Luisse Rutao- GMA Regional

  • Home
  • Luisse Rutao- GMA Regional

Luisse Rutao- GMA Regional Luisse Rutao is a news stringer at GMA Regional TV and anews writer and reporter at Pampanga PIO.
(1)

TULAY BUMIGAY! Bumigay at  hindi na madaanan pa ang Mabical-Valdez Bridge sa bayan ng Floridablanca. Ayon sa Floridablan...
16/07/2023

TULAY BUMIGAY!

Bumigay at hindi na madaanan pa ang Mabical-Valdez Bridge sa bayan ng Floridablanca.


Ayon sa Floridablanca Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nasira ang tulay dahil sa walang tigil na pag-ulan na pinalala pa ng matinding pag-agos ng tubig.

📸: Floridablanca MDRRMO

PORAC-CLARK SOUTH SEGMENT NG SCTEX PANSAMANTALANG ISINARANagsagawa ng Emergency Closure sa Porac-Clark South Segment ng ...
16/07/2023

PORAC-CLARK SOUTH SEGMENT NG SCTEX PANSAMANTALANG ISINARA

Nagsagawa ng Emergency Closure sa Porac-Clark South Segment ng Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) kaninang hapon dahil sa epekto ng sama ng panahon.

Pasado 3:30 pm ng isara ang dalawang lane ng SCTEX.

Ayon sa management, isinara ang tulay bilang precautionary measure sa walang tigil na pag-ulan na nakakaapekto na umano sa integridad ng Pasig Potrero Bridge.

Nanawagan naman ang management ng SCTEX sa mga motorista na gumamit ng alternative lane o sundan ang rerouting na ipinost sa kanilang official page para hindi maantala ang pagbyahe.


📸: Toll Regulatory Board FB Page

09/06/2023

Limang katao, patay sa salpukan ng SUV at truck sa Baliuag, Bulacan; Samantala, 2 binatilyong nakasakay sa motorsiklo, sumalpok sa railings ng kalsada sa Sta. Maria, Ilocos Sur. See what's fresh from your firsthand source of local news, events, and activities— visit the official website of GMA Reg...

PAMPUBLIKONG PAMILIHAN SA BAYAN NG CAMILING, TARLAC NASUNOG; MAHIGIT P16 HALAGA NG DANYOS NAITALA  Nabulabog ang mga mam...
28/05/2023

PAMPUBLIKONG PAMILIHAN SA BAYAN NG CAMILING, TARLAC NASUNOG; MAHIGIT P16 HALAGA NG DANYOS NAITALA

Nabulabog ang mga mamimili at tindera sa pampublikong pamilihan na ito sa Camiling,Tarlac pagkatapos lumiyab ang west front portion nito pasado 4:50 am kaninang umaga.

Ayon sa imbestigasyon, tinupok ng apoy ang mga stalls ng dry good section ng pamilihan.

Maswerte namang hindi nadamay sa sunog ang ikalawang palapag ng pamilihan dahil gawa ito sa konkreto.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nirespondehan ng nasa 15 na fire trucks.

Tinatayang nasa mahigit P16 milyon ang dinalang danyos ng insidente.

Sa kasalukuyan, on-going pa din ang imbestigasyon ng mga bumbero sa posibleng pinagmulan ng insidente.

📸: Carlee Joaquin

BAHABinahala ang ilang bahagi ng MacArthur Highway sa siyudad ng San Fernando, Pampanga dahil sa flashflood na sanhi ng ...
26/05/2023

BAHA

Binahala ang ilang bahagi ng MacArthur Highway sa siyudad ng San Fernando, Pampanga dahil sa flashflood na sanhi ng walang tigil na pag-ulan.

🎥: Gab Razon



CLASS  AND WORK SUSPENSIONClass and Work Suspension on May 26, 2023 (FRI) in preparation for the possible effects of Typ...
25/05/2023

CLASS AND WORK SUSPENSION

Class and Work Suspension on May 26, 2023 (FRI) in preparation for the possible effects of Typhoon Betty

📸: Macabebe LGU

25/05/2023

Umano’y babaeng nakaputi, nakita sa live streaming ng isang rescue operation sa Concepcion, Tarlac. See what's fresh from your firsthand source of local news, events, and activities— visit the official website of GMA Regional TV: www.gmaregionaltv.com For breaking news stories and the latest upd...

25/05/2023

Operasyon ng pulisya sa Orion, Bataan, nauwi sa engkuwentro; 1 pulis at 2 suspek, patay. See what's fresh from your firsthand source of local news, events, and activities— visit the official website of GMA Regional TV: www.gmaregionaltv.com For breaking news stories and the latest updates on Eleks...

25/05/2023

Umano’y iligal na pagawaan ng paputok sa San Simon, Pampanga, sumabog; 7 katao, sugatan. See what's fresh from your firsthand source of local news, events, and activities— visit the official website of GMA Regional TV: www.gmaregionaltv.com For breaking news stories and the latest updates on Ele...

18.3 M- HALAGA NG CO***NE NASABAT MULA SA ISANG SOUTH AMERICAN NATIONAL NA NAGLANDING SA CLARK  Nasabat ng mga awtoridad...
25/05/2023

18.3 M- HALAGA NG CO***NE NASABAT MULA SA ISANG SOUTH AMERICAN NATIONAL NA NAGLANDING SA CLARK

Nasabat ng mga awtoridad ang isang pasaherong lumapag sa Clark International Airport na may dalang maletang naglalaman ng ipinagbabawal na droga.

Kinilala ang suspek na si Renaldo Wilfred Olivieira, 48 anyos, isang Surinaamse national.

Sa paunang imbestigasyon, galing Suriname, South America ang suspek na kaagad nahuli ng mga awtoridad isang oras pagkatapos ang landing ng flight nito.

Narekober sa maleta ng suspek ang tinatayang nasa 3,468 gramo ng co***ne na plano sanang ismuggle sa bansa.

Isinilid ito sa mga jacket ng suspek na binalot gamit ang plastic at carbon paper.

May halaga itong aabot sa P18.3-million.

Pansamantalang idinetain ang suspek sa PDEA Regional office habang hinihintay ang court order nito.

Nahaharap si Olivieira sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


📸: PDEA Region 3

24/05/2023
24/05/2023

DIY SWIMMING POOL?

Yes kapuso, you heard it right dahil pwedeng pwede ka nang bumuo ng sarili swimming pool from scratch.

Ito ang pinatunayan ng viral video ng isang 65 year old lolo mula Mabalacat City, Pampanga na si lolo Alexander Manabat.

Kahit walang background sa pagkakarpintero, nagtiyagang manood ng video tutorials si lolo Alexander para mabuo ang hiling na swimming pool ng kanyang mga apo.

Umabot ng dalawang buwan bago nabuo ang swimming pool na may tatlong talampakan ang lalim na talaga namang na enjoy ng kanyang 2 apo.

Ayon sa anak nitong si Cess, taong 2020 pa niya nang unang inupload ang video na muli niya lang shinare sa kanyang social media account pagkatapos ma engganyo sa mga DIY post ng isang community page.

Nasa ni Cess na sa pamamagitan ng kwento ng kanyang ama at mga anak ay mapadama sa publiko ang importansya ng pagpapahalaga sa ating mga magulang.

📸: Cess Lapid

24/05/2023

ILLEGAL NA PAGAWAAN NG PAPUTOK SA SAN SIMON, PAMPANGA LUMIYAB; 7 SUGATAN

Nabulabog ang mga residente ng Barangay Concepcion, San Simon, Pampanga pagkatapos makarinig ng malakas na pagsabog mula sa isang poultry farm sa nasabing lugar.

Ayon sa mga awtoridad rinig hanggang kalapit na bayan ang pagsabog kaya maraming concerned citizen sa istasyon ng bumbero.

Pagresponde ng mga awtoridad, nadatnan na nasusunog ang ilang kemikal at sangkap ng paggawa ng paputok at ilang finished product na inimbak sa lugar.

Sugatan sa insidente ang pitong katao kabilang na limang trabahador at dalawang anak ng may-ari.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, napag alaman na hindi rehistrado at walang business permit ang nasabing pagawaan ng paputok.

Mahaharap sa kasong paglabag sa lSec 11 ng RA 7183 ang may-ari ng pagawaan ng paputok.

Photo/ Video Courtesy: San Simon BFP, BRAII TV, Khia Vlogs

24/05/2023

Tatlong magkakamag-anak, tinamaan ng kidlat habang nakasilong sa isang kubo sa Samal, Bataan; 2 patay. See what's fresh from your firsthand source of local news, events, and activities— visit the official website of GMA Regional TV: www.gmaregionaltv.com For breaking news stories and the latest up...

24/05/2023
26/04/2023

GMA REGIONAL TV ONE NORTH CENTRAL LUZON

(APRIL 25, 2023)

Matakam sa espesyal na halo-halo sa Pampanga na mas marami pa ang sangkap kaysa sa yelo



25/04/2023

MORNINGS WITH GMA REGIONAL TV
(APRIL 24,2023)

Ktv bar sa Angeles City ipinasara dahil sa human trafficking, 45 na babae narescue kabilang ang isang minor.



21/04/2023

GMA REGIONAL TV: ONE NORTH CENTRAL LUZON

(MARCH 24, 2022)

Mahigit 30 bata na may cancer at chronic disease pinasaya ng mga piloto sa Pampanga.



KTV BAR SA ANGELES CITY IPINASARA DAHIL SA HUMAN TRAFFICKING, 4 NA BABAE KABILANG ANG ISANG MINOR AT 40 PANG EMPLEYADO N...
20/04/2023

KTV BAR SA ANGELES CITY IPINASARA DAHIL SA HUMAN TRAFFICKING, 4 NA BABAE KABILANG ANG ISANG MINOR AT 40 PANG EMPLEYADO NARESCUE

Sinalakay ng mga tauhan ng pulisya at opisyal ng city government ang isang KTV bar sa Brgy Pampang, Angeles City.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap ng tip ang Angeles City Police Office (ACPO) ukol sa report ng panghaharass umano ng mga may-ari ng bar sa mga empleyado nitong minor.

Nadatnan at naaresto sa isinagawang entrapment operation ang anim (6) na suspek kabilang ang mga namamahala, recruiters, at nagmamay-ari ng nasabing bar.

Narescue ang apat (4) na kababaihan kabilang ang isang menor de edad. Nasagip din ang apatnapung (40) babaeng empleyado ng bar na sinasabing biktima rin umano ng human trafficking.

Sa paunang impormasyong nakalap ng kapulisan, tubong tagum city, davao del norte ang minor na lumuwas pa sa lalawigan ng pampanga para magtrabaho noong enero.

Dinala ang minor na biktima sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Angeles City.

Pansamantala muna itong manunuluyan sa Home For The Girls facility ng city government habang hindi pa nakokontact ang pamilya nito.
Samantala, dinala din ng cswdo ang mahigit apatnapung (40) empleyado sa IMA Foundation para sa kaukulang assessment.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang mga nadakip na suspek.

📸: PRO3, Angeles CIO

20/04/2023

Motibo sa pamamaril sa Provincial Legal Officer ng Pampanga, tinututukan ng PNP; Provincial Government, naglaan ng P1-M reward money. See what's fresh from your firsthand source of local news, events, and activities— visit the official website of GMA Regional TV: www.gmaregionaltv.com For breaking...

19/04/2023

GMA ONE NORTH CENTRAL LUZON

APRIL 17, 2023

Libong-libo dumayo sa isang music festival sa Clark, Pampanga; hot air balloon display at night glow at iba pang OPM artist tampok sa nasabing music festival.



18/04/2023

GMA ONE NORTH CENTRAL LUZON
APRIL 14, 2023

Gitnang luzon, kabilang sa top 5 na may pinakamataas na kaso ng dengue; ilang lgus ng mga aktibidad para makaiwas sa sakit

Address


Telephone

+639677140086

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Luisse Rutao- GMA Regional posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Luisse Rutao- GMA Regional:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share