04/02/2021
Ginawa ko 'tong post na 'to hindi para inggitin kayo na meron akong Glitchpop 2.0 Collection, pero... slight lang hadhdaskjdhaka jkkk de ano, magdadrama lang ako onti. Never ko naman kasi inexpect na magkakaroon ako nito sa season na 'to. Tamang parinig at online limos lang HAHAHAHAHAHA pero hindi ko talaga ineexpect. Tapos heto ako ngayon. Napagbigyan ni kuya Illicit at ni ate KimmyTv 🥺
Grabe. Ni-hindi ko nga alam if yung support na nabibigay ko sa mga kakilala o tropa kong streamer ay enough para bigyan nila ako ng ganito, kasi tambay lang naman at panay side comments pa lang ambag ko. 😆 Pero dun ko nagets na, ganito rin yung gusto kong gawin sa paglipas ng panahon. Yung makakatulong rin sa mga nagsisimula at umaasang may mararating, kahit sa paglalaro.
Ang cringe man pakinggan nito pero totoo naman... kung di dahil sa suporta niyo, e wala akong collection... JK HAHAHAHAHA de, isa lang akong s1gh na naglalaro ng valorant. Di ko alam kung nag-mamake sense pa 'tong sinasabi ko kasi anong oras na at sabog na ata utak ko pero yon. Sana di kayo magsawang sumuporta sa mga katulad ko. Kung ano yung nabibigay niyo sa ibang tao, for sure babalik yan sainyo higit pa sa inaakala niyo. Wag rin kayong tumigil sa pagpupursigi sa mga bagay na gusto niyong gawin. Keep going lagi! Alalahanin nyong may mga naniniwala sainyo. So don't give up on yourself, okay? ✨
May 14 days pa bago mawala yung collection. Malay niyo, pag nagsend kayo ng stars sakin, magkajowa kayo tapos iregalo sainyo yan for valentines day. Edi win win situation! HAHAHAHAHAHA IPAGDADASAL KO NA SANA MAKUHA NIYO RIN 'TO 🥰