15/04/2021
Disclaimer: Sobrang haba 😂
As I walk on my journey sa Young Living sobrang dami kong natutunan at narealize.
Natutunan ko na maging matured sa mga bagay bagay, the way I live my life. Still on the process kasi di naman madaling baguhin ang ugali na nakasanayan na.
Yung mga treatment or relationship kay God, sa family, kaibigan at mga di pa kakilala.
Paano nangyari?
I lost my job. Yes nawalan po ako ng trabaho. Nadrepress ako, ayoko ng may kausap, lagi ako naiiyak, I questioned God bakit sakin nangyari un. Single parent ako, may mga responsibilidad ako sa buhay na hindi ko maiiwasan. Naging mainitin lalo ung ulo ko. Mas naging maramdamin ako. Nag kasabay sabay na yung problema ko.
One night, para na akong mag bbreakdown sa lahat ng nararanasan ko. I cried the whole night, asking God and blaming Him for everything. Iniisip ko na di naman ako nag kulang. I praise Him, pray to Him and trust Him. But everything in my plans are ruined.
Hangang sa na alala ko ung napanood ko na preacher. He said na, think of your resources, I isipin mo san ka magaling, isipin mo ung mga bagay na meron kana, na baka matagal nang ibinigay sayo ni Lord di mo lang nakikita. And un naisip ko, wala akong enough money for capital to another business, but I have Young Living. So I message my Enroller kinabukasan.
She replied agad nung araw na un. Nakipag kwentuhan ako sa kanya sa nangyari sakin, grabe ung support nia, as in. Para kaming nag start ulit sa umpisa, before kasi sinubukan ko na pasukin ung YL Biz pero dahil sa katamaran ko ayun di ko inintindi. She send me links na pwede ko basahin at mapanood. Hangang sa ayun na nga, nag umpisa na ako ulit.
Nakakatuwa kasi parang ung universe umaalign sa nang yayari, lahat ng class naayon sa kailangan ko to start.
Nakakilala ako ng mga ibat ibang tao, narinig ko ung mga experiences din nila with YL. Sobrang daming classes ni YL na sobrang nakatulong talaga sa depression at personality ko that time. So I decided na sabihin sa family ko na wala na akong trabaho, ishare sa kanila ung naranasan ko ng naka smile. (Tinago ko kasi sa kanila before)
As time goes by, sobrang daming classes ang naattendan ko at talagang nag grow ung attitude ko towards life. Di na ako laging galit sa anak ko, I learn to respect him also and let him gawin ung mga bagay na kaya na nia, maging responsable tao na sya na kahit wala ako kaya nia gawin(over protective kasi ako sa kanya).
Natuto din ako maging open sa family ko, since sila nman talaga ung nanjan in times of trouble. Mas nakakapagkwento na ako sa kanila ngaun.
I also learn to truly love my partner, mas maayos kami ngaun, less away, mas iniintindi na ung isat isa. You know why, I learned to respect him and understand the situation before ako mag bunganga. Totoo na kung ano ung ipakita mo sa tao ganun din ung ibabalik nila sayo. Dati kasi I see my self na mas mataas sa kanya, na ako dapat ang ruler at hindi sya. Na ako palagi ang tama. Na naasakin lang lahat ng sacrifices, kaya ang result, lagi kami nag aaway. But when I open my heart and mind, dun ko nakita na marami pala akong mali. Yes mas malaki ako kumita kesa sa kanya dati but it doesn't mean na mas magaling ako sa kanya. So I love him the way he deserve. So ganun din sya sakin ngaun.
Dahil sa nangyari sakin, sobrang daming blessing ung mga nakita ko na ngaun. Di lang about financial ang blessings. Dati iniisip ko, pag marami akong pera, blessed ako. Pero ngaun, halos di ko na mabilang sa kamay ko ung blessings ni Lord sakin. Simula sa pamilya, kaibigan at hangang sa pamumuhay. Kaya I will always thank God for showing me this. Totoo na ang failure is also a success. Ung pag kawalan ko ng trabaho, dati nakikita ko sya as negative na nangyari sa buhay ko dahil sa dami ng problema na binigay sakin, pero hindi pala, kaya pala nagyari yun is para mabago ako. Mabago ung pamumuhay ko. Maging healthy, maging responsable, maging mapag bigay at mapagintindi, matuto rumespeto, mas maging malapit kay Lord at sobrang dami pa. Kaya I wrote this just to share my experiences na baka sakaling makatulong din sa inyo.
Follow your heart desire base on God's plan. ❤️ Kaya for me, Oiling Journey is not just an oiling journey. It change my life perception and help me grow. For my enroller, who used by God, thank you and iloveyou ng sobra ❤️❤️❤️. This is not the end but the start of a new beginning.