KRISTINE

Sa kabila ng signal number 3 sa buong Pangasinan, abala ang mga opisyal ng lalawigan, pinangungunahan ni Governor Ramon "Mon-Mon" Guico III at Vice Governor Mark Ronald Lambino, sa pagtugon sa epekto ng Bagyong Kristine.

Matapos ang pagdinig sa 2025 budget sa Sangguniang Panlalawigan, pinulong ni Gov. Guico ang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) upang pag-usapan ang mga hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng mga residente. Kabilang sa mga pinag-usapan ang pangangailangan ng mga mamamayan at ang agarang tugon sa mga ito.

Personal ding binisita ni Gov. Guico ang mga evacuation centers kung saan nagbigay siya ng relief packs na naglalaman ng hygiene kits at pagkain sa 170 pamilyang apektado. Kasama nito ang pamamahagi ng banig at ang patuloy na feeding program na Guicosina, na nagbigay saya at pag-asa sa mga evacuees.
“Konting tiis lang. Ang importante ligtas tayong lahat. Talagang ito ay kalamidad… pero ginagawa po natin lahat ng paraan upang maging ligtas, maging malusog ang lahat,” ani Gov. Guico.

Kasama rin ni Gov. Guico sa relief efforts sina Vice Gov. Lambino, Ret. Col. Rhodyn Luchinvar O. Oro, Board Members Philip Theodore Cruz at Haidee Pacheco, at PSWDO head Annabel Terrado-Roque. Patuloy ang pamahalaan sa pagtulong at pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta.

Source/Photo: Province of Pangasinan/FB


MABILIS NA PAGTUGON SA BAHA DULOT NG BAGYONG KRISTINE, MGA APEKTADONG RESIDENTE AGAD NA NAILIKASSa ilalim ng direktiba n...
24/10/2024

MABILIS NA PAGTUGON SA BAHA DULOT NG BAGYONG KRISTINE, MGA APEKTADONG RESIDENTE AGAD NA NAILIKAS

Sa ilalim ng direktiba ni Governor Ramon "Mon-Mon" Guico III, Chairman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, mabilis na nailikas ang mga residente ng Pangasinan na naapektuhan ng pagbaha dulot ng Bagyong Kristine.

Ang mga lumikas ay kasalukuyang nasa evacuation centers sa Narciso Gym, Lingayen, at Sabangan, Binmaley, kung saan sila ay ligtas at nabibigyan ng pangangailangan. Kasabay ng paglilikas, agad na ipinamamahagi ang relief packs upang matulungan ang mga evacuees sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Patuloy ang pagsubaybay ng mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at mapabilis ang pagbabalik sa normal na pamumuhay ng mga apektadong pamilya.

Source: Province of Pangasinan

AICS PAYOUT SA ROSALES, NAGBIGAY NG TULONG SA LIMANG LIBONG INDIBIDWAL MULA SA BALUNGAO Kamakailan lamang, naganap ang A...
22/10/2024

AICS PAYOUT SA ROSALES, NAGBIGAY NG TULONG SA LIMANG LIBONG INDIBIDWAL MULA SA BALUNGAO

Kamakailan lamang, naganap ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout sa Bayan ng Rosales, kung saan nagkaroon ng pagkakataong makapagbigay ng pinansiyal na tulong sa limang libong indibidwal mula sa Balungao. Ang tulong na ito ay galing sa opisina ni 5th District Congressman Ramon "Monching" Guico Jr.

Dumalo sa programa sina Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino, Cong. Robert Raymond 'Eskimo' Estrella ng Abono Partylist, Political Consultant Rebecca Saldivar, Rosales Mayor William S. Cezar, mga opisyal ng bayan at Atty Jojo Peralta mula sa bayan ng Balungao.

Ang AICS Payout ay isang programa na naglalayong tulungan ang mga indibidwal na nakakaranas ng mga krisis sa buhay. Ang pinansiyal na tulong na ibinibigay ay nagsisilbing pansamantalang suporta upang matulungan silang makabangon mula sa kanilang mga problema.

Source: Ramon Mon-Mon Guico III

7MASAYANG SELERBRASYON NG ELDERLY WEEK SA VILLASIS Nagkaroon ng masayang selebrasyon ng Elderly Week sa bayan ng Villasi...
22/10/2024

7
MASAYANG SELERBRASYON NG ELDERLY WEEK SA VILLASIS

Nagkaroon ng masayang selebrasyon ng Elderly Week sa bayan ng Villasis, na puno ng sayawan at kantahan. Ang mga senior citizen ay nagsaya at nag-enjoy sa programa, na nagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila.

Ang selebrasyon ay nagsimula sa isang malaking pagtitipon sa covered court, kung saan nagkaroon ng mga palaro, sayawan, at kantahan. Ang mga senior citizen ay nagpakita ng kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw, na nagdulot ng tuwa at saya sa lahat.

Kasama sa mga dumalo sina 5th District BM Nicholi Jan Louie Sison, dating Konsehal ng Urdaneta na si Jesus "Isong" Basco, at mga opisyal ng Senior Citizen ng bayan ng Villasis. Ang mga opisyal ay nagbigay ng mga mensahe ng pagpapahalaga sa mga senior citizen at nagpasalamat sa kanilang pagsisikap at kontribusyon sa komunidad.

Ang programa ay naging matagumpay dahil sa pakikiisa ng lahat ng mga dumalo. Ang mga senior citizen ay nagpakita ng kanilang sigla at pagmamahal sa buhay, na nagpapatunay na ang edad ay hindi hadlang sa pagiging masaya at aktibo.

Source: Maan Tuazon- Guico

PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE SA MGA MAG-AARAL NG PHILCST, PINANGUNAHAN NI HON. RAMON GUICO III Kamakailan, pinan...
21/10/2024

PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE SA MGA MAG-AARAL NG PHILCST, PINANGUNAHAN NI HON. RAMON GUICO III

Kamakailan, pinangunahan ni Hon. Ramon Mon-Mon Guico III ang pamamahagi ng Educational Assistance mula sa opisina ni 3rd District Board Member Shiela Baniqued para sa mga kwalipikadong estudyante ng Philippine College of Science and Technology (PhilCST).

Sa programa, hinikayat ni Guico ang mga mag-aaral na gamitin ang tulong na ito upang mas lalong magsikap at makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Kasama rin sa nasabing aktibidad sina 3rd District BM Shiela M. Baniqued, Legal Consultant Atty. Angel Jr. Baniqued, Calasiao Mayor Kevin Roy Q. Macanlalay, Liga President Patrick Caramat, at ilang opisyal ng PhilCST.

Ang Educational Assistance ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon sa Pangasinan.

Source: Ramon Mon-Mon Guico III

HON. RAMON RG GUICO IV, KASAMANG NAMAHAGI NG FOOD PACKS AT VITAMINS SA MGA BUNTIS SA BINALONANKamakailan ay namahagi si ...
21/10/2024

HON. RAMON RG GUICO IV, KASAMANG NAMAHAGI NG FOOD PACKS AT VITAMINS SA MGA BUNTIS SA BINALONAN

Kamakailan ay namahagi si Hon. Ramon RG Guico IV ng food packs at vitamins para sa mga buntis sa Binalonan. Ang aktibidad na ito, na pinangunahan ng Rural Health Unit (RHU) sa ilalim ng pamamahala ni Dra. Framila C. Dela Cruz, ay naglalayong suportahan ang pangangailangan sa nutrisyon ng mga ina na nagdadalang-tao.

Kasama rin sa programa sina Vice-Mayor Bryan Louie Ramirez Balangue, Manuel "Manny" Luis Jr., at mga health workers mula sa RHU. Ang inisyatiba ay bahagi ng mga programa ng lokal na pamahalaan upang magbigay ng suplementong pang-diyeta sa mga buntis para sa kalusugan ng ina at sanggol.

Ipinakita ng partisipasyon ni Guico ang kanyang patuloy na pagsuporta sa mga programang nakatuon sa kalusugan ng publiko sa Binalonan.

Source: Ramon RG Guico IV

𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗚𝗔𝗠𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗙𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗨𝗡𝗗𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔Tagumpay na naisagawa ang  Pangasinan PARA Games 2024 Qualifying rounds dahi...
17/10/2024

𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗚𝗔𝗠𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗙𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗨𝗡𝗗𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Tagumpay na naisagawa ang Pangasinan PARA Games 2024 Qualifying rounds dahil sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III.

Ginanap ito sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) nito lamang October 10, 2024.

Swimming, long jump, 100m,200,400m run, javelin throw, shot put, discus throw , chess, at table Tennis ang mga sports na itinampok sa qualifying rounds.

Ang mga nakibahaging atleta ay mula sa bayan Agno, Aguilar, Alaminos, Bautista, Binalonan, Binmaley, Bolinao, Dagupan City, Dasol, Labrador, Lingayen, Malasiqui, Manaog, Mangaldan, Mangatarem, Natividad, San Carlos, San Fabian, Sta. Barbara, Saul, Sta. Maria, Sto. Tomas, San Quintin, at Urdaneta City.

Katuwang ang Pangasinan Federation of Persons with Disabilities, INC at Philippine Sports Association for the Differently Disabled(PHILSPADA), pinangunahan ng Provincial Social Welfare & Development Office(PSWDO) ,Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at Provincial Community Development & Training Office ang aktibidad.

Ang qualifying rounds ay dinaluhan ni Provincial Sports Coordinator Leo Arnaiz, PDAO Head Jennifer V. Garcia, PSWDO Head Annabelle Terrado Roque, Pangasinan Athlete Representative na sina Jerome Fernandez, Anthony Peralta, Leo Macalanda, at mga kinatawan ng PHILSPADA.

Nais patunayan ng kumpetisyon na hindi balakid ang kapansanan upang maikakita ang galing sa iba't-ibang sports.

Source: Province of Pangasinan

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Binmaley, Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share