29/05/2021
BAKIT NGA BA MAGANDANG MAG INVEST NG ALAHAS/GOLD?
1. Eto yung investment na pwede mong hawakan, isuot, at low maintenance pa. Kapag naputol ipa-hinang mo lang at kung gusto mo ulit mag mukhang bago pwede mong ipa-tubog. ✨
2. Lifetime ang value. ⏳Hindi ba't nung unang panahon ginto at pilak ang ginagamit pang bayad? Isa rin yan sa mga pamana ni Lola at Lolo na hanggang ngayon buhay pa.
3. Wala kang tax na binabayaran. 💰Pagkatapos mong bilhin ang alahas wala ng kasunod na babayaran, sayo na at pwedeng pwede mo na siyang gamitin at isuot.💡
4. Instant pera for emergency. 💵 Punta ka lang sa trusted mong Pawnshop para sa highest appraisal ng alahas mo. Suggest ko sa'yo Villarica Pawnshop. 🏦 Safe ka, Sure ka, Special ka. (Missing my colleagues) 😊 Pwede mo rin itong ibenta sa magandang halaga.
5. Pricey raw ang gold, siguro? Pero lahat naman napag-iipunan. Kung nakakabili ka ng worth 1,000 pesos na make ups, shoes, bags, etc. 💄👜👟👠 kayang kaya mo rin ma afford ang gold. Hindi naman masamang bumili ng mga gusto natin pero bakit hindi hanggang bata pa ay may investment ka? Ayoko lang masayang ang iba mong pera. 💸 Sa panahon ngayon kailangang maging wais. Hindi porke narinig mo ang salitang investment ay matatakot ka na, basta wag sa scam.
6. Tumataas ang value ng alahas katulad ng lupa. 🤩 May good news at bad news sa gold market. Yung good news, yung mga nakabili na o nakapag invest na ng gold congrats dahil tumaas ang value ng alahas ni'yo. Pero ang bad news kung bibili ka palang ng alahas mas mataas na ang price. Kaya wag ng mag alinlangan pa, kelan ka pa mag invest? ⏰
7. Hindi nawawala sa uso. Ang designs ng gold paikot ikot lang yan at marami pa ring mahilig sa mga antiques. Basta ingatan lang sa masasamang loob. 🔐
8. Good choice. ✔️Good decision. ✔️
Hindi tayo against sa mga fancy jewelries dahil yan yung unang kaya nating bilhin, pauso ni Jolina Magdangal. 😅 Hindi rin nakakapang hinayang kung mawala pero kung pagsasamahin mo ang mga nagastos mo siguro nakabili ka na rin ng real gold na hindi lang isang gamitan kundi pang matagalan. 🤔
Kapag dumating ang panahon ma-appreciate mo ang lahat ng 'to kapag ikaw mismo napatunayan mo na mas mataas na ang presyo ngayon ng alahas mo kesa sa pagkabili mo noon. Sigurado ako matutuwa ka. 😉
GOLD never gets OLD always Stay Gold. 💍♥️