01/08/2020
Lahat ay lilipas ngunit hindi ang salita ng Diyos.
•Wag kang magdepende sa talino mo
•Wag kang magdepende sa yaman mo
•Wag kang magdepende sa lakas mo
•Wag kang magdepende sa talento mo
•At wag ka ding magdepende sa mga
narating mo sa buhay.
Bakit?
Dahil kahit gaano ka kalakas, katalino,
kayaman at ka-talented kapag wala ang
Diyos sa buhay mo, maituturing ka pa
ding isang tupang ligaw.
Tupang ligaw na bulag, hindi ligtas, walang
pastulan, laging nasa kapahamakan at hindi alam ang direksyon na kanyang pinatutunguhan.
Marcos 8:36
Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa?
Kapatid, kung tingin mo nasayo na lahat ng bagay ngunit wala pa rin sa buhay mo ang Panginoon. Ito na ang panahon para kilalanin at tanggapin mo Sya sa buhay mo.
Dahil Sya lamang ang Tagapagligtas na naparito sa sanlibutan para iligtas ka at
patawarin ka sa iyong mga nagawang
kasalanan.
Tandaan mo, lahat ng bagay na mayroon ka sa oras na ito maging ang buhay mo ay hindi mo pagmamay-ari. Dahil lahat ng iyan ay hiram mo lang sa Diyos na nagbigay buhay at direksyon sa mga taong kikilala sa Kanya. ♥️