21/02/2022
ELEKSYON NA NAMAN
BY: JAYCEE ZIV
Dito po sa aming bayan, Eleksyon na nman
Mga tao’y nagkakagulo, sila’y nagkukuwentuhan
Sino daw bang kandidato, kanilang napupusuan
Kanilang iboboto, sa darating na halalan.
Talagang laging masaya, kapag time ng eleksyon
Panu kasi’y mga tao, kanya kanyang kontribusyon
Mga tatakbong kandidato, iba’t-ibang posisyon
Kanya kanyang pakulo, para iboto ng nasyon.
May mga nagsasabing sila’y galing sa mahirap
Meron din nmang magbibigay ginhawa at sarap
May mga makakalikasan, sa tao’y humaharap
Mayroong may galing at talino, may simple at payak.
Ako’y naiiling na lang, pag ako’y nakakakita
Ng mga iba’t-ibang posters, naglipana sa eskinita
Sa mga poste at mga bakod, nagkakapit sila
Animo’y mga sampayan, nakahambalang sa kalsada.
Paggising sa umaga, inyo nang maririnig
Sari-saring jingle, samut-saring tinig
Mayroong tugtog na rock, may nakakakilig
May pampatulog ng bata, at may pampasakit dibdib.
Ang mga kandidato, kanya kanyang diskarte
May mga kumakamay, may ads pa sa TV
May kumakanta’t sumasayaw, na parang bibe
Mayroong nagdedebate, at may nagpapapogi.
Ang mga botante nman ating pag-usapan
Sila’y di magkamayaw, may mga nagpupustahan
May nagbebenta ng boto, may tumatanggi din nman
Mayroong may prinsipyo kahit kumulo ang tiyan.
Ako nama’y naaawa sa kapatid nating mangyan
Sila’y na eexploit, dahil b sila’y mangmang?
O di kaya nma’y binebenta ng kapwa kasamahan
Sa mga pulitikong mataas ang pinag-aralan.
Kaydaming bago ngayon, sa panahon ng eleksyon
Pagboto daw namin, ginawa nilang automation
Boto’y makina ang bibilang, walang human intervention
Magiging maalwan at madali, walang kunsumisyon.
Pero mga tao’y nagdududa, ala nga bang dayaan?
Dahil lagi na lang yon ang dahilan tuwing may halalan
Kapag kandidato’s natalo, DINAYA ang katwiran
Kapag nanalo nama’y, mahal siya ng mamamayan.
Sa mga kapwa ko botante, aking maipapayo
Lagi pong tatandaan, boto ninyo ay sagrado
Isiping mabuti ibobotong kandidato
Iyong may takot sa Diyos, at may kapwa tao.
Ang dignidad ng bayan, sa kamay natin nakasalalay
Demokrasyang nakamit, puhunan ay buhay
Nang mga bayani, sa mga kamay ng kaaway
Noong unang panahon, tayo’y wala pang malay.
Sa mga kandidato, ang halalan ay isang araw lamang po
Kung kayo’y matatalo, tanggapin ng buong puso
Hindi pagkakaunawaan, atin na ngayong iwasto
Kapayaan ay ialay, wag nang dumanak ng dugo.
Bilang pagtatapos, ang akin pong dinarasal
Nawa’y lahat tayo’y, pagpalain ng Maykapal
Tayo’y iisang lahi, Lahi tayo ng marangal
Tayo’y mga PILIPINO, Pag-unlad nati’y daratal!
*Ang tula na pinamagatang ELEKSYON NA NAMAN ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahalagahan ng karapatan sa tamang pagboto sa eleksyon sa Pilipinas. Ang tulang ito ay para ipabatid sa lahat na mahalaga ang bumoto ng tamang taong may malasakit sa tao at kayang paunlarin ang bayan.
TEAM ALVIN WINS SOLID!!
Alvin Uy
Winster Pua
Nancy Bautista
B**g Cutaran
Michael Etrata
Cesar Frogozo
Pedrito "Ped" Galanza
Jackson Lacaste
Glee Quitola
Roland Tagangin
/7