14/06/2022
Sa kanyang courtesy visit kay President-elect Bongbong Marcos, Jr., ipinaabot ni Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov na handa ang kanilang bansa na makipagtulungan sa Pilipinas.
Ito'y para matulungan anya ang pangangailangan ng Pilipinas sa suplay ng langis at iba pang 'sources of energy'.
Wala pa namang pahayag ang kampo ni BBM ukol sa alok na tulong ng Russian government.