03/08/2023
ππππππππ πππππππ ππππ ππ ππππππ ππππππππ ππππ, πππππ-πππππππ ππππππππ ππ πππππππ πππππππ ππππ ππ πππππππ ππ ππππππππ ππππππ ππ πππππππππ ππ ππππππππ ππππππππ ππππ
Ang atleta mula sa Puerto Princesa City ang kauna-unahang nakapag-uwi ng gintong medalya para sa koponan ng MIMAROPA Tamaraws. Ito ay ang swimming athlete mula na si Quendy B. Fernandez para 100 meters backstroke swimming event.
Sa inilabas na Partial and Official Medal Tally sa ikalawang araw ng ginaganap na Palarong Pambansa 2023 sa Marikina City, Metro Manila, mayroon nang 1 ginto, 2 pilak at 8 tanso ang koponan ng MIMAROPA Tamaraws kung saan kabilang ang mga atleta ng Puerto Princesa City at Palawan.
Samantala, sa isang elementary double girls badminton event kanina, nanalo ang pambato ng MIMAROPA laban sa Cordillera Administrative Region (CAR). Ang mga atleta ay mula din sa lungsod ng Puerto Princesa na sina Wynne Khane Althea Q. Villaver at Dea Jandrea Lanuza ng Francisco Ubay Elementary School.
Kung ang gintong medalya ang pagbabasehan, nangunguna sa ikalawang araw ng Palarong Pambansa 2023 ang koponan ng Calabazon The Heroes na may kabuuang labinwalo (18). l BNI
.8