Balitang Calasiao, Pangasinan

  • Home
  • Balitang Calasiao, Pangasinan

Balitang Calasiao, Pangasinan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balitang Calasiao, Pangasinan, News & Media Website, .

G**O, PATAY MATAPOS PUKPUKIN NG BATO SA ULO SA PANGASINANNakaburol sa isang bahay sa Barangay Lasip, Calasiao, Pangasina...
28/06/2024

G**O, PATAY MATAPOS PUKPUKIN NG BATO SA ULO SA PANGASINAN

Nakaburol sa isang bahay sa Barangay Lasip, Calasiao, Pangasinan ang mga labi ng 44-anyos na lalaki na itago sa Pangalang “Sir Gab”

Ang biktima na isang public school teacher, brutal umanong pinatay. Nakasuot ng bonnet ang labi ng biktima para takpan ang malalaking sugat sa ulo na dahil umano sa pagpukpok sa kanya ng bato.

Ayon sa imbestigasyon ng Pulisya, unang inakalang vehicular accident ang nangyari. Natagpuang nakahandusay sa kalsada sa Barangay Malayo, Urbiztondo ang biktima. Pero sa pagpapatuloy ng imbestigasyon at tulong ng isang witness, may foulplay sa nangyari.

Ayon sa Pulisya, nakipagkita ang biktima sa isang 18-anyos na lalaki na itinuturing suspek sa krimen.

Ayon sa mga kapatid ng biktima, binigyan ng biktima ng cellphone ang suspek at binabawi na niya ito. Ito raw ang posibleng motibo sa krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. Inaalam din kung may kasama ang suspek nang gawin ang krimen. Hustisya ang panawagan ng kanyang pamilya.

Source: Russel Simorio

IKALAWANG PAGPUPULONG NG PCPC AT PIACAT- VAWC, GINANAP Ginanap ang ikalawang pagpupulong ng mga miyembro ng Provincial C...
28/06/2024

IKALAWANG PAGPUPULONG NG PCPC AT PIACAT- VAWC, GINANAP

Ginanap ang ikalawang pagpupulong ng mga miyembro ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) at Provincial Interagency Committee Against Trafficking and Violence Against Women and their Children (PIACAT-VAWC), niotng June 27,2024.

Ito ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Department of Interior and Local Government Pangasinan Provincial Office.

Sa isinagawang pagpulong, iprenesenta nina Social Welfare Officer III and GAD/Women Focal Person Evelyn Dismaya at Social Welfare Officer III Marycon Lian T. Bernardo, MSW ang mga sumusunod:

• Paglikha ng resolusyon na humihiling ng supplemental budget para sa children’s welfare programs na hindi bababa sa isang bahagdan ng Internal Revenue Allotment o IRA.
• Paghahanda para sa 2025 Works and Financial Plan
• Paghiling sa pagiging miyembro ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) sa Inter-Agency Monitoring Task Force o IMTF
• Paghiling sa pagiging miyembro ng Liga ng Barangay President sa LCAT-VAWC
• Paglikha ng resolusyon sa pagbuo ng ordinansa para sa mga LGUs na may kaugnayan sa RA 11313 kilala bilang “Safe Space Act”
• Pag-update sa mga bagong miyembro ng PCPC at PIACAT-VAWC, atbp.

Sinabi ni Ricky N. Dulay, ang Local Government Operations Officer III ng DILG, na lubhang mahalaga ang ganitong pagpupulong upang tiyakin na ang mga local government units (LGUs) ay nakakasunod sa mga ipinapatupad na national laws.

Samantala, sa Assessment Result ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children Functionality na iprenesenta ni Jamie Ann G. Oficiar ang LGOO II ng DILG, sinabi nito na mula sa 44 na munisipyo at apat na lungsod sa probinsya, 46 ang nakakuha ng highly functional samantalang isang bayan lamang ang nakakuha ng moderately functional. Ito ay base sa apat na indicators na kinabibilangan ng organization, meetings, policies, at accomplishments.

Ang pagsusuri na isinasagawa ay nagsisilbing mahalagang daan upang tukuyin ang kinakailangang interbensiyon na masuportahan ang mga local government units sa tuloy-tuloy na pagsisikap na labanan ang trafficking at violence against women and children.

Buo naman ang suporta na ipinapakita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa liderato ni Governor Ramon V. Guico III bilang Chairperson ng PCPC at PIACAT-VAWC ukol dito. (Marilyn Marcial, Orlan Llemos|PIMRO)

Source: Province of Pangasinan

PROBINSYA, NANGAKONG SAGUTIN ANG 5% PHILHEALTH PREMIUM CONTRIBUTION NG JOS AT COS, HATID AY ISANG MALAKING GINHAWAIsang ...
27/06/2024

PROBINSYA, NANGAKONG SAGUTIN ANG 5% PHILHEALTH PREMIUM CONTRIBUTION NG JOS AT COS, HATID AY ISANG MALAKING GINHAWA

Isang malaking ginhawa para sa 2,415 na mga empleyado sa ilalim ng Job Orders (JOs) at Contract of Service (COS) ng pamahalaang panlalawigan matapos pumirma sina Gobernador Ramon V. Guico III ng Pangasinan at PhilHealth, na kinatawan ni Regional Vice President, Region 1, Dennis B. Adre, ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa Group Enrollment Program (GEP) sa Ceremonial Hall, Urduja House, dito.

Dahil dito, ang limang porsyentong PhilHealth monthly premium na kinakaltas mula sa buwanang sahod ng mga JOs at COS na empleyado ay sasagutin ng pamahalaang panlalawigan.

Pinuri ni PhilHealth RO1 VP Adre ang Pangasinan bilang isang nangunguna sa buong Pilipinas.

“Kasi karamihan po ng mga empleyado ng gobyerno sa buong bansa, ibinabawas lang sa mga empleyado nila ang bayad ng premiums. At talaga pong kakaiba ang probinsya ng Pangasinan dahil sila ang sumasagot sa bayad ng premiums ng kanilang mga JOs at COS,” sabi ni Adre.

Source: Province of Pangasinan

BLESSING AT RIBBON CUTTING CEREMONY NG BAGONG AYOS NA DAAN, GINANAP SA MALASIQUIGinanap ngayong araw, Hunyo 27, 2024 ang...
27/06/2024

BLESSING AT RIBBON CUTTING CEREMONY NG BAGONG AYOS NA DAAN, GINANAP SA MALASIQUI

Ginanap ngayong araw, Hunyo 27, 2024 ang Blessing at Ribbon Cutting Ceremony ng bagong ayos na daan sa Brgy. Tabo-Sili, Malasiqui na may habang 390 metro, luwang na 5 metro, at kapal na 0.20 metro.

Pinangunahan nina Hon. Mayor Noel Anthony M. Geslani, Rev. Father Manuel B. Delos Santos Jr., Punong Barangay Benjamin T. De Vera Jr., iba pang opisyales ng barangay, at ilang kawani ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Municipal Engineering Office na pinamumunuan ni Municipal Engineer Ildefonso Valdez Sr. ang naturang okasyon.

Source: Pinabli Ka Malasiqui

TATLONG DAANG PUNO NG PRUTAS, ITINANIM SA CAMP TITO ABATTatlong daang puno ng prutas kabilang ang cacao, balimbing, kami...
26/06/2024

TATLONG DAANG PUNO NG PRUTAS, ITINANIM SA CAMP TITO ABAT

Tatlong daang puno ng prutas kabilang ang cacao, balimbing, kamias, at langka ang itinanim ngayong araw sa Camp Lt. Tito Abat bilang suporta sa Green Canopy Program ni Governor Ramon V. Guico III.

Ang pagtatanim ay pinangunahan ng tatlumpu’t tatlong personnel mula sa Engineer Support Company - 51st Engineer Brigade, sa pamumuno ni Cpt. Kimberly Jean L. Panlilio (CE) PA.

Ayon kay 1Lt Eddiever S. Magas (CE) PA Executive Officer, ang Green Canopy Program ay may malaking maitutulong sa paglaban sa epekto ng climate change.

Ang aktibidad ay naging matagumpay sa pangangasiwa ng Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO) na pinamumunuan ni PPCLDO Officer Ellsworth Gonzales, katuwang ang Office of the Provincial Agriculture (OPAg) at LGU Manaoag.

Base sa tala ng PPCLDO, umabot na sa 202,911 ang kabuuang bilang ng iba't ibang fruit bearing trees na naitanim sa ilalim ng Green Canopy Program sa iba't ibang bayan sa Pangasinan.

Source/Photo:Provinve of Pangasinan/FB


DR. ROBENIOL, ITINALAGA NG SP BILANG PROVINCIAL VETERINARIANKumpirmado na ang pagtatalaga kay Dr. Arcely G. Robeniol bil...
26/06/2024

DR. ROBENIOL, ITINALAGA NG SP BILANG PROVINCIAL VETERINARIAN

Kumpirmado na ang pagtatalaga kay Dr. Arcely G. Robeniol bilang Provincial Government Department Head (Provincial Veterinarian) ng Sangguniang Panlalawigan noong Hunyo 24.

Pinangunahan ni SP Member Jerry Agerico B. Rosario ang resolusyon na nagpatibay sa opisyal na paghirang kay Dr. Robeniol. Aniya, “After careful examination, scrutiny, and review of the qualifications, records, and experiences of the recommendee, the Sangguniang Panlalawigan finds the appointment meritorious and therefore interposes no objection to said appointment.”

Si Dr. Robeniol ay isinilang at lumaki sa Solano, Nueva Vizcaya, ngunit nakatira na ngayon sa Laoac, Tayug, Pangasinan, sa loob ng 29 na taon mula nang siya’y magpakasal kay Dr. Roger Robeniol. Sila ay biniyayaan ng tatlong anak.

Nagtapos si Dr. Robeniol ng Doctor of Veterinary Medicine program sa Central Luzon State University. Nagsimula siya bilang casual employee sa provincial government noong 2000 at na-promote bilang Livestock Inspector II mula Setyembre 2003 hanggang Agosto 2005. Na-promote siya bilang Veterinarian I mula Setyembre 2005 hanggang Agosto 2014, at Veterinarian II noong Setyembre 2014, bago itinalaga bilang Officer-in-Charge ng departamento sa ilalim ng panunungkulan ni Gobernador Ramon V. Guico III.

Source/Photo:Province of Pangasinan/FB


PANGASINAN, KAUNA-UNAHANG PROBINSYA NA SAGOT ANG PHILHEATH PREMIUM NG MGA JOs AT COsGinanap ngayong araw ang Group Enrol...
25/06/2024

PANGASINAN, KAUNA-UNAHANG PROBINSYA NA SAGOT ANG PHILHEATH PREMIUM NG MGA JOs AT COs

Ginanap ngayong araw ang Group Enrollment Program (GEP) Memorandum of Agreement (MOA) signing ceremony sa pagitan ng Provincial Government of Pangasinan at Philhealth sa Ceremonial Hall ng Urduja House, Capitol Compound.

Dahil sa paglagda ni Governor Ramon V. Guico III sa MOA, sagot na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang Philhealth Premium Contribution ng 2,415 Job Orders (JOs) at Contract of Service (COs) .

Ibig sabihin,sa halip na ibawas sa sweldo ng JOs at Cos,babayaran na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang Philhealth Premium Contribution na ang katumbas ay 5% ng buwanang sahod.

Ayon kay Regional Vice President ng Philhealth RO1, Dennis B. Adre, Pangasinan ang kauna-unahang probinsya na nagsagawa nito.

“Kasi karamihan po ng government employees in the entire country, ibinabawas lang sa mga empleyado nila ang payment of premiums. And talaga pong kakaiba ang probinsya ng Pangasinan dahil they have undertaken to pay the premiums of their JOs and COs,” saad ni Adre.

Ayon kay Provincial Administrator Melicio Patague II, patunay ito na malaki ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa kalusugan ng bawat kawani nito.

Sa pahayag ni Governor Guico, sinabi niyang karapat-dapat na makilala at bigyan ng halaga ang kontribusyon ng mga empleado ng Pamahalaang Panlalawigan.

“Hopefully tulad ng ginawa natin ngayon na nanguna tayo na nag subsidize ng contribution, sana gawin din ng ibang probinsya. Syempre you have to take care of your workers. Kapag hindi sila motivated e di buong organization niyo wala rin,” dagdag ni Governor Guico. (Rich Majin, Omar Cruz| PIMRO)

Source: Province of Pangasinan

PAG-IBIG FUND URDANETA BRANCH TAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG MGA SERYE NG EMPLOYERS' FORUM PARA SA UNANG SEMESTRE 2024Makokom...
25/06/2024

PAG-IBIG FUND URDANETA BRANCH TAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG MGA SERYE NG EMPLOYERS' FORUM PARA SA UNANG SEMESTRE 2024

Makokompleto na bukas, June 26, ng sangay ng Pag-IBIG Fund sa lungsod ng Urdaneta ang apat na serye ng forum para sa mga employers na nakabase sa mga lugar na kanilang nasasakupan para sa unang bahagi ng 2024.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Urdaneta Branch Member Services Chief of Division III Ms. Aileen A. Calpotura, nagsimula sila sa paggawa ng nasabing aktibidad noong June 14 na sinundan naman ng dalawa pa nito lamang June 20 at 21.

Aniya, mayroon nang pitumpu't-walong (78) employers na nakalahok sa mga naunang pagtatanghal ng aktibidad, maliban pa sa mga lalahok bukas, June 26, sa ikaapat at huling serye nito sa unang anim na buwan ng taon.

Ayon pa sa opisyal, ang talakayang ito, na bahagi ng mas malawak na Employers' and Fund Coordinators' Forum, ay nagiging daan upang maibahagi sa mga kalahok ang mga benepisyo ng Pag-IBIG Fund, paano mag-apply para sa loans ang mga miyembrong empleyado, proseso ng pagtataas o pagdadagdag ng kontribusyon, paggamit ng Virtual Pag-IBIG app at ang MPL Raffle Promo para sa mga Employer Representatives at Fund Coordinators.

Dagdag pa ni Calpotura, isa rin sa layunin ng Employers' Forum ay mapaalalahanan din ang mga employers sa kanilang mga responsibilidad at iba pang mga bagay gaya ng updating ng kanilang mga records, pagpapatupad ng pagtaas sa buwanang hulog para sa kanilang mga empleyado at marami pang iba.

Samantala, nakatakda namang gawin ng Pag-IBIG Fund Urdaneta Branch ang kanilang Fund Coordinators' Forum sa darating na July 3 kung saan nasa 100 ang inimbitahan ng sangay na lumahok dito habang sa buwan naman ng Oktubre hanggang Disyembre gagawin ang susunod na mga serye ng Employers' Forum para naman sa 2nd semester ng 2024. | via Ruel L. de Guzman | RP Dagupan

Photo Credits to Ms. Aileen Calpotura

Source: Radyo Pilipinas Dagupan

CONGRESSWOMAN MARLYN AGABAS, PROVIDES EDUCATIONAL SUPPORT TO STUDENTS IN PANGASINAN'S 6TH DISTRICT Congresswoman Marlyn ...
24/06/2024

CONGRESSWOMAN MARLYN AGABAS, PROVIDES EDUCATIONAL SUPPORT TO STUDENTS IN PANGASINAN'S 6TH DISTRICT

Congresswoman Marlyn L. Primicias Agabas, a beacon of hope for the youth in the 6th district of Pangasinan, recently bestowed the gift of education through educational assistance to students in Pangasinan's 6th district, with 110 beneficiaries hailing from San Nicolas.

Mayor Alice expressed her heartfelt gratitude to Cong. Marlyn for her unwavering love and support for the people of her town. With tears of joy in her eyes, Mayor Alice reminded the students of the importance of education and urged them to study hard and make the most out of this opportunity.

Standing alongside Mayor Alice were Vice Mayor Alvin Bravo and Municipal Councilor Amorsolo Pulido, who echoed their sentiments of gratitude towards Cong. Marlyn.

In a world filled with uncertainty and challenges, it is acts of kindness like these that restore our faith in humanity and ignite hope for a brighter tomorrow. Cong. Marlyn's dedication to uplifting the lives of the youth in her district is truly commendable, and her legacy of compassion will continue to inspire generations to come.

Source: San Nicolas , Pangasinan My Home My Pride

OUTREACH PROGRAM, DINALA SA SITIO MAPITA, AGUILAR NA LABIS NA KINATUWA NG MGA RESIDENTELabis na ikinatuwa ng mga residen...
24/06/2024

OUTREACH PROGRAM, DINALA SA SITIO MAPITA, AGUILAR NA LABIS NA KINATUWA NG MGA RESIDENTE

Labis na ikinatuwa ng mga residente ng Sitio Mapita - Barangay Laoag, Aguilar Pangasinan ang outreach activity ng Pangasinan Provincial Library sa Mapita Integrated School.

“Nagpapasalamat po ang local government unit of Aguilar na dito po niyo idinaos ang activity po ninyo in celebration of 100 years existence ng provincial library” saad ni Aguilar Vice Mayor Jesus Zamuco.

Sa outreach program, ang mga bata sa elementarya ay lumahok sa iba't ibang aktibidad kabilang ang storytelling, paglikha ng origami, pagkanta, at pagsasayaw.

Para sa mga mag-aaral sa high school, nagkaroon ng orientation tungkol sa silid-aklatan, mental health awareness, at talakayan tungkol sa "Theoretical and Practical Disaster Risk Reduction Management".

Nagkaroon din ng livelihood training para sa mga magulang.Itinuro kung paano gumawa ng dishwashing liquid at fabric conditioner.

Kasabay nito, ipinamahagi naman sa higit walumpung estudyante ang mga school supply at reading books.

Sagot naman ng Guicosina ang feeding program.

Ayon sa Pangasinan Provincial Library (PPL) na pinangungunahan ni Provincial Librarian Ma Cynthia Encarnita F. VIla, layon ng outreach program na ipaalam sa publiko ang iba’t ibang serbisyong handog ng PPL at mahiyakat, lalo na ang mga kabataan, na magbasa ng libro.

Sa mensahe naman ni 2nd District Board Member Haidee S. Pacheco, iginiit niya ang kahalagahan ng library.

Ayon sa kanya, ”Learning is a constant process. Hindi po porket tapos na tayo sa elementary, highschool, at sa kolehiyo ay tapos na po ang pag-aaral. Hindi po. Life's an everyday learning experience. Kaya po huwag po tayong tumigil na matuto. Everyday is an opportunity to learn.”

Naging matagumpay ang programa sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa LGU Lingayen, JCI Lingayen Liberation II, JCI Lingayen Bagoong, at LGU Aguilar.

Source: Province of Pangasinan

ILANG BANTAY DAGAT, SUMAILALIM SA PAGSASANAY NG BFARNoong ika-18 hanggang ika-20 ng Hunyo, 2024, isinailalim sa tatlong ...
22/06/2024

ILANG BANTAY DAGAT, SUMAILALIM SA PAGSASANAY NG BFAR

Noong ika-18 hanggang ika-20 ng Hunyo, 2024, isinailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang mga bantay dagat mula sa mga bayan ng Bani, Bolinao, at Burgos. Ang mga kalahok ay mga miyembro ng Bani, Bolinao, Burgos Infanta, Dasol, Agno (BBBIDA) Marine Protected Area Network (MPAN).

Pinangunahan ang pagsasanay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 at DENR-CENRO. Bahagi ito ng pamamaraan upang maihanda sa deputization ang bantay mga bantay dagat.

Ilan sa mga tinalakay sa pagsasanay ay ang Republic Act 8550 na inamyendahan ng RA 10654 o ang batas na pumipigil sa illegal na pangingisda, pagtukoy sa mga isdang hinuli sa illegal na pamamaraan, pagresponde sa mga stranded na marine mammal, klasipikasyon ng mga bangkang ginagamit pangisda, at iba pa.

Nagsilbing Learning Service Providers sa pagsasanay ang mga kawani ng Fisheries Management, Regulatory, and Enforcement Division (FMRED), Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division (RFTFCD), at Fisheries Inspection and Quarantine Unit (FIQU). | Ulat ni Ricky Casipit, RP1 Dagupan City

Source: Radyo Pilipinas Dagupan/FB
Photo: BFAR Regional Fisheries Office 1/FB


GOV. GUICO AT VICE GOV.  LAMBINO, NANGUNA SA PAGKAKALOOB NG QUARRY SHARES SA IBAT-IBANG MUNISIPALIDAD AT BARANGAYPinangu...
22/06/2024

GOV. GUICO AT VICE GOV. LAMBINO, NANGUNA SA PAGKAKALOOB NG QUARRY SHARES SA IBAT-IBANG MUNISIPALIDAD AT BARANGAY

Pinangunahan nina Gov. Ramon V. Guico III, kasama si Vice Gov. Mark Ronald DG. Lambino, ang pagkakaloob ng quarry shares sa 13 munisipalidad at 28 barangay noong Hunyo 21 sa Ceremonial Hall, Urduja House, dito.

Ang bayan ng Tayug, ang nakatanggap ng pinakamalaking pinagsamang 30% bahagi para sa unang kwarter ng 2024 lamang, na umabot sa malaking P2,598,935.51.

Sumunod sa Tayug ang munisipalidad ng Sison, na may kabuuang bahagi na P1,944,796.94 para sa ika-apat na kwarter ng 2023 at unang kwarter ng 2024, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang mga benepisyaryo ay ang mga bayan ng Umingan, Natividad, at Sta. Maria, San Fabian, Sto. Tomas, San Manuel, San Nicolas, Mabini, Burgos, San Jacinto, at Villasis.

Samantala, ang Barangay Guzon, isang bahagi ng barangay ng Tayug, ay nakatanggap din ng pinakamalaking pinagsamang 40% bahagi sa quarry, na umabot sa P2,808,791.12 para sa ika-apat na kwarter ng 2023 at P2,882,364.94 para sa unang kwarter ng 2024, na may kabuuang P5,691,156.06.

Ang iba pang mga benepisyaryo sa antas ng barangay ay kinabibilangan ng Brgy. Cauplasan, at San Vicente (Munisipalidad ng Sta. Maria); Brgy. Dungon, Agat, Cauringan, Cabaritan, Esperanza, Artacho, Tara-Tara, Pindangan, at Amagbagan (Mun. ng Sison); Brgy. Lipay, Villasis, at Brgy. Colisao, San Fabian, Brgy. Amistad, Tayug, at Brgy. San Jose, San Jacinto, Brgy. San Vicente, San Manuel, Brgy. San Agustin, Sto. Tomas; Brgy. Casaratan, San Nicolas; Brgy. Barangobong, Tayug, at Brgy. Sapa Pequena, Burgos, Brgy. De Guzman, Mabini, at Brgy. Caramutan, Villasis.

Source/Photo: Province of Pangasinan/FB


205 CHILD DEVELOPMENT WORKERS, BINIGYANG PAGKILALA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN  Kinilala ng Pamahalaang Pa...
21/06/2024

205 CHILD DEVELOPMENT WORKERS, BINIGYANG PAGKILALA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN

Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang 205 child development workers sa kanilang serbisyong 10-35 taon, kasama ang mga retirees at espesyal na parangal, sa 9th Provincial Convention 2024 sa Sison Auditorium noong Hunyo 19, kung saan nagbigay rin ng mensahe sina Vice Governor Mark Ronald DG Lambino at iba pang opisyal.

LINGAYEN, Pangasinan– Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang mga child development workers ( CDWs) sa isinagawang Fellowship and Awards Night ng 9th Provincial Convention 2024 sa Sison Auditorium nitong ika-19 ng Hunyo.

Ang Awarding of Certificates ay ipinagkaloob sa 205 CDWs na nagsilbi ng 10, 15, 20, 25, 30, 35 na taon.

Pinagkalooban naman ng special awards ang apat na retirees na sina Teresita Laguardia (38 years) mula sa bayan ng Bautista, Medelina P. Laureano (35 years) ng Binmaley, Marlyn Gutierrez (29 years) ng Sto.Tomas, Virgie De Vera (28 years) ng Mapandan, at Marjorie Florida (28 years) ng Sto. Tomas.

Binigyan din ng pagkilala ang Provincial Federation of Child Development Workers of Pangasinan, Inc. o (PFCDWPI) City/Municipal Chapter Presidents, at PFCDWPI Officers.

Mayroon ding special awards katulad ng Brightest Star of the Night (Male) mula sa bayan ng San Nicolas, at Brightest Star of the Night (Female) mula sa siyudad ng San Carlos, Biggest Delegation na nakamit ng LGU Bayambang, at Early Bird na nakuha ng LGU Asingan.

Nagbigay ng mensahe ng inspirasyon sina Vice Governor Mark Ronald DG Lambino, 1st District BM Apolonia “Apple” DG Bacay, at 3rd District BM Dr. Shiela Marie F. Baniqued.

Sa huling araw ng convention, Hunyo 20, nagbigay ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ang Provincial Federation of Child Development Workers of Pangasinan, Inc. o (PFCDWPI) sa pamamagitan ni Executive Vice President Esfer P. Segundo.

Ipinaabot naman ni Provincial Social Welfare and Development Office Head Annabel Terrado-Roque ang kanilang panghuling mensahe sa pamamagitan ni Project Evaluation Officer III Richard A. Dizon, DPA. (Marilyn Marcial, Ron Edrian Bince/PIMRO)

Source/Photo: Province of Pangasinan

LALAKI, PATAY MATAPOS SUMABOG ANG GULONG SA VULCANIZING SHOPPatay ang isang lalaki na kinilalang si Jimmy matapos masabu...
21/06/2024

LALAKI, PATAY MATAPOS SUMABOG ANG GULONG SA VULCANIZING SHOP

Patay ang isang lalaki na kinilalang si Jimmy matapos masabugan ng gulong sa isang vulcanizing shop, samantalang ang vulcanizer ay inaresto at kinasuhan ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide.

Hindi inaasahan na ang isang gulong ang magiging mitsa ng kamatayan ng isang lalaki.

Patay ang lalaki na kinilalang si Jimmy matapos masabugan ng gulong sa loob ng isang vulcanizing shop.

Ayon sa report, nagpunta ang biktima sa vulcanizing shop para pahanginan ang gulong ng motorsiklo. Lumapit siya sa mas malaking gulong na kasalukuyang binobombahan ng hangin.

Pero sa hindi inaasahan, biglang sumabog ang gulong at natamaan ang biktima. Sinubukan pa siyang itakbo sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Samantala, inaresto naman ang vulcanizer at kinasuhan ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa opisina ng piskalya.

Source/Photo: Russel Simorio

BAYAN NG BINALONAN, IDINEKLARA NANG DRUG CLEAREDNoong Hunyo 6, 2024, pormal na idineklara na ang bayan ng Binalonan bila...
17/06/2024

BAYAN NG BINALONAN, IDINEKLARA NANG DRUG CLEARED

Noong Hunyo 6, 2024, pormal na idineklara na ang bayan ng Binalonan bilang isang Drug Cleared Municipality. Ang tagumpay na ito ay bunga ng masigasig na pagtutulungan ng PNP Binalonan, PDEA, mga Punong Barangay ng bayan, kasamahan sa LGU Binalonan, at mga mamamayan.

"Kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyong mga tulong at dedikasyon upang ating makamit ang ," ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan.

Source: Ramon RG Guico lV

APAT NA BAYAN AT ISANG LUNGSOD, ITINAKDANG SENTRO NG TURISMO SA PANGASINANGobernador Ramon V. Guico III sinabing ipapatu...
15/06/2024

APAT NA BAYAN AT ISANG LUNGSOD, ITINAKDANG SENTRO NG TURISMO SA PANGASINAN

Gobernador Ramon V. Guico III sinabing ipapatupad ang mga proyektong pangkaunlaran sa mga natukoy na pook-turismo upang higit pang mapabuti ang industriya ng turismo sa lalawigan.

Tinutukoy ng gobernador bilang mga pook-turismo ang mga bayan ng Bolinao, Lingayen, Manaoag, San Nicolas (Malico), at ang Lungsod ng Alaminos.

Sinabi ni Gov. Guico na sa kanlurang bahagi, naitatag na bilang mga pook-turismo ang Bolinao at Lungsod ng Alaminos. Ayon sa kanya, kabilang ang Bolinao sa mga pook-turismo dahil sa mga likas na yaman nito, mayamang kasaysayan, at natural na dami ng mga turista, habang ang Lungsod ng Alaminos naman ay dahil sa Hundred Islands.

Upang mapabuti ang aksesibilidad ng kanlurang bahagi, magtatayo ang pamahalaang panlalawigan ng Bolinao International Airport.

Kailangan din umanong paunlarin ang Lingayen, ang kabisera ng lalawigan.

Ang pinakamahabang reflective pool, na bahagi ng muling pag-unlad ng Capitol Complex, ay inaasahang magiging pangunahing atraksyong panturista kapag natapos na.

Ang Manaoag ang pinakamalaking atraksyong panturista sa Pangasinan, kung saan milyun-milyong turista ang dumadayo sa naturang bayan dahil sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag na simbahan.

Sa silangang bahagi naman ay ang makasaysayang Malico sa San Nicolas, na siyang pinakamataas na punto sa Pangasinan.

Sinabi ni Gobernador Guico na may teritoryal na pag-aangkin mula sa karatig na lalawigan, ngunit kailangan nating igiit na ito ay atin dahil ito ang ating teritoryo.

Source/Photo: Province of Pangasinan/FB


ANIM NA KASO NG DENGUE, NAITALA SA BAYAN NG SAN FABIAN NGAYONG TAONIbinahagi ni Medical Officer IV Dr. Carmina Disu mula...
15/06/2024

ANIM NA KASO NG DENGUE, NAITALA SA BAYAN NG SAN FABIAN NGAYONG TAON

Ibinahagi ni Medical Officer IV Dr. Carmina Disu mula sa Municipal Health Office na ang nasabing mga kaso ay nagmula sa limang barangay na kinabibilangan ng Aramal, Nibaliw East, Sobol, Tempra Guilig na may-tig-isang (1) kaso habang dalawa (2) naman sa barangay Tocok.

Binigyang-diin naman nito na lahat ng anim na pasyente ay hindi severe case at pawang gumaling na sa sakit.

Sa katunayan aniya ay nakatakda nang i-activate ang kanilang Municipal Dengue Taskforce upang matutukan ang Information Education Campaign sa mga barangay lalo na sa mga tinaguriang high risk area.

Umaasa sila na hindi na tumaas pa ang nasabing bilang kaya pinaiigting na ngayon ng kanilang tanggapan ang pagbibigay impormasyon para maiwasan ang sakit.

Base sa datos ng MHO, nakapagtala sa bayan ng tatlumput-siyam (39) na kaso noong 2021, tatlumpo (30) noong 2022 at tatlumpu't-pito (37) noong 2023.

Source/Photo: Radyo Dagupan Pilipinas/FB


PAINTING TUTORIAL AT PAINTING CONTEST, ISINAGAWA BILANG PAGDIRIWANG NG 100TH FOUNDING ANNIVERSARY NG PANGASINAN Bilang p...
14/06/2024

PAINTING TUTORIAL AT PAINTING CONTEST, ISINAGAWA BILANG PAGDIRIWANG NG 100TH FOUNDING ANNIVERSARY NG PANGASINAN

Bilang pagdiriwang ng 100th Founding Anniversary ng Pangasinan Provincial Library (PPL) na may temang “Pagpupugay at Pasasalamat”, isinagawa ngayong araw ang “Pintados: Painting Festival. Apatnapu’t limang (45) mga chikiting ang lumahok sa kalahating araw na basic painting tutorial.

Nagkaroon naman ng Bilao Painting Contest. Ipinakita rito ng pitong kalahok ang kanilang husay sa pagpinta sa Bamboo Bilao.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga young artists ng Pangasinan na ipakita ang kanilang mga talento sa sining habang ipinakikilala din ang mga kilalang produkto ng Pangasinan tulad ng Bamboo Bilao.

Source: Province of Pangasinan

PANGASINAN, NANGUNGUNANG PRODYUSER NG PALAY SA BUONG REHIYON 1 AT PANGATLO SA BUONG PILIPINASSaludo ang Pamahalaang Panl...
14/06/2024

PANGASINAN, NANGUNGUNANG PRODYUSER NG PALAY SA BUONG REHIYON 1 AT PANGATLO SA BUONG PILIPINAS

Saludo ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga magsasaka ng Pangasinan. Base sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), Pangasinan ang Top 1 Palay producer sa buong Region 1 at top 3 sa buong Pilipinas. Sa kabila ng mga hamon sa agrikultura, patuloy na nagpapakita ng dedikasyon at kasipagan ang mga magsasaka ng lalawigan, na nagbubunga ng mataas na produksyon ng palay.

Kaya naman puspusan ang pagsusulong ni Governor Ramon V. Guico III sa Corporate Farming para mapalaki ang kita at ani ng mga magsasaka sa lalawigan. Layunin ng programang ito na pag-ibayuhin ang kolaborasyon sa pagitan ng mga magsasaka, pamahalaan, at pribadong sektor upang magamit ang makabagong teknolohiya, maayos na sistema ng irigasyon, at mas epektibong pamamahala ng mga sakahan.

Source: Province of Pangasinan

3-KATAO, PATAY MATAPOS MASALPOK NG NAG-OVERTAKE NA KOTSE SA MANGATAREM, PANGASINANNauwi sa trahedya ang biyahe sa tricyc...
14/06/2024

3-KATAO, PATAY MATAPOS MASALPOK NG NAG-OVERTAKE NA KOTSE SA MANGATAREM, PANGASINAN

Nauwi sa trahedya ang biyahe sa tricycle ng isang magkakamag-anak matapos silang mabangga ng kotse sa kahabaan ng Barangay Bogtong Silag, Mangatarem, Pangasinan.

Patay si Jerson Serna na sakay ng tricycle at dalawang iba pa dahil sa matitinding sugat sa katawan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Pulisya, habang binabagtas ng tricycle ang kalsada bigla silang nasalpok ng kotse na nag-ovetake sa pakurbang bahagi ng kalsada. Malakas ang impact dahil na rin sa bilis ng kotse.

Nagpahayag ng pagkalungkot si Mayor Ramil Ventenilla kasunod ng nangyaring trahedya.

Base sa post ng Alkalde, nakainom ang driver ng kotse.

“Lubos na ikinalulungkot kong ipabatid ang aksidente na naganap kagabi. Nagresulta ito sa pagkasawi ni Jerson Serna at dalawang iba pa. Ang lahat ng biktima ay agad na dinala sa Mangatarem District Hospital para sa agarang lunas.” -pahayag ng Alkalde

Source: Russel Simorio

GOV. GUICO, NAKIKIISA SA PAGGUNITA AT SELEBRASYON NG ARAW NG KALAYAAN Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan...
12/06/2024

GOV. GUICO, NAKIKIISA SA PAGGUNITA AT SELEBRASYON NG ARAW NG KALAYAAN

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III sa paggunita at selebrasyon ng Araw ng Kalayaan na ginanap sa Sison Auditorium, Lingayen kahapong June 12.

Naging panauhing pandangal at tagapagasalita si Dr. Melchor E. Orpilla, KWF Komisyoner para sa Wikang Pangasinan, Tagapangulo, PSU Bayambang Laboratory High School sa ika isang daan dalawampu’t anim na Araw ng Kasarinlan na may temang ‘Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.’

Aniya, ang lokal na kasaysayan ay inaasahang pinaka-malapit sa puso at kamalayan ng mga tao dahil ito ay sumasalamin sa kanilang sariling pagkakakilanlan, karanasan at kamalayan kaya dapat munang malaman ang kasaysayan ng kanilang sariling bayan at ang mga kontribusyon ng kanilang sariling kasaysayan sa pag-unlad ng rehiyon at ng bansa upang maunawaan at pahalagahan ang kasaysayan ng Pilipinas.

“Sa ika-126th na paggunita ng Araw ng Kasarinlan, magkaroon nawa tayo ng ibayong sigasig na pag-aralan, itampok at pahalagahan ang lokal nating kasaysayan sapagka’t hindi maabot ng ating isip kung ano ang totoong pambansang kasaysayan kung hindi natin kilala at alam ang lokal na kasaysayan.Ito ang pupuno sa pambansang kamalayan tungkol sa kalayaan at magbibigay sa atin ng kaalaman upang harapin ang mga pangako at hamon ng kinabukasan,”dagdag ni Dr. Orpilla.

Naging tampok ang dalawang bayaning Pangasinan na sina Andres Malong at Juan Dela Cruz Palaris sa nabanggit na pagdiriwang.Batid sa ating lokal na kasaysayan na ang Pangasinan ay may malaking bahagi sa mga rebolusyon laban sa mga mananakop mula sa panahon ng mga Katipunero hanggang World War II.

Sa nasabing pagdiriwang ay sinabi ni Gov. Guico na hindi lang ibang bansa o probinsiya ang sumasakop sa atin sa ngayon kundi ang kahirapan (poverty) at kamangmangan (ignorance). Kasunod nito ay binanggit niya ang mga malalaking proyekto ng administrayon gaya ng Pangasinan Link Expressway, Corpo

PENALTY SA PAGTATAPON NG BASURA, PAIIGTINGIN  NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ay ...
12/06/2024

PENALTY SA PAGTATAPON NG BASURA, PAIIGTINGIN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura, dumi, at iba pang kalat sa mga bukas o pampublikong lugar sa loob ng Capitol Complex.

Ang pagbabawal na ito ay naging opisyal sa pamamagitan ng pagpasa ng Provincial Ordinance No. 322, Series of 2024, na binuo at inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) noong Abril 15.

Ayon sa nasabing ordinansa, na inakda ni SP Member Vici M. Ventanilla, "Republic Act No. 9003, also known as the Ecological Solid Management Act of 2000, states that there is a need for an ecological solid waste management program, creating the necessary institutional mechanisms and incentives, declaring certain acts prohibited and providing penalties, appropriating funds therefor, and for other purposes.”

Kasama rin sa mga ipinagbabawal na gawain ang hindi wastong paglalagay ng basura sa mga basurahan o lalagyan. Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay mapapatawan ng mga sumusunod na parusa: P500.00 para sa unang paglabag; P1,000.00 para sa pangalawang paglabag; at P1,500.00 para sa pangatlo at mga susunod pang paglabag.

Ang mga mahuhuling lumalabag sa batas ay maaaring magbayad ng kanilang multa sa Provincial Treasurer’s Office sa loob ng 72 oras mula sa pagkakaloob ng citation ticket.

Ang ordinansa ay magkakabisa sa loob ng 15 araw matapos itong mailathala sa isang lokal na pahayagan at pagkatapos maipaskil ang mga kopya ng nasabing ordinansa sa mga kitang-kitang lugar sa loob ng Capitol Compound sa Lingayen.

Source/Photo: Provincial Government of Pangasinan/FB


Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Calasiao, Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share