20/12/2022
SA pamamagitan ng SIKRETA kolum ay ipinaaabot natin kay Criminal Investigation and Detection Group Chief Maj. Gen. Ronald Lee na gasgas na gasgas ang kanyang pangalan dahil sa panggagamit ng mga operator ng mini casino sa bayan ng Lian, Batangas at sa mga pergalan (perya at sugalan) sa mga siyudad ng Tanauan, Lipa at mga munisipalidad ng Padre Garcia, Rosario at ibang panig ng probinsya.
Upang malaman ang katotohanan, dapat na mag-imbestiga si Gen. Lee para mahinto ang balita na siya ay may kinalaman sa operasyon ng mini-casino sa katabi lamang ng Lian Public Market na may ibat ibang uri ng pasugal gaya ng sakla, mga card game tulad ng monte, pusoy, lucky nine at iba pa, ganon din ang beto-beto, high low, drop ball at marami pang iba.
Bukod sa mga iligal na sugal, mas paboritong pinagkukumpulan ng mga dumarayong sugarol mula sa ibat ibang siyudad at mga bayan sa Batangas at mga karatig na probinsya ng CALABARZON area ay ang larong bilyar dahil ang pustahan ng grupo ng magkalabang player ay umaabot sa milyones, ayon sa ating police insider.
Nakamamangha na ilang araw pa lamang ang nakararaan, umabot sa Php 3.8 milyon ang pustahan sa bilyar na ang magkatunggali ay mga dayo at kilalang mga sabungerong sugarol mula sa mga bayan ng Lemery at Agoncillo at ang kalaban ay mga taga-Lian, Tuy, Balayan na pinagwagian ng una- Lemery at Agoncillo.
Ang pustahan sa nasabing mini casino na hindi naman kalayuan sa Lian Municipal Hall at police headquarter ng Lian ay milyones, kaya isipin na lamang natin kung magkano ang umiikot na salapi at ang kinikita ng financier/ operator nito na nagpapakilalang kaibigan ni MGen. Lee kaya pati sina Batangas Provincial Director Pedro Soliba, Lian Mayor Joseph Peji at town Police Chief, Maj. Jeffrey Dallo ay hindi makaporma.
May unipormado pang pulis na nakabantay sa akala mo ay ligal na casino sa oras ng mga konsiyerto. Sino ba naman ang di maniniwala na baka nagyayabang lamang ang operator nito na kumpare si MGen. Lee, gayong maging ang ilang mga operatiba ng CIDG Batangas Provincial Office na nasa ilalim ni P/Maj. Jet Sayno ay nakikita ding nagtatambay sa naturang casino?
Bakit naman kaya parang estatwa lang sa kanyang opisina si R4A CIDG Regional Chief Col. Joel Ana, walang pakialam gayong nababalahura ang pangalan ng kanyang immediate superior?
Dahil ang mini-casino na ito ay dinudumog at malimit na nag-ooperate ng 24 oras, sinong Poncio Pilato ang maniniwala na hindi din ito alam ni PNP Region 4A Director, PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. maliban na lamang kung siya’y pinagtataguan ng impormasyon ng kanyang Regional Intelligence Officer at ng S-2 o intelligence chief ng Batangas PNP Provincial Police Office at mismong ni PD Soliba at ng hepe ng kapulisan ng Lian, Maj. Dallo, na may malaking pasugalan sa pinaka-sentro ng nasabing bayan na nasakupan ng 1st District ng Batangas.
SAKLA, STL BOOKIES AT PERGALAN SA PADRE GARCIA, TANAUAN,
LIPA, AT ROSARIO, BATANGAS DIN LANTARAN ANG OPERASYON!
HINDI lamang sa lalawigan ng Laguna, Cavite, Rizal at Quezon lantaran ang operasyon ng card game na sakla at STL con-jueteng, kundi mas matindi at malakasan ang tayaan nito sa bayan ng Padre Garcia, Batangas na ang ipinagmamalaki din ng mga operator ay ang pangalan ni CIDG Director, Maj. Gen. Ronald Lee.
At dahil sa talamak na operasyon ng saklaan sa munisipalidad ng Padre Garcia, Batangas na inooperate ng magkasosyong Tisoy at Nonit malapit sa PGMCI Rural Bank, sa Gen. Malvar Street sa lalawigan ng Batangas, ay naging dahilan ito ng dumadaming insidente ng kriminalidad na ang may kagagawan ay mga sugarol na nagugumon sa pagsusugal at ipinagbabawal na gamot.
Ngunit ang nakadidismaya’y di na nga umaaksyon ang kapulisan ay hindi pa rin kumikilos ang Batangas Provincial Government at maging ang local government unit (LGU).
Ang operasyon ng saklaan, STL con-jueteng o STL con-drug at pergalan ay napakatagal nang inerereklamo ng mga taga- Padre Garcia ngunit hindi man lang kumikilos sina Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas, Padre Garcia Mayor Celsa Braga- Rivera at Police Chief, Major El Cid Villanueva para ipatigil ang bisyong ito na front din ng bentahan ng shabu at iba pang uri ng droga.
Akala mo talaga ay ligal na ligal din ang operasyon ng sakla malapit din lamang sa mga opisina nina Maj. Villanueva at Mayora Rivera at maging ang STL bookies/ jueteng sa 18 barangay ng nasabing munisipalidad.
Hindi rin makapaniwala ang SIKRETA na parang apoy na kumakalat ang balita na ang pinakamalaking pondo na ginamit sa halalan nina Gov. Mandanas at Mayora Rivera ay nagmula sa sakla at STL con-jueteng?
Matindi ang hinala ng mga Batangueno na baka may katotohanan na may kinalaman sina Gov. Mandanas at Mayora Rivera sa gambling operation sa Padre Garcia pagkat napapabalitang ang lupaing kinatitirikan ng saklaan nina Tisoy at Nonit ay pag-aari ng gobernador?
Talaga namang tila “may tinitingnan, may tititigan” na police anti- gambling operation na inilunsad halos ay mag-iisang lingo pa lamang ang nakararaan sa CALBARZON area, pagkat tanging tatlo lamang na mga pergalan ang sinalakay ng RSOU, dalawa sa mga ito ay ang nasa Batangas City at isa sa Tanauan City Proper.
Ngunit di naman niraid o kinante, tininag ng mga ito ang mga pergalan ng isang Jovel sa Brgy. Lodlod at Brgy. Mabini, parehong sa Lipa City, Brgy. Loyus na inooperate ni Agnes, Brgy. Pagaspas na pinatatakbo ni Nikki Bakla, Brgy. Pinagtong-olan, Lipa City na minamaniobra ni Glenda, mga pinatatakbo ng isang Venice sa mga Brgy. Pansol, sa bayan ng Padre Garcia at Brgy. Bulihan, sa munisipalidad ng Rosario at sa Brgy. San Pablo, Sto. Tomas City ni alias Liza.
Kaya sila ang mga pergalistang kung tawagin ay paborito, “tinititigan” ni Gen. Nartatez Jr. at ng watchdog at reaction troop nito na RSOU.
Nag-ooperate din ang pergalan sa Brgy. Matabungkay sa bayan ng Lian, kung saan ay mayroon ding mini casino, ngunit ligtas din sa pagsalakay ng tropa ng RSOU.
Ang patuloy naman na di rin pag-aksyon ng Batangas CIDG Provincial Office sa ilalim ni Maj. Jet Sayno ay nakakasira maging sa imahe ni Maj.Gen. Lee na isa ring front-runner sa pagiging PNP Director General, karibal sina PMajor Gen. Jonnel Estomo at PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Hindi rin binubulabog ng mga bata ni Gen. Nartatez Jr. ang saklaan sa Lipa City ng magkasosyong Estole at Aying na di sinasawata ni Lipa City Police Chief Lt. Col. Ariel Azurin, kamag-anak ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. Isang Marivic naman ang nagpapasakla din sa loob ng Tombol Cockpit sa Brgy. Quilib sa bayan ng Rosario.
Parang lisensyado ang mga saklaan sa mga barangay ng Sta Clara, San Roque, San Pedro, San Francisco, at Sta. Maria ng isang Timmy at Magsino na kapwa nagpapakilalang tauhan ng alkalde ng Sto. Tomas City at kapwa asset kuno ng CIDG Batangas Provincial Office pagkat guwardiyado ang mga ito ng unipormadong pulis sa oras na malakasan ang tayaan.
Sa isinagawang raid ng RSOU, kampante naman ang grupo ng mga STL con-jueteng operator na pinangungunahan ni Ocampo, Ablao, Burgos, alias Kon. Perez, Bagsic at Cristy at ng may 30 pang mga drug dealer at STL con-jueteng operator sa Tanauan City na di sila gagambalain ng mga tauhan ni Gen. Nartatez Jr.
Dadako naman tayo sa probinsya ng Cavite, Laguna, Rizal at Quezon sa karugtong ng ating pagsisiwalat. Abangan…
***
Para sa komento: [email protected]; cp # 09664066144
The post PANGALAN NI MGEN. LEE GASGAS SA MINI CASINO SA LIAN, PERGALAN AT STL CON-JUETENG SA BATANGAS! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
SA pamamagitan ng SIKRETA kolum ay ipinaaabot natin kay Criminal Investigation and Detection Group Chief Maj. Gen. Ronald Lee na gasg...