11/03/2022
BEWARE CO-STREAMERS, especially small ones.
Earlier sa aking stream (which is deleted na), may dummy acc. na nagco-comment hanggang magkapalagayan kayo.
Target niya/nila I think yung may personal mobile number sa page at yung gamit na phone sa stream mismo yung nasaksakan.
What I assume that happened is nag-process si scammer ng purchase sa CODA via GCash sa personal number kong naka-expose sa page.
May na-receive akong OTP sa GCash/CODAShop, nag-appear siya sa screen while on stream. Ako pa 'tong tanga, in-open ko pa nang buo sa Messages app, so nakita na talaga yung OTP for both.
Later on, tinanong niya ako kung anong birthday ko, sabi pa se-send-an niya raw kasi ako ng stars sa birthday ko, that's the time I knew it was him and as I checked my GCash app, yung birthday is needed to reset your MPIN as well as other details gaya ng last ID/code sent sa'yo at level mo sa app.
Btw, walang laman yung GCash ko pero if I'm not wrong may utang feature na ngayon sa app, or dati na talaga 'tong modus. 'Di rin talaga ko naglalagay ng pera rito unless needed for online payments.
₱300.00 lang yung tinopup sa CODA pero 'di ko alam kung na-process at mukha namang hindi since 'di ko naman nasabi yung birthday for him to change the MPIN at wala ring balance GCash ko.
Ngayon, I have to wait for 24hrs. before I can change my MPIN. I failed resetting it twice since I'm getting confused what's the ID/code needed and/or I forgot the level of verification ko sa GCash since I rarely use the app. I submitted a ticket nalang din. Hopefully everything's gonna be ok. Gaya nga ng sabi ko, GCash is still very useful sa instant online payments at madalas ganito na yung proseso.
Bottomline, pakitanggal na yung yung mobile number niyo at e-mail niyo sa inyong gaming page or personal account lalo kung ito ay inyong personal data. This is my bad since I always want na lahat may input, little did I know it was in public in my gaming page (sa personal FB ko kasi naka-Only Me).
I don't know ano pa ang ibang modus pero yang mga sinabi ko e more likely sa mga streamers o nagla-live na exposed ang personal mobile number na ang sim ay inserted sa gadget na gamit mismo sa live.
Ingat tayo sa mga kahina-hinala.
Update: After 17hrs, just by submitting a ticket and explaining what happened instead of answering the questions I said, GCash just sent a temporary MPIN for me to just change that into a new one. More power, GCash!