05/03/2022
PAALALA: Upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng inyong personal information, mahigpit na ipinapaalala ng PSA na INGATANG HUWAG MAWALA ang inyong transaction slip at IWASAN din ang pag-post nito sa inyong social media.
Ang inyong transaction slip ay mahalaga para masiguro na maibibigay ang PhilID sa tamang may-ari. Ito ay ipapakita kasama ng anumang valid ID sa araw ng delivery.
Tatlong beses na susubukan ng PHLPost na mai-deliver ang iyong PhilID. Kung ito ay hindi natanggap sa third delivery attempt, dadalhin ang PhilID sa designated Post Office malapit sa inyong lugar kung saan mo ito maaaring i-claim sa loob ng 30 days.
Muli, ingatang huwag mawala ang transaction slip at iwasang mag-post sa social media ng inyong pribadong impormasyon na may kaugnayan sa PhilSys tulad ng Appointment Reference Number (ARN), transaction slip, PhilSys Number at PhilID.
Magrehistro na ONLINE para sa Step 1 ng PhilSys: https://register.philsys.gov.ph
Para sa mga katanungan, magpadala ng mensahe sa m.me/PSAPhilSysOfficial, mag-email sa [email protected] o tumawag sa PhilSys hotline 1388.
'to!