03/06/2022
LORD, patawad.
Patawad sa mga panahon na nabibigo kita.
Sa mga panahon na hindi ako nakikinig sa Inyo, at sa mga panahon na inuuna ko ang laman ng puso ko kesa sa will Niyo.
Patawad dahil ang tagal ko matuto sa mga bagay na tinuturo Niyo sa akin, at patawad tuwing nadadala ako sa bugso ng aking damdamin.
LORD, patawad sa mga panahon na hirap akong magtiwala sa Inyo, at sa mga panahon na mas naniniwala ako sa kakayahan ko.
Patawad kung kinokontrol ko ang mga bagay na sinabi Niyong bitawan ko na.
Patawad kung mas minahal ko ang mga biyayang binigay Niyo, kesa sa Inyo na mismong nagbigay.
LORD, patawad kung ‘di kita inuuna. Patawad kung nakalilimutan ko na Kayo ang Hari sa buhay ko. Patawad sa mga panahon na sinasamba ko ang mga bagay at tao na ‘di dapat sambahin. Patawad dahil matigas ang aking ulo.
LORD, humihingi ako ng tawad sa maraming bagay, sana patuloy po Ninyo akong baguhin. At salamat na rin, LORD, dahil sa kabila ng kakulangan ko, ‘di Kayo lumayo at laging handa pa rin tumulong.
Amen.
1 John 1:9
If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.