Camp Inspectors S1E05: Canned Squid in Natural Ink
PUSIT?🦑 PUSH IT!
Trying out canned pusit today para sa extra-ordinary na kakaibang kainan! Mula camping hanggang tiyan, adventure ang hanap.
#DeLataSerye #PinoyScouTV
Camp Inspectors S1E04: Vienna Sausage
Makalipas ang isang taon, nagbabalik ang Camp Inspectors: The De-lata Series! Na-miss mo ba? Sa-Vienna eh!
Sa ikaapa na episode, tunay nga bang small and mighty ang Vienna Sausages? Samahan ninyo kami sa napakasarap(?) na taste test na ito.
#DeLataSerye #PinoyScouTV
SCOUT MASTER'S TALE: Alfredo and Lucia Soon
Ang tagumpay bilang isang Scout master ay hindi lang makikita sa mga dekorasyon at medalyang nakasabit sa leeg o nakasuot sa uniporme.
Sa isang pambihirang pagkakataon, nakapanayam namin ang mag-asawang sina Mr. Alfredo Soon at Mrs. Lucia Soon, kapwa Scout masters ng mga Filipino-Chinese Schools sa Metro Manila. Alamin natin ang kanilang naratibo at kung ano ang mga bahagi ng kasaysayan na tila hindi itinuturo o kinikilala.
Sila rin ay bahagi ng pinakamalawak na samahang Scouting ng mga Chinoy Schools—ang Friends of Scouting, na siya namang nagpakilala ng tinatawag na Christmas Camps.
Halina't matuto sa kanilang kwento.
Camp Inspectors S1E03: Tuna Flakes in Oil
ISDA PA RIIIIN pero this time, nakakaangat tayo. Sa ikatlong episode ng Camp Inspectors Season 1: The De-lata Series, siyam na iba't-ibang brand ng Tuna Flakes in Oil ang ating titikman.
Alin nga ba ang swak sa panlasa ng mga Scouts?
#DeLataSerye #PinoyScouTV
Camp Inspectors S1E02: Fried Sardines (Tausi)
Sa pagapatuloy ng ating Sardine Culture, kakaibang sardinas naman ang binuksan at tinikman ng ating mga Camp Inspectors. Siyempre, wala tayong papalampasin dahil nasa huli ang pag-ta-tausi.
#DeLataSerye #PinoyScouTV
Camp Inspector S1E01: Sardines in Tomato Sauce
Sa pinakaunang season ng Camp Inspector, pag-usapan natin ang go-to baon ng mga Scouts tuwing may camping o activity—ang de-lata. At sa unang episode, siyempre, Sardines in Tomato Sauce agad na madalas nating bilhin kay Aling Nena.
Iba-iba ang pangalan, iba-iba ang timpla. Alin ang swak sa panlasa ng mga #Scouts? Panoorin ang aming De-lata Series.
#DeLataSerye #PinoyScouTV
Forda taste test ang mga fersons. Abangan ang pinakabagong palabas ng PinoyScouTV! #delataserye #scoutsph. Ano ang pinakamasarap na sardinas para sa'yo?
Scout Master's Tale: Antonio Merino Part 2
Sa ikalawang bahagi ng eksklusibong panayam kay Antonio Merino, ibinahagi niya ang kanyang saloobin lalo na at nasa huling taon na siya ng serbisyo bilang isang professional staff ng Boy Scouts of the Philippines at BSP-Quezon City Council.
Masasabi niya kayang wala siyang pinagsisihan sa ilang dekadang sakripisyo at paglilingkod para sa Scouting?
Scout Master's Tale: Antonio Merino Part 1
Kilalanin natin ang isa sa mga beteranong Scout Master ng Boy Scouts of the Philippines.
Si Antonio Merino ay kasalukuyang Council Scout Executive ng BSP-Quezon City Council, isa sa nagtatag ng mga unang community Rover Circle sa Quezon City mula noong bumalik ito sa programa ng Boy Scouts of the Philippines noong 1992.
Panoorin ang unang bahagi ng kanyang kwento.
Ready, Scouts, Go Episode 1: Hiking sa Scouting
Sinamahan namin ang Christian Community Scouting sa kanilang hiking adventure sa isang eco reserve sa Quezon City.
Alamin natin kung ano nga ba ang naramdaman ng mga Scouts sa kanilang unang adventure matapos ang higit dalawang taong "online Scouting" dahil sa restriksyo na dulot ng pandemya.
Scout Master's Tale: Florencio B. Antonio
Dekorado, respetado, at sa edad na 77 ay nanatiling tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin—ang paglilingkod sa Diyos at Bayan—hindi natinag ng pandemya ang kanyang pagkilos sa loob at labas ng kilusang Scouting.
Sama-sama nating kilalanin si Scout Leader Florencio B. Antonio.
Gulayan sa Lungsod, posible!
Marami na ang sumubok mag-urban gardening, ngunit hindi lahat ay napapanatili ang pagiging sustenable nito.
Panoorin ang aming panayaw kay Kagawad Jojo Reyes ng alon Dos, Las Piñas City kasama si Ate Pia at pag-usapan natin kung paano nga bang napanatiling buhay ang isang hardin sa gitna ng lungsod.