04/09/2022
4 Study Tips para sa mga Engineering Students 📚
1. Wag ka mag-aaral dahil gusto mo lang makapasa. MAGARAL ka para MATUTO.
Kailangan mo ng mas malalim na motivation para mas sipagin ka magaral. Isipin mo lagi yung goal mo na maging isang magaling at successful na ENGINEER. Isipin mo yung mga pangarap mo sa sarili at pamilya mo. Makakatulong ito para hindi ka kaagad sumuko kapag humihirap na yung mga inaaral mo.
2. Wag ka lang basta magsasaulo ng mga formulas, methods at terms. Intindihin mo yung mga ENGINEERING CONCEPTS, PROCESSES at LAWS.
Para kahit magbalibaligtad o first time mo ma-encounter yung mga tanong sa exam ay makakaisip ka pa din ng mga proseso kung papano masasagutan yung mga tanong.
3. Walang sikreto sa engineering kundi magaral ng mabuti. STUDY HARD and SMART.
Magsolve ka ng magsolve ng math at engineering problems, magbasa ng engineering books at manood ng videos related sa engineering. Paulit ulit lang.
Balik balikan mo yung mga inaaral mo hanggang maintindihan mong mabuti at ma-master mo. Tamang disiplina lang talaga.
4. Napakaimportante ng RELAXATION at RECOVERY. Wag na wag mong kakalimutan ang magpahinga at i-enjoy yung proseso ng pagaaral. BALANSE lang!
Normal lang na tamarin, ma-stress at ma-burnout sa engineering. Lahat ng engineering students na engineer na ngayon ay dumaan sa ganyang sitwasyon. Sa mga ganitong panahon ay wag kang masyadong maging hard sa sarili mo. Wag mo lalong i-pressure ang sarili mo dahil hindi ito makakatulong.
RELAX lang. Magpahinga ka lang muna ng ilang araw. Tapos ay alalahanin mo uli yung mga goals at dreams mo at magsimula ka ulit. Minsan kailangan mo lang ulit magSIMULA para sipagin at ma-motivate.
- Engr. Nick Salomon
-
📷: Picture to noong 4th year ako at dinedesign ko yung steering system ng eco-car project namin :D