03/07/2024
Day 2 :
Start ung Day 2 namin sa EdLings Cafe, Del Gallego na.
Kasi Putok araw na nung dumating kame, saktong 5am ( cut off ) time attack talaga. Natagalan kasi naligaw. 🤣 Naligaw ang team bajaj 101
So ayun na nga, Kape kape muna sa edlings, idlip, kwentuhan other moto vloggers and other partcipants. Kahit di mo kakilala, pwede kayo mag kwentuhan.
So, 6:30am biyahe na kame going Amor resort, sa Donsol sorsogon, ito ung grabe na biyahee,. Napaka layoo. Almost 200km ata ito. From Edlings. Nakuha namin ito ng almost 6hrs. 12:30pm na kame dumating ng resort. Grabe ang Twisties dito. Sobrang lala, hahaha. Kung di ka sanay sa marilaque, malamang puro overshoot ka dito. Pero sobrang ganda ng view.
Dito kame nag-pahinga nag start ma-idlip, kumain ng lunch, bago bumira. Pag dating namin, parang nagliligpit na sila sa area, kasi cut off na ata, pero may mga dumadating pa.
Exacly, 2:10pm, umalis kame ng amor beach, Donsol
Ang Nabunot namin un Quintinday Hills (Extra route), Sobrang ganda ditoo. Pinuntahan namin ito, kahit sobrang kapos na talaga sa oras ung pacing namin. Gusto namin lahat madaanan namin, walang kakaligtaan na ruta. Baka team Bajaj 101 lang malakas. 1hr din ung biyahe namin dito. So mga 3:30pm na ata kame dumating dito.
Photo ops lang kame dito. Then, rekta na Cagsawa ruins for tagging lang.
Kung sa iba di nagpakita si mayon, samin kitang kitaa, sobrang magical, sobrang ganda, dito nag picture lang kame and water break.
Dami na agad ganap ng Day 2, di pa jan natatapos ung ENDU TULOG, ENDU FOODTRIP, ENDU PASYAL
Continue natin.... 🤣🤭
Cagsawa ruins, going to patitinan beach, almost 3hrs namin to tinakbo.
Gabi na kame dumating, dilim na, at napaka tindi din ng twisties dito.
Dumating kame siguro mga around 7pm na, naabutan pa namin 2 duo na. Wala na ding tao, kaya photo ops lang, time stamp ganun. Picture lang saglit then, bira ulit going I LOVE DAET.
DI MO KAME LOVE, DAET,
Sobrang pagod na namin dito, sobrang antok, gutom, asim ng mga damit, walang ligo.
Kumain kame along the road, sa may Tigaon, 2nd kain dinner namin mga 8pm na siguro to. ENDU FOODTRIP TALAGA.
Dito nalaman namin na wala ng tao din sa mga CP's, sa Daet and Calauag, kung bibiyahe pa kame ng gabi, wala na din aabutan, at di na din kame aabot ng Grid sa cainta, 9pm nasa Tigaon pa lang kame, 3hrs pa going Daet, then 2am ang cut-off. So ayun nga
Nagpasya kame na, Magpalipas ng gabi sa may Naga, Natulog sa mga INN dun. At sobrang pagod na din talaga at antok, dahil wala pa tulog simula nung pag alis ng Grid.
Hindi kame Ratrat dito, at bakbakan ang takbo, 70 to 80kph lang takbuhan namin, at dahil group of 5 din kame. Di pwedeng may maiiwan, kaya dikit dikit kame, sama sama kame, walang iwanan.
Kaya ayun, natulog kame. 8hrs na sleep. Umalis kame ng Naga ng 9AM, going to I LOVE DAET,
So Kung iisipin, sobrang lagpas na kame sa 30hrs parang, 48hrs na ata eh. 48hrs na kame sa kalsada.
Day : Going I love Daet
PJacks TV
ZeL Moto V
NADA Motovlog
MotoJanra
V TOUR Motorcycle V2 Reloaded