WarmHeart

WarmHeart is a podcast and now a radio program that supports mental health awareness and education.

It caters various audiences locally and abroad via shortwave radio. We feature guests who provide insights on relevant topics related to mental health. is inspired by the concern of the Filipino people to its community and the current emerging societal challenges on mental health. podcast gives light to several mental health issues, provides information and educational conten

ts, offers self-care tips, as well as shares inspiring, encouraging, and heart-warming personal stories.

Paano nga ba nakakaapekto sa mental well-being ng tao ang pagkakaroon ng maayos o magulong isip, espasyo, o paligid?Alam...
15/11/2024

Paano nga ba nakakaapekto sa mental well-being ng tao ang pagkakaroon ng maayos o magulong isip, espasyo, o paligid?

Alamin natin โ€˜yan dito sa kasama si Dr. Mahjalin Araiza B. Diez isang Consultant Psychologist mula sa Kasama Mental Health Psychosocial Services (KMHPS).

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3, 1278kHz ngayong Sabado, November 16, 2024, ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.925 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, November 18, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.

SoundCloud link: https://soundcloud.com/warmheart2ndaccount/decluttering

25/10/2024

PANOORIN | Pakinggan kung paano nakatutulong ang teknolohiya at bukas na komunikasyon upang matugunan ang hamon sa ating mga OFWs tulad ng long distance parenting sa pagitan ng magulang at ng anak.

24/10/2024

PANOORIN | Depression, anxiety, at PTSD ang ilan sa mga mental health conditions na nararanasan ng mga professional at skilled workers na babaeng OFWs sa Middle East ayon sa pag-aaral.

Anu-ano ba ang kadalasang suliranin na kinakaharap ng ating mga OFWs sa kanilang pagsasakripisyo sa abroad upang makapag...
24/10/2024

Anu-ano ba ang kadalasang suliranin na kinakaharap ng ating mga OFWs sa kanilang pagsasakripisyo sa abroad upang makapagbigay ng magandang buhay sa kanilang pamilya? Kinukumusta ba natin ang ating mga kapamilyang OFW o tumatawag lang tayo sa kanila para manghingi ng pera? Paano tayo makatutulong upang magkaroon ng malusog na kaisipan at mabuting kalagayan ang ating mga kababayang OFWs?

Makinig na sa pinakahuling episode ng kasama si Artcher Santillan isang OFW sa Saudi at isa ring Registered Psychometrician upang talakayin ang Mental Health Essentials para sa mga OFW.

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3 1278kHz ngayong Sabado, October 26, 2024, ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.960 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, October 28, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.

๐™Ž๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐™˜๐™ก๐™ค๐™ช๐™™ ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ : https://soundcloud.com/warm-heart-4th-account/warmheart-mental-health-essentials-for-ofw

Kamakailan napanood natin ang video ni Dr. Willie Ong kung saan sinabi nitong itinuturing niyang dahilan ng pagkakaroon ...
10/10/2024

Kamakailan napanood natin ang video ni Dr. Willie Ong kung saan sinabi nitong itinuturing niyang dahilan ng pagkakaroon niya ng cancer ang stress. Nabalitaan din natin ang isang g**o sa Davao na di umano'y namatay dahil sa stress.

Totoo nga bang nakamamatay ang stress? Alamin natin ang ilan sa mga paraan kung paano mas maayos na mapangasiwaan ang stress mula kay Ms. Patricia Kimberly Chua, Stress Management Facilitator at Mindfulness Meditation Teacher ng Moment to Moment Stress Management Solutions.

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3 1278kHz ngayong Sabado, October 12, 2024, ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.960 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, October 14, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.

๐™Ž๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐˜พ๐™ก๐™ค๐™ช๐™™ ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ : https://soundcloud.com/warm-heart-4th-account/stressmanagement

Tuwing nawawalan ng mahal sa buhay ang isang tao, dumadaan siya sa tinatawag na grief o pagdadalamhati. Sa mga pagkakata...
04/10/2024

Tuwing nawawalan ng mahal sa buhay ang isang tao, dumadaan siya sa tinatawag na grief o pagdadalamhati. Sa mga pagkakataong ito, kailangan niya ng makakausap o karamay habang pinagdadaanan ang ganitong sitwasyon.

Sa panibagong episode ng , kilalanin ang isang social enterprise na may layunin, ayon sa kanilang website, na makapaglikha ng "thoughtful gifts" (e.g grief journal) upang maramdaman ng mga nagdadalamhati na sila'y "seen, loved, and heard." Ito'y walang iba kung hindi ang Nakikiramay PH.

Nakasama natin ang may-ari ng Nakikiramay PH na si Ms. AJ de Guzman, maging ang marketing officer nito na si Ms. Meara De Guzman-Manaluz, upang ating malaman kung paano nila sinimulan ang Nakikiramay PH at kung paano haharapin ang grief o pagdadalamhati.

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3 1278kHz ngayong Sabado, October 5, 2024, ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.960 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, October 7, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.

๐™Ž๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐˜พ๐™ก๐™ค๐™ช๐™™ ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ : https://on.soundcloud.com/D774ku9x1F4Kwuz16

๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—š๐—š๐—˜๐—ฅ ๐—ช๐—”๐—ฅ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š โ—โ—โ—๐˜”๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข/๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ช๐˜ค๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ง-๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ...
19/09/2024

๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—š๐—š๐—˜๐—ฅ ๐—ช๐—”๐—ฅ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š โ—โ—โ—

๐˜”๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข/๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ช๐˜ค๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ง-๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช-๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ง-๐˜ค๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ต/๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ด๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข.

Sa buwan ng Setyembre isinasagawa ang obserbasyon ng Su***de Prevention Awareness Month kaya naman para sa pinakabagong edisyon ng , ating tatalakayin ang pagsasagawa ng ๐˜€๐˜‚๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜-๐—ฎ๐—ถ๐—ฑ ng isang organisasyon na naitatag sa Calamba, Laguna.

Sa pagkakataong ito, makakasama natin ang chairperson ng ๐—ฃ๐˜€๐˜†๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ด๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜-๐—”๐—ถ๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ na si ๐—ฆ๐—ถ๐—ฟ ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐˜‚๐—น ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ upang ating mas maunawaan kung paano isinasagawa ang su***de first-aid, maging ang mga kakailanganing katangian at kakayahan bilang isang psychological first-aid responder.

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3 ngayong Sabado, September 21, 2024, ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.960 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, September 23, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.

๐™Ž๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐˜พ๐™ก๐™ค๐™ช๐™™ ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ : https://on.soundcloud.com/jRGWFoquQxMuCXgZ9

Kamakailan, iniulat ang pagkakaroon ng Emotional Baggage Counter ng isang paaralan sa Metro Manila upang makatulong sa m...
30/08/2024

Kamakailan, iniulat ang pagkakaroon ng Emotional Baggage Counter ng isang paaralan sa Metro Manila upang makatulong sa mental well-being ng mga mag-aaral, kaguruan, at iba pang kawani ng paaralan sa pagpasok ng mga ito sa kani-kaniyang klase o trabaho. Ngunit ano nga ba itong emotional baggage? Paano ba natin ito mapapangasiwaan?

Makinig na sa sa muling pagbabalik ni Mr. Raph Doval-Santos, Resident 2nd Step Psychologist ng Mind Care Club sa kaniyang pagtalakay sa emotional baggage.

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3 ngayong Sabado, August 31, 2024, ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.960 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, September 2, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.

SoundCloud link: https://on.soundcloud.com/gc9ir

Lagi ka bang puyat? Laging inaantok sa araw? O hindi naman kayaโ€™y hirap kang makatulog sa gabi? Baka naman sleep deprive...
16/08/2024

Lagi ka bang puyat? Laging inaantok sa araw? O hindi naman kayaโ€™y hirap kang makatulog sa gabi? Baka naman sleep deprived ka na o mayroon ka nang sleep problem? Narito ang ilang mga tips na maaaring makatulong upang mapangasiwaan ang iyong tulog.

Alam niyo bang numero uno sa pinakapuyat ang mga Pilipino sa Southeast Asia? Pang-apat naman sa pinaka puyat ang mga ito...
15/08/2024

Alam niyo bang numero uno sa pinakapuyat ang mga Pilipino sa Southeast Asia? Pang-apat naman sa pinaka puyat ang mga ito sa buong mundo. Ano ang kaugnayan ng mental health sa pagiging puyat? Alamin natin โ€˜yan dito sa kasama si Dr. Jose Pedrito "Pito" Magno, isang Sleep Specialist mula sa Philippine Society of Sleep Medicine.

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3 ngayong darating na Sabado, August 17, 2024, ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.960 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, August 19, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.

SoundCloud link: https://on.soundcloud.com/KuGEDXLRmDAHDpFQ9

Ikaw ba ay isang workaholic? Itinuturing mo ba ang iyong sarili na career-enmeshed? Kung isa ka sa dalawa, tamang-tama p...
19/07/2024

Ikaw ba ay isang workaholic? Itinuturing mo ba ang iyong sarili na career-enmeshed? Kung isa ka sa dalawa, tamang-tama para sa iyo ang ating episode ngayong weekend - kung saan kasama natin para sa isang malalimang diskusyon si Mr. Vjohn Dizon, isang life coach. Alamin ang mga senyales ng pagiging isang workaholic o career-enmeshed, maging ang mga tips upang mai-handle ang mga ganitong sitwasyon.

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3 - Alert 1278kHz sa Sabado, July 20, 2024, ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.960 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, July 22, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.

SoundCloud link: https://on.soundcloud.com/yr9gYii7vPQVan8n9

May mga pagkakataon bang naiisip mong kaya mo pero nawawalan ka pa rin ng kumpiyansa sa sarili? Kung ganito ang sitwasyo...
12/07/2024

May mga pagkakataon bang naiisip mong kaya mo pero nawawalan ka pa rin ng kumpiyansa sa sarili? Kung ganito ang sitwasyon mo, maaaring mayroon kang impostor syndrome. Bagamat hindi ito maituturing na mental health condition, masasabi nating isa itong uri ng mindset. Upang magkaroon tayo ng mas malalimang kaalaman ukol sa impostor syndrome, makinig na sa diskusyon kasama si Ms. Candee Teng ng Life Coach Philippines.

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3 Alert 1278kHz sa Sabado, July 13, 2024 ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.960 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, July 15, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.

SoundCloud link: https://on.soundcloud.com/MrKiKeYYQYwBM7b67

Pagpapakatotoo sa sarili, pagpapatawad, pagtanggap ng pamilya at komunidad, at pagtatagumpay sa buhay. Pakinggan ang kuw...
27/06/2024

Pagpapakatotoo sa sarili, pagpapatawad, pagtanggap ng pamilya at komunidad, at pagtatagumpay sa buhay. Pakinggan ang kuwentong Prideโ€”hindi pagmamataas kundi buong pagpapakumbabang pagpapatawad at pagpapamalas ng lakas ng loob na lumabas sa kloseta at harapin ang sakit ng pangungutya ng iba. Dahil ang pagbubukas sa sarili ay pagbubukas sa pag-asang mayroong uunawa, magmamalasakit, at magmamahal. Pakinggan ang kuwento ni Mx. Aura Diaz Cano isang transgender woman, President ng Pride Batanes at Owner ng Aura Diaz Cano Aesthetic Center.

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3 Alert 1278kHz sa Sabado, June 29, 2024 ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.960 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, July 1, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.
๐Ÿ“ป

SoundCloud Link: https://on.soundcloud.com/FDrL2VPzCa6aRRJa6

Totoo kayang kapag mainit ang panahon mas madaling uminit ang ulo ng mga tao? Ano ang heat stress? Ano ang epekto ng kli...
24/05/2024

Totoo kayang kapag mainit ang panahon mas madaling uminit ang ulo ng mga tao? Ano ang heat stress? Ano ang epekto ng klima sa mental health ng tao? Mayroon kayang kaugnayan ang climate change sa su***de rate? Ano ang environment psychology?

Pakinggan ang mga kasagutan sa mga tanong na ito dito lang 'yan sa kasama ang Resident 2nd Step Psychologist ng Mind Care Club na si Raph Doval-Santos.

Tutok na sa Radyo Pilipinas 3 Alert 1278kHz bukas, Sabado, May 25, 2024 ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Pati na rin sa Radyo Pilipinas World Service shortwave radio 9.960 MHz, 12.120 MHz, at 15.190 MHz sa Lunes, May 27, 2024 mula 18:30 hanggang 19:30 UTC para naman sa ating mga OFWs at seafarers.๐Ÿ“ป

SoundCloud link: https://soundcloud.com/warmheart2ndaccount/warmheart-environment-psychology-with-psychologist-raph-doval-santos

Alamin kung bakit idineklara ng World Health Organization ang loneliness o depression bilang global public health concer...
04/05/2024

Alamin kung bakit idineklara ng World Health Organization ang loneliness o depression bilang global public health concern/global health threat at kung kumusta na ang estado ng Pilipinas pagdating sa mental health. Pakinggan ang panayam kay Dr. Kathryn Tan, Psychiatrist at Medical Specialist III ng National Center for Mental Health (NCMH) dito lang 'yan sa .

SoundCloud Link: https://on.soundcloud.com/mgm3vwKgwgwqnJRG8

Paano ba dapat i-handle ang mga conflict o sigalot? Narito ang ilang mga tips mula sa naging panayam ng programang   kay...
14/04/2024

Paano ba dapat i-handle ang mga conflict o sigalot? Narito ang ilang mga tips mula sa naging panayam ng programang kay Dra. Romaine Magboo, isang psychologist mula sa RGM Psychcare Wellness.

May mga nababalitaan tayong conflict o sigalot tulad ng mga giyera sa pagitan ng Israel at Hamas, at ng Ukraine at Russi...
14/04/2024

May mga nababalitaan tayong conflict o sigalot tulad ng mga giyera sa pagitan ng Israel at Hamas, at ng Ukraine at Russia. Sa mundo ng Philippine showbiz industry, makakabalita rin tayo ng mga sigalot na nauuwi sa hiwalayan. Kahit sa pang-araw-araw na buhay, tulad ng sa trabaho, maaari tayo maka-encounter ng mga hindi pagkakaunawaan.

Paano nga ba natin dapat harapin ang conflict o sigalot? Paano ba ito maiiwasan o mareresolba? Makinig sa naging panayam ng programang kay Dra. Romaine Magboo ng RGM Psychcare Wellness upang bigyang-kasagutan ang mga tanong na ito.

SoundCloud Link: https://on.soundcloud.com/jGQxugMor5CeR4oH6

05/04/2024

Abangan ang muling pagsasahimpapawid ng talakayan ng tungkol sa Autism kasama ang Founding Member ng Autism Society Philippines, Ms. Cecile S. Sicam.

Makinig na sa Radyo Pilipinas 3 sa darating na Linggo, April 7, 2024 ala-una hanggang alas-dos ng hapon!

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when WarmHeart posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share