GO Makati

GO Makati Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from GO Makati, Media/News Company, .
(2)

Maligayang Araw ng mga Bayani! 🫡
26/08/2024

Maligayang Araw ng mga Bayani! 🫡

NEW TSIKOT UNLOCKED 🔓TINGNAN: Kahapon, pormal nang ibinigay ng Cherry Auto Philippines kay Philippine Olympian two-time ...
23/08/2024

NEW TSIKOT UNLOCKED 🔓

TINGNAN: Kahapon, pormal nang ibinigay ng Cherry Auto Philippines kay Philippine Olympian two-time Gold Medalist Carlos Yulo ang brand new SUV na Cherry Tiggo 7 Pro para sa kanyang tagumpay na ibinigay sa bansa noong nagdaang Paris Olympics 2024.

Ang nasabing Sports Utility Vehicle (SUV) ay nagkakahalaga ng ₱1,250,000.

Matatandaang binigyan din si Yulo ng Toyota Philippines ng Toyota Land Cruiser Prado.

📸/Source: Cherry Auto Philippines

RESULTS ARE OUT, RCRIM! 🤙🏻BASAHIN: Ngayong araw, inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng ...
23/08/2024

RESULTS ARE OUT, RCRIM! 🤙🏻

BASAHIN: Ngayong araw, inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng isinagawang Criminology Licensure Examination (CLE) noong ika-31 ng Hulyo hanggang ika-2 ng Agosto.

Mahigit kalahati (11,121 out of 22,539) ng examinees ang tagumpay na naipasa ang CLE 2024.

Pagbati sa mga bagong Criminologists!

Source: PRC Board
https://www.prcboard.com/top-10-july-august-2024-criminologist-board-exam-results/

20/08/2024

PANOORIN: Umulan ng yelo sa isang golf course sa Makati City sa gitna ng isang thunderstorm nitong Lunes ng hapon, Agosto 19.

🎥: Contributed video



TINGNAN: Makapal at itim na usok ang nagmumula sa isang sunog sa isang gusali malapit sa hangganan ng Bangkal at Pio del...
29/07/2024

TINGNAN: Makapal at itim na usok ang nagmumula sa isang sunog sa isang gusali malapit sa hangganan ng Bangkal at Pio del Pilar sa Makati City ngayong Lunes, Hulyo 29.

Maririnig ang mga sirena ng mga bumbero sa paligid na rumeresponde sa nagaganap na sunog.

Source/📷: INQUIRER



PRAY FOR METRO MANILA, PRAY FOR THE PHILIPPINES 🙏🏻🇵🇭
24/07/2024

PRAY FOR METRO MANILA, PRAY FOR THE PHILIPPINES 🙏🏻🇵🇭

Inaresto ng mga awtoridad ang isang dayuhan matapos nitong nakawin ang SUV ng isang senior citizen sa Barangay San Loren...
15/07/2024

Inaresto ng mga awtoridad ang isang dayuhan matapos nitong nakawin ang SUV ng isang senior citizen sa Barangay San Lorenzo, Makati kamakailan.

Ayon kay Police Colonel Cutiyog, chief of police ng Makati, nahagip ng CCTV ang insidente ang nakaparadang SUV sa Arnaiz Avenue bandang alas-dos ng hapon noong Linggo. Lumipas ang ilang minuto, lumapit ang suspek, binuksan ang sasakyan, at umalis sakay nito.

Ang SUV ay pagmamay-ari ng isang 79 anyos na lalaki at kanyang anak, na iniwan ang sasakyan habang bumibili ng gamot.

"Dahil itong dalawa is pinarada iyong sasakyan at pumunta sa isang drugstore para bumili ng gamot. Naalala lang ng driver, nakalimutan ko pala i-off ang ano, and then keyless din ang susi so nasa loob din yung susi sa loob ng sasakyan so pagbalik nila after 15 minutes wala na silang makitang sasakyan," saad ni Cutiyog.

Agad silang humingi ng tulong sa pulisya, na naglunsad ng hot pursuit operation at natunton ang sasakyan sa Dasmarinas, Cavite.

Naaresto ang suspek sa Pasay Road ilang oras matapos ang insidente. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng PNP ang kanyang nationality at anumang kriminal na rekord sa Bureau of Immigration.

Nakadetina ang suspek sa Makati Police at nahaharap sa kaso sa ilalim ng RA 10883 o New Anti-Carnapping Law.

Source: ABS-CBN News
Photo: Makati Police



You will discover the beauty of the past and explore the masterpieces in this modern museum This is the perfect spot to ...
10/07/2024

You will discover the beauty of the past and explore the masterpieces in this modern museum

This is the perfect spot to have fun while learning something new with your friends, family and other half! ❤️

AYALA MUSEUM
📍Greenbelt Park, Makati Avenue, corner Dela Rosa Street, Ayala Center, Makati




BAGONG KOLUMBARYO, BINUKSAN NA PARA SA MAKATIZENSBASAHI: Binuksan na ng Pamahalaang lungsod ang Makati Columbarium Park ...
10/07/2024

BAGONG KOLUMBARYO, BINUKSAN NA PARA SA MAKATIZENS

BASAHI: Binuksan na ng Pamahalaang lungsod ang Makati Columbarium Park sa Brgy. Valenzuela na magbibigay ng malaking discount para sa mga residente ng Makati City.

Pinangunahan nina Mayor Abby Binay at mga kinatawan ng Makati sa Kongreso na sina Rep. Luis Campos at Rep. Romulo Peña.

Sa naging talumpati ng alkade ng lungsod sinabi niyang magiging abot-kaya ang serbisyo ng cremation para sa mga yumaong Makatizens at magbibigay din ng 50% discount ang lokal na pamahalaan para sa mga Senior Citizen at 30% naman para sa mga residente ng lungsod.

Source: Manila Standards

CLINIC NG MGA CHINESE POGO WORKERS, NILUSOB NG NBIBASAHIN: Nagsagawa ng raid ang National Bureau of Investigation sa isa...
10/07/2024

CLINIC NG MGA CHINESE POGO WORKERS,
NILUSOB NG NBI

BASAHIN: Nagsagawa ng raid ang National Bureau of Investigation sa isang pasilidad sa San Isidro, Makati City na hinihinalang Clinic ng mga Chinese POGO workers noong Sabado.

Ayon sa NBI, rehistrado ang nasabing clinic bilang botika at nagbebenta rin umano ito ng hindi rehistradong Chinese medicines.

Sa isinagawang raid, may nakitang apat (4) na pasyenteng Chinese at pitong mga Pilipinong nagtatrabaho rito na dalawa ay kinumpirmang Doktor.

Samantala, dalawang Chinese na doktor naman ang umiskapo sa isinagawang operasyon ng NBI.

Source: GMA Integrated News

LOOK: BTS-themed booths are now open at One Ayala mall in Makati City, offering fans opportunities to take photos, purch...
05/07/2024

LOOK: BTS-themed booths are now open at One Ayala mall in Makati City, offering fans opportunities to take photos, purchase merchandise, and enjoy more activities as part of the '2024 Pearl Army Festa.' The event will continue until July 7.

Source: ABS-CBN News



SEN. JUAN EDGARDO ANGARA, ITINALAGA BILANG BAGONG KALIHIM NG KAGAWARAN NG EDUKASYONBASAHIN: tinalaga ni Pangulong Ferdin...
02/07/2024

SEN. JUAN EDGARDO ANGARA, ITINALAGA BILANG BAGONG KALIHIM NG KAGAWARAN NG EDUKASYON

BASAHIN: tinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Sen. Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang bagong Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at magiging epektibo ang bagong liderato sa darating na ika-19 ng July.

Source: Presidential Communications Office

Patay ang isang babaeng rider sa aksidente sa Buendia Flyover sa Makati nitong Linggo ng umaga, Hunyo 30.Ayon sa traffic...
01/07/2024

Patay ang isang babaeng rider sa aksidente sa Buendia Flyover sa Makati nitong Linggo ng umaga, Hunyo 30.

Ayon sa traffic enforcer ng Makati Public Safety Department, nakahiga sa gitna ng kalsada sa flyover ang babae nang makarating sila sa pinangyarihan ng insidente.

Tumalsik ang helmet nito, at napag alaman na natamaan ang visor nito ay ng metal sa isa sa mga kalapit na post, batay sa ulat sa isang online exclusive sa "24 Oras Weekend" ng GMA noong Linggo.

Hinihinalang mabilis ang pagmamaneho ng rider habang papunta sa Bonifacio Global City. Samantala, iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad kung nabanggaan ng biktima ang iba pang sasakyan.

Source: GMA News
Photo: Super Radyo DZBB/ Mao Dela Cruz



MAYOR ABBY BINAY, BUMUWELTA SA DESISYON NG COMELECBASAHIN: Isang ’Denial of Democracy’ kung tawagin ni Mayor Abby Binay ...
29/06/2024

MAYOR ABBY BINAY, BUMUWELTA SA DESISYON NG COMELEC

BASAHIN: Isang ’Denial of Democracy’ kung tawagin ni Mayor Abby Binay ang naging desisyon ng Commission on Election (COMELEC) sa hindi pagpayag na bumoto ang mga taga-Barangay Embo sa kanilang napupusuang kinatawan para sa Halalan 2025.

Giit ng Alkalde isa ang pagboto ng mga residente ng Barangay Embo sa kanilang kinatawan sa Kongreso sa basic principle ng umiiral na demokrasya sa bansa.

Hinikayat naman ni Mayor Binay na ipaglaban ng Taguig LGU ang karapatan ng mga residente ng sampung barangay na dating sa Makati City na makaboto ng kinatawan nila sa darating na Midterm Election sa Mayo 2025.

8,980 PASYENTE, NABIGYAN NG FREE CHEMOTERAPHY SESSION NG MAKATI LGUBASAHIN: 8,980 na mga pasyente ang naging benepisyary...
29/06/2024

8,980 PASYENTE, NABIGYAN NG FREE CHEMOTERAPHY SESSION NG MAKATI LGU

BASAHIN: 8,980 na mga pasyente ang naging benepisyaryo ng libreng Chemotherapy session ng Pamahalaang lungsod ng Makati noong Lunes, ika-24 ng Hunyo.

“Chemo is more expensive than dialysis because the type of medicine needed varies from patient to patient. We have patients with bills over P130,000 for a single session, and Philhealth only covers a maximum of P7,280. Most cancer patients cannot afford that, but our Yellow Card holders pay absolutely nothing,” wika ni Mayor Binay.

Ayon kay Mayor Abby Binay sinimulan ang programang ito noon pang 2020 at ipinagpapatuloy sa lungsod dahil prayoridad ng lokal na pamahalaan ang healthcare ng bawat Makatizen.

2 RIDER NA NANGHOLDAP GAMIT ANG REPLIKANG BARIL, ARESTADOBASAHIN: Arestado na ang dalawang rider na nangholdap gamit ang...
29/06/2024

2 RIDER NA NANGHOLDAP GAMIT ANG REPLIKANG BARIL, ARESTADO

BASAHIN: Arestado na ang dalawang rider na nangholdap gamit ang replikang baril sa kahabaan ng Gil Puyat Ave. corner Medina St. sa Barangay Pio Del Pilar noong Hunyo 22.

Kinilala ang biktima bilang si John, ayon sa kanya tinangay ang kayang cellphone nagkakahalaga ng P30,000 at matapos niyang magtungo sa Pulisya ay agad na umaksyon ang mga ito upang matunton ang mga suspek na nakasakay sa kulay asul na Yamaha Mio na walang plaka.

Sa isinagawang operasyon ay namataan nila ang mga ito sa Amorsolo St. coner Dela Rosa St. sa Barangay San Lazaro at nadakip ang isa sa suspek na may hawak na replikang baril sakay ng motorsiklo.

Samantala, nakatakas man ang suspek na kinilalang si Anthony sa operasyon ay natunton naman siya sa kanilang bahay ng Makati City Police SWAT at agarang inaresto.

DIGONG, PULONG AT BASTE, KAKANDIDATONG SENADOR SA 2025 💚🤍🇵🇭BREAKING NEWS: Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte sa is...
25/06/2024

DIGONG, PULONG AT BASTE, KAKANDIDATONG SENADOR SA 2025 💚🤍🇵🇭

BREAKING NEWS: Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview ang pagtakbo sa Senado ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang dalawang kapatid na sina Rep. Pulong Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte sa darating na Halalan 2025.

“Yes, tatlo ang Duterte next year for Senator" pag kumpirma ni VP Inday sa pagtakbo sa Senado ng kanyang ama at mga kapatid.

Sa hiwalay na ulat, nauna nang naghayag na na tatakbo muli sa darating na halalan ang kaalyado ni Former President Duterte na sina Sen. Christopher B**g Go at Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa bilang kinatawan ng Mindanao sa Senado.

Inaasahan na ang alyansang ito ang magiging oposisyon ng Administrasyon at ipagpapatuloy ang nasimulang adhikain na sugpuin ang kriminalidad at iba pang programa ng nakaraang administrasyon.

REP. CAMPOS, NAIS BIGYAN NG DEADLINE ANG MGA TELCO UPANG MAPABUTI ANG SERBISYO SA BANSABASAHIN: Hinimok ni Makati City 2...
25/06/2024

REP. CAMPOS, NAIS BIGYAN NG DEADLINE ANG MGA TELCO UPANG MAPABUTI ANG SERBISYO SA BANSA

BASAHIN: Hinimok ni Makati City 2nd District Rep Luis Campos Jr ang pamahalaan na bigyan ng deadine ang pagpapabuti ng serbisyo ng mga Telecommunications Company (TELCO) sa Piipinas matapos mag average ng 32.12 megabits per second (Mbps) ang internet noong nakaraang buwan.

Sa isang panayam, naglabas ng hinaing si Rep. Campos sa mga TELCO at pinuntong hindi sapat ang serbisyong ginagawa ng mga ito sa mamamayang Pilipino.

Matatandaang may isinagawa nang hakbang ang Kongreso ukol sa problema sa internet connection ng Pilipinas at hinihintay na lamang nila na maisabatas ito upang managot ang mga kumpanya sa hindi pagsasaayos ng serbisyo ng mga ito sa bansa.

Source: Philippine News Agency

BINI RUN 2024 👟LOOK: The Nation's Girl Group BINI and their 6,000 Blooms run together along Roxas Boulevard in Manila to...
23/06/2024

BINI RUN 2024 👟

LOOK: The Nation's Girl Group BINI and their 6,000 Blooms run together along Roxas Boulevard in Manila today, June 23.

📸: ABS-CBN News

Enjoy the longest day and shortest night today, Makatizens! 💙🤍
21/06/2024

Enjoy the longest day and shortest night today, Makatizens! 💙🤍

20/06/2024

PANOORIN: Pangha-harass ng mga Chinese Coast Guard sa tropa ng Philippine Coast Guard sa Ayunging Shoal, naaktuhan.

Video Courtesy: , X

TINGNAN: Dumalo ang fur parents kasama ang kanilang magagandang mga pusa sa unang World Cat Federation World Cat Show sa...
15/06/2024

TINGNAN: Dumalo ang fur parents kasama ang kanilang magagandang mga pusa sa unang World Cat Federation World Cat Show sa One Ayala sa Makati City noong Biyernes, Hunyo 14.

Ito ay isang prestihiyosong kumpetisyon na magpuputong sa mga huwarang pusa upang ipagdiwang ang kagandahan ng pusa.

Source/📷: ABS-CBN News



IT'S NATIONAL BINI DAY! ♥️TINGNAN: Ang mga tagahanga ng P-Pop sensation na BINI ag nagtipon at nakilahok sa iba't ibang ...
11/06/2024

IT'S NATIONAL BINI DAY! ♥️

TINGNAN: Ang mga tagahanga ng P-Pop sensation na BINI ag nagtipon at nakilahok sa iba't ibang aktibidad bilang bahagi ng 'National Bini Day' sa One Ayala Mall sa Makati City upang markahan ang 3rd anniversary ng girl group.

Source/📷: ABS-CBN News



TINGNAN: Inilunsad ang Pagsibol: Philippine Horticulture and Urban Agriculture Summit sa One Ayala Mall sa Makati City k...
07/05/2024

TINGNAN: Inilunsad ang Pagsibol: Philippine Horticulture and Urban Agriculture Summit sa One Ayala Mall sa Makati City kamakailan.

Source/📷: PNA



'UNDERGROUND WALKWAY OF MAKATI CBD'Matatagpuan sa lungsod ng Makati ang pinakamahabang pedestrian underpass network sa S...
27/03/2024

'UNDERGROUND WALKWAY OF MAKATI CBD'

Matatagpuan sa lungsod ng Makati ang pinakamahabang pedestrian underpass network sa Southeast Asia.

Ang naturang underground walkway ay may mga magagandang likhang sining ng mga mahuhusay na artistang Pilipino.

Source: Make It Makati via Rising Philippines



Lost in the golden hues of the hour that steals our breath away. 💓--Get featured on our page!📩: info@letsgomediagroup.co...
23/03/2024

Lost in the golden hues of the hour that steals our breath away. 💓

--
Get featured on our page!
📩: [email protected]

📷: via Circuit Makati/Facebook



'KNOCK KNOCK, PEEPS!' Envision a world where recycled art is not just an aesthetic choice but a powerful statement about...
28/02/2024

'KNOCK KNOCK, PEEPS!'

Envision a world where recycled art is not just an aesthetic choice but a powerful statement about resourcefulness and conservation. 🫶✨


--

📍 Ayala Malls Circuit, Makati City
📷: Make It Makati/Facebook

--

Get featured on our page!
📩: [email protected]




TINGNAN: Inilunsad ng Department of Tourism - Philippines ang rutang Hop-On Hop-Off Entertainment Hub kamakailan.Ang bag...
08/02/2024

TINGNAN: Inilunsad ng Department of Tourism - Philippines ang rutang Hop-On Hop-Off Entertainment Hub kamakailan.

Ang bagong ruta ay mayroong 13 bus stop para i-highlight ang iba't ibang "entertainment hotspots" sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque.

Source/📷: PNA

TINGNAN: Kamakailan ay ginanap ang ika-75 taong selebrasyon ng pagkakatatag bilang Republika ng India sa isang hotel sa ...
27/01/2024

TINGNAN: Kamakailan ay ginanap ang ika-75 taong selebrasyon ng pagkakatatag bilang Republika ng India sa isang hotel sa Makati City.

Sa naturang selebrasyon, highlight ang ang ugnayan ng Pilipinas at bansang India.

Source/📷: Radyo Pilipinas

HYUNDAI IONIQ 5 ELECTRIC CARS, IPINAGKALOOB SA LUNGSOD NG MAKATITINGNAN: Nakatanggap ang Lungsod ng Makati ng limang Hyu...
18/01/2024

HYUNDAI IONIQ 5 ELECTRIC CARS, IPINAGKALOOB SA LUNGSOD NG MAKATI

TINGNAN: Nakatanggap ang Lungsod ng Makati ng limang Hyundai IONIQ electric cars mula sa Hyundai Philippines.

Inaasahang magsusulong ng sustainability sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga electric vehicle sa public safety fleet ng naturang lungsod.

Source/📷: United Alliance of 10 Barangays/Facebook

Address


Website

http://gostudio.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Makati posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Makati:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share