TRENDING NEWS:
EVENCHANCE GAMING CORPORATION, AYAW PAAWAT SA PAGPAPATAYA SA MGA BATA!; PATI BETTING TICKETS ILLEGAL!
Walang tigil pa rin ang Evenchance Gaming Corporation (EGC), CamSur STL Operator, sa pagpapataya sa mga menor de edad. Maliban dito ay talamak din ang pag-gamit nila ng iligal na papelitos o ang tinatawag na "unofficial ticket" sa kanilang pagpapataya sa STL. Ang pag-gamit nila ng mga unofficial tickets ay nagpapatunay ng kanilang pangdadaya para ma-manipula ang kita ng kanilang pasugalan.
Patuloy din ang pagkalampag kay Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Melquiades Robles na aksyunan na agad ang mga paglabag ng EGC sa mga Implementing Rules & Regulations. Kung hindi niya man ito bibigyan ng aksyon ay lalabas na maaaring kasabwat siya sa illegal gambling na ito.
#raffytulfo #raffytulfoinaction #stlsacamsur #ABSCBNNews #GMANews #gmanewstv #News5 #Rappler #RapplerCommunities #AbanteTonite
Raffy Tulfo in Action | ABS-CBN | ABS-CBN News | GMA News | GMA Public Affairs | Rappler | Abante Tonite
Sa kabila ng pagbabawal ng PCSO sa pagpapataya sa mga menor de edad ay patuloy pa din ang paglabag dito ng Evenchance Gaming Corporation na STL Operator sa Camarines Sur. Panoorin ang video.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office STL Implementing Rules & Regulations, ang sinumang operator na maaktuhang nagpapataya sa menor de edad ay may penalidad na Automatic Cancellation ng prangkisa.
#raffytulfo #raffytulfoinaction #stlsacamsur #ABSCBNNews #GMANews #gmanewstv #News5 #Rappler #RapplerCommunities #AbanteTonite
Raffy Tulfo in Action | ABS-CBN | ABS-CBN News | GMA News | GMA Public Affairs | TV5 | Rappler | Abante Tonite
ATTN: Philippine Charity Sweepstakes Office GENERAL MANAGER MELQUIADES A ROBLES
CAMSUR STL OPERATOR, EVENCHANCE GAMING CORPORATION, LANTARANG NAGPAPATAYA SA ISANG MENOR DE EDAD NA 14-ANYOS NA ESTUDYANTE
Panawagan sa mga local officials ng PCSO, magulang at mga guro, bantayan at patnubayan ang mga kabataan na huwag pumasok sa anumang uri ng sugal kagaya ng STL o jueteng. Ang nasabing pagpapataya ng mga STL Operator sa mga menor de edad ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas.
#pcso #stl #stlcamsur #evenchancegaming #illegalgambling
PASACAO-BALATAN TOURISM COASTAL HIGHWAY, MALAPIT NANG MATAPOS!
Sa pagtutulungan ng mag-aamang Villafuerte ay naisakatuparan ang proyektong layunin ang magkaroon ng coastal highway sa bayan ng Pasacao at Balatan, Camarines Sir. Sa pangunguna ni Cong. Lray Villafuerte ay sinuportahan at pinagpatuloy naman ito ni former Governor at ngayon ay 5th District Rep. Migz Villafuerte at ngayon naman ay ni Governor Luigi VIllafuerte.
Ang Pasacao-Balatan Tourism Coastal Highway ay magsisilbing daan upang muling buhayin ang ekonomiya ng mga nabanggit na bayan. Ang pagbubukas ng Pasacao-Balatan highway ay magbibigay din ng oportunidad sa maraming lokal farmers upang mailabas at maitawid ang kanilang mga produkto sa mga karatig-bayan na siyang magbibigay ng kabuhayan sa kanila. Magbubukas din ito ng oportunidad sa mga biyahero upang upang mas maging kumbinyente ang kanilang pag-biyahe.
Sa nalalapit na pagbuo ng dulo ng kalsadang ito ay inaayos na rin ni Gov. Luigi Villafuerte na maidugtong ang Pasacao-Ragay Tourism Coastal Road, para sa tuloy-tuloy na pagbuklod at pagpapatatag ng mga bayan sa buong Camarines Sur.
Panibagong daan, panibagong oportunidad na magtatawid sa mas maayos at maginhawang pamumuhay ng buong probinsya!
4PH HOUSING PROGRAM SA CAMSUR, TULOY NA TULOY NA!
Isa pang magandang balita bago matapos ang taong 2023 ay ang ongoing construction ng 4PH Housing Program sa Capitol Complex, Pili, CamSur.
Tinatayang aabot sa 2,000 units ang mapapagawa sa ilalim ng nasabing proyekto na magbibigay tahanan sa mga taga CamSur na nais ng makakuha ng bahay.
Kasama na rin sa plano ng probinsya ang makapagpatayo ng karagdagang 200-500 units na pabahay sa iba't-ibang bayan ng probinsya at tina-target na makapagpatayo ng 30,000 housing units para sa mga taga Camarines Sur.
Alinsunod sa proyekto na panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang pamamahagi ng mga Housing Program sa sa buong bansa kaya isa lamang itong pagpapatunay na kaisa ng mga lider na sina Gov. Luigi Villafuerte, Cong Lray Villafuerte, Cong Migz Villafuerte at Cong. Tsuyoshi Horibata ang gobyerno-nasyonal para maisakatuparan ang mga proyekto na nakatalaga para sa mamamayan.
Hindi dito natatapos ang mga proyekto at programang inihihanda probinsya ng CamSur dahil kasalukuyang naglilibot ang Serbisyong Kafuerte para maglingkod at magbigay ng mga Assistance Program sa buong probinsya.
LALAKING NAGLIGTAS SA ISANG BATANG MUNTIK NANG MASAGASAAN SA BATO, CATANDUANES, KINILALA NG LGU
PANOORIN: Kinilala ng lokal na pamahlaan ng Bato, Catanduanes ang kabayanihan ng isang lalaki sa video na nagligtas sa isang batang muntik nang masagasaan ng isang motorsiklo sa kalsadang bahagi ng Barangay San Andres sa parehong bayan noong Oktubre 9, 2023.
Mapapanood sa CCTV footage ang pagtawid sana ng isang bata sa kalsada ngunit napakaraming sasakyan nang mga oras na iyon kaya't hindi na nagdalawang isip ang lalaking kinilalang si Freddie Somido Tapit na iligtas ito.
Dali-daling tumakbo ang lalaki at hinarangan ang motorsiklo dahilan para makaligtas ang bata at siya ang mabangga nito.
Nagtamo ng mga sugat ang lalaki habang ang bata ay nakaligtas sa tiyak na kapahamakan.
Kaninang umaga, Oktubre 16, si Freddie ay ginawaran ng parangal bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kanyang natatanging katapangan na naipamalas sa pagsagip sa bata at hindi inisip ang sariling kapakanan.
Bukod dito, makakatanggap din si Freddie ng tulong mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD), LGU Bato, at sa Sangguniang Bayan.
Mabibigyan din siya ng medical assistance upang masiguro na sya ay ligtas at walang iniindang sakit matapos ang nasabing aksidente.
VILLLAFUERTEs NG CAMSUR, PATULOY SA PAGHANDOG NG AYUDA AT SERBISYO
Umarangkadang muli ang paghahandog ng mga dedikadong lideres ng probinsya ng Camarines Sur na sina 2nd District Rep. Lray Villafuerte, Gov. Luigi Villafuerte at 5th District Rep. Migz Vllafuerte kasama pa si Bicol Saro Partylist Rep.Yamsuan.
Alinsunod sa hangarin ni Pangulong Marcos na muling maibangon ang buong Pilipinas sa kahirapan at sa pagpili sa probinsyang Camarines Sur para ilunsad ang programang "Bagong Pilipinas Serbisyo Fair," walang tigil din ang pagbigay nina Cong. Lray Villafuerte ng mga ayuda at assistance sa kanyang mga kababayan.
Halos dalawang linggo na rin ang araw-araw na pagmudmod ng mga iba't ibang assistance kagaya na lamang ng educational assistance, livelihood assistance, farmers assitance, fisherman's assistance, burial assistance, TUPAD, AICS at marami pang iba, upang matulungan ang mga mamamayan na maiangat ang kanilang kabuhayan.
Noong Sept.29, 2023, pumalo sa mahigit 4,000 beneficiaries ang natulungan ng buong Team Villafuerte sa mga taga 2nd District at 2,000 na mga masisipag na magsasaka ang nabenepisyuhan ng karagdagang tulong para sa kanilang hanapbuhay.
Matagal na rin itong naging prayoridad ng mga Villafuerte ang patuloy na maghandog ng libreng serbisyo at ibat-ibang mga programa sa probinsya. Nangingibabaw pa rin sa kanila ang paghahatid ng maayos na serbisyo sa lahat. Nais nilang tuparin at suportahan ang pangarap ng Pangulong Marcos na dapat ay walang maiiwan at sabay-sabay na aangat!
At dahil dito marami nanamang Camarinenses ang nabiyayaan at natutuwa sa lahat ng tulong na kanilang ipinamahagi. Lubos din ang pasasalamat ng mga tao dahil hindi nakakalimutan ng mga Villafuerte ang kanilang pinangako na pagbangon at pagbabago para sa CamSur.
PANOORIN: Pumailalim sa unahang bahagi ng dump truck ang isang motorsiklo kaninang alas 7:00 ng umaga, Agosto 8, sa Purok 7, Barangay 39 Bonot, Legazpi City.
Ayon sa inisyal na impormasyon, nadulas umano ang motorsiklo at nabangga ng dump truck.
Agad namang idinala sa ospital ang driver ng motorsiklo at back ride nitong isang Nursing student para sa atensyong medikal.
Nagdulot din ng bigat sa trapiko ang nangyaring aksidente.
Sa ngayon, inaalam pa ang ibang detalyeng kaugnay nito.
📽: Christopher Briones
'AMBULANSYA, BUMANGGA SA ISANG TINDAHAN SA CASTILLA, SORSOGON'
PANOORIN: Bumangga ang isang ambulansya ng LGU Donsol sa isang tindahan ng ukay-ukay sa gilid ng kalsadang bahagi ng Cumadcad, Castilla, Sorsogon ngayong umaga, Abril 28, 2023.
Ayon sa inisyal na impormasyon, iniwasan umano ng ambulansya ang isang motorsiklo kaya ito nakabangga sa nasabing tindahan.
Iniimbestigahan na ng awtoridad ang aksidente.
📽: Elgie Paclibar
TALENTO NG CAMSUR BICOL HERITAGE, CHAMPION SA PA CONTEST NG GMA
Sa pinaka-unang Tiktoclock karoling ng GMA-7 na pinaglahukan ng mga iba't-ibang grupo ng mang-aawit magmula sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas at itinanghal noong nakaraang Dec 1, 2022 ay nasungkit ng BICOL HERITAGE SINGERS ang pagiging grand champion at nakuha ang grand prize na 100,000 thousand pesos tax free.
Isang masaya at magandang regalo ngayong pasko para sa mga bicolano singers na nagsubok at nagpakita ng kanilang galing sa musika at entablado. Ang Bicol Heritage Singers ay kilalang grupo sa Camarines Sur.
Proud Bicolano at Proud Oragon. Congrats Bicol Heritage Singers
Bilang nabigyan ng malaking pribilehiyo na maging CA Majority Leader si CAMSUR Rep. Lray Villafuerte, hindi niya sinayang ang tiwala na ibinigay sa kanya dahil talagang dedikado at nakatuon ito sa kanyang trabaho.
Kagaya na lamang ng kanyang pagdalo sa first regular session ng 18th Congress para sa Committe on Budget, itinuon niya ang buong
oras ng hearing para sa pagbigay linaw at kasagutan ukol sa mga naturang pondo ng gobyerno na nakalaan para sa iba't ibang ahensiya at kung anu pa ang mga bago at plano ng Department of Budget.
Lahat ay kanyang binusisi gaya na lamang sa mga itatalagang mga Secretary at Undersecretaries ng iba't-ibang ahensya ng pamahalaan.
Kanyang tinitiyak na ang malalagay sa puwesto ay talagang may magandang plano para sa pag-asenso ng sambayanang Pilipino.
Si Cong. Lray Villafuerte ay may malaking pananaw at pangarap pagdating sa mga Pilipino. Nais niya na magkaroon ng pantay-pantay at patas na pagbibigay ng pondo at assistance sa lahat ng mga sektor at naayon sa bawat probinsya ng bansa. Sinisigurado niya na lahat ng pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino ay mabibigyan ng sapat at maayos na hanap-buhay.
Bukod pa doon, priyoridad ni Villafuerte na matugunan agad ang anumang mga proyekto na ngangailangan ng pondo ng gobyerno lalo sa BICOL region at sa CAMARINES SUR na patungkol
sa Agrikultura, Edukasyon at Kalusugan dahil hangad niya ang pag-unlad ng CAMSUR at buong Bicol.
Sa kanyang aktibong partisipasyon at pagkilos sa Kongreso ay makikitang handang-handa na ang CA Majority Leader na si Cong. Lray Villafuerte at siya'y naakma na magsilbi para sa national government.
Ang kangyang malawak na pangarap, adhikain, at komprehensibong plano magbigay serbisyo para sa tao, ang magsisilbing daan para sa pagtaas ng antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino.
LOOK: CAMSUR 2ND DISTRICT REPRESENTATIVE LUIS RAYMUND "LRAY" VILLAFUERTE JR., TAKES HIS OATH AS THE ELECTED MAJORITY LEADER OF COMMISSION ON APPOINTMENTS
LANDSLIDE VICTORIES FOR VILLAFUERTES ON MAY 2022 ELECTIONS - PULSE ASIA SURVEY
CamSur 2nd District Representative LRay Villafuerte and sons, Gov Migz and Luigi Villafuerte are likely to have a landslide wins on their bids in the May 2022 elections according to Pulse Asia Research Inc.
The pre-election survey showed that Luigi Villafuerte being preferred by 59 percent of the voters tops the gubernatorial race against his rivalries, former budget secretary and ex-House majority leader Rolando Andaya Jr. who was picked by 35 percent of the respondents, and incumbent CamSur Vice Governor and singer Imelda Papin, who was chosen by four percent.
The results also showed the very huge margin of incumbent governor Migz Villafuerte in the congressional race in the fifth district with 71% votes which makes him leads against 28% of Iriga City Mayor Madelaine Alfelor-Gazmen.
Meanwhile, CamSur 2nd district Representative LRay Villafuerte is leading in second district congressional race being picked by 87% of the respondents against the 9% who chose his rival, Ronnie Abasola.
Villafuertes are still earning the trust of the people of Camarines Sur for they are being proven and tested in a good governance in the province. Their projects and programs are very beneficial to all the locality of CamSur. Their dedication, hardwork, and happiness to serve others will be continuous.
Maligayang Pasko para sa lahat!