
15/06/2025
“Average fathers have patience. Good fathers have more patience. Great fathers have an ocean of patience.” — Reed Markham
Kaya napakaSwerte mo kabayan kung ang pagkatao ng iyong ama ay ganyan...🙏🙂
Mahaba ang pasensya, marunong makipag-usap, rumespeto at gumalang sa mga anak. Kung ganun ay siguradong sila yung kayang magpagal at maghanap-buhay hanggat kaya dahil sila ay may tiyaga at sipag para magkaroon ng sapat na kita o kabuhayan para sa sarili at sa pamilya... BAKIT...? Dahil sa pasensya din nagmumula ang pagiging maintindihin at hindi pagiging makasarili...
(Nakita ko lang po ito sa Net, CTTO)
NapakaSwerte ng mga anak na mayroong Ama na pinaparamdam ang buong suporta sa mga anak sa anumang pagkakataon at panahon...
Lagi po nating tatandaan na ang RESPETO ay mutual kaya po kung nakikita naman natin ang respeto sa atin ay ibigay din po natin ng buong-buo ito sa ating mga AMA o Magulang...
HAPPY FATHERS DAY po sa inyong mga ama na nagpapagal para sa pamilya! Saludo po kami sa inyong mga marespetong ama! 🎉🙂